Kabanata Labing Siyam

11 2 0
                                    

Kabanata Labing S'yam

Nag-walk out si Katie matapos nyang marinig 'yon, namataan ko pang sumama ang tingin nya sakin that's why I glared at her too. Hindi ko sinagot si Rodge at inirapan lang, kunwari pa sya kanina, e halatang gustong-gusto nya naman yung panlalandi na ginagawa sa kanya ng bruhilda.

Pumasok si Sir Turla sa room at tumayo sa harap, pinasadahan nya kaming lahat ng tingin bago naupo sa mesa.

"Next month will be our intramurals," panimula nya, nagsimulang umingay ang classroom dahil sa excitement ng iba. "You can join any sports you want, but, let's decide kung sino ang sasali sa darating na pageant." he stated, mabilis na bumaling sakin ang karamihan sa mga kaklase ko, pinagtaasan ko sila ng kilay sabay inirapan.

May isang nagtaas ng kamay, agad iyong pinagtuunan ng pansin ng guro.

"Yes, Angela?" ani ni Sir.

"Kisses would perfectly fit on that title, sir." she said, and the class agreed.

"Is that okay with you, Ms. Villafuerte?" tanong sakin ng teacher, akmang aayaw na sana ako ngunit may naunang sumagot sakin.

"No." Rodge answered, as if he's the one who'll ramp at that stage. I glared at him, pero ni hindi nya 'ko tinapunan ng tingin.

"But, Rodge, may perang mapapanalunan sa contest na ito—" hindi nya pinatapos ang gustong sabihin ng guro.

"I don't care about the money, she won't join." he said with final tone, tumahimik ang buong silid at ang lahat ay walang nagawa. I raised my hand, na naging dahilan para malipat ang atensyon nila sakin.

"Magkano po ang price ng mananalo?" lumiwanag ang mukha ni Sir, while Rodge eyed me darkly.

"7,000 pesos, hija." sagot nito, napakagat ako sa 'king pang-ibabang labi.

I don't want to join, pero gusto kong mabigyan si nanay ng pera bilang pasasalamat na rin sa pagtira ko ng libre sa munti nyang tahanan.

Pumikit ako ng mariin, "Sasali po ako." wika ko, napangiti ang ibang mga kaklase ko. Marami ang natuwa, while the jerk remain his dark face, I rolled my eyes at him.

Nang umalis si Sir ay hinila ako ni Rodge palabas, hindi na 'ko nagpumiglas sapagkat alam kong hindi ko sya kaya.

Huminto kami sa harap ng stock room, hinarap nya 'ko nang halata ang galit sa mga mata.

"What the fuck? Bakit mo naisipang sumali sa tanginang pageant na 'yon?!" nanlaki ang mata ko dahil sa lakas ng kanyang boses, padabog kong hinila ang braso kong hawak pa din nya.

"Ano bang paki mo? Ano 'yang ikinapuputok ng butsi mo, e hindi naman ikaw yung rarampa sa entablado?!" mas malakas na sagot ko, dismayado nyang ginulo ang kanyang buhok at nagpabalik-balik sa paglalakad.

Kalaunan ay kumalma sya, hinarap nya 'ko gamit ang nangungusap na mga mata.

"Declined their offer, please." his voice was husky, marahan ang tingin nya sakin kaya awtomatikong nalusaw ang aking galit. I have a sigh.

"I-I need the money, Rodge. Ikaw, mayaman ka kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng kailangang kumayod para magkapera." matabang na utas ko, natigilan sya sabay tinitigan ako ng mariin.

"Then I will fucking give you thousands of money! Tell me, magkano ang kailangan mo?" he asked, my eyes widened and look at him, unbelievably.

"What do you think of me? A slut? A gold-digger?" sunod-sunod kong tanong, anger was evident in my eyes. "Fuck, just let me fucking join that contest! Anong mahirap don? Sino ka ba sa tingin mo, ha? Tatay ko? Kuya ko? Boyfriend ko?" I yelled out of frustration, unti-unti syang nawalan ng ekspresyon sa mukha at saka yumuko.

"I-I'm sorry," he apologized, sinalubong nya ang tingin ko, nakita kong may sumilip na sakit sa kanyang mga mata. Nawala ang pagkunot ng aking noo, sa gulat ay hindi ako nakasagot.

"I just don't want you to be exposed. Sobrang dami kong nakikitang mga lalaking pinagpapantasyahan ka, Kisses, at lahat sila ay pinagseselosan ko. Kaya ayoko nang may dumagdag pa, because I want you only mine. But like what you said, who am I, anyway?" mahina ang boses nya, pero sapat na upang marinig ko. He stared at me for a minute before leaving me, at 'don ko lang nagsink-in sakin ang lahat.

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon