Kabanata Dalawampu't Apat

5 2 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Apat

Umuwi na din kami dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag, ang sinabi kasi ni Rodge kay nanay ay iuuwi nya 'ko bago sumapit ang dilim.

Bumaba ako ng kanyang kotse, ganon din ang ginawa nya at huminto sa 'king harapan. I smiled at him, while he remain his serious face.

"Thanks for today, I enjoyed a lot." I told him as I tiptoed and kissed his cheeks, halata ang pagkabigla sa mukha nya at bago pa sya makabalik sa sarili ay tumakbo na 'ko papasok sa gate.

I stopped when I heard him call my name, nilingon ko sya habang nakahawak ang kanan kong kamay sa doorknob ng aming pinto.

"I love you!" he yelled, he wink when he saw my eyes widened. Nagmamadali akong pumasok sa bahay, napasandal ako sa pader habang dinadama ang dibdib.

Damn, he always make my heartbeat's fast. Nakita ko si nanay na naghahanda ng hapunan kung kaya't lumapit ako sa kanya.

"Oh, nariyan ka na pala. Naghapunan ka na ba? Halina't kumain." anyaya nya, magsasalita na sana ako nang may marinig na yabag pababa ng hagdan.

"Hi, Kisses!" Luna excitedly run towards me, kumunot ang noo ko sa pagtatakha.

"Nasan ang iba?" I asked, hindi ko kasi naririnig ang ingay ng apat na itlog.

"Umuwi na sila, 'di na nga nakapagpa-alam sa 'yo, e. Busy ka daw kasi kay Rodge." she said, teasingly. I raised my left eyebrow, sinipat ko sya ng tingin.

"And, what are you doing here? Hindi ba dapat ay sumama ka sa kanila?" sunod-sunod kong tanong.

"I told my dad to stay here with you!" she giggled, nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay nanay ng may nagtatanong na mga mata. Ngumiti ang matanda, tumango bilang pagsang-ayon.

"Totoo ang sinabi nya, dito na din sya titira kasama natin." she seems happy, but I don't feel the same way.

Seryoso kong binalingan si Luna, I grabbed her right arm at dinala sya sa 'king kwarto sa itaas.

"Excuse us, nanay." paalam ko sa tumatayo kong ina, hindi ko na sya hinintay na makasagot.

I close the door, nang pinasadahan ko ng tingin ang kwarto ko ay mayroon na itong dalawang kama at dalawang cabinet. I rolled my eyes.

"Tell me, anong plano mo?" prangkang tanong ko sa kanya, nawala ang kanyang ngiti at napanguso.

"Kisses—" her voice was sweet, she softly held my hand and wear her angelic smile.

"No, Luna." angal ko, binawi ko ang braso ko sabay tinaliman sya ng tingin.

"Alam kong hindi ka magpapa-iwan dito ng walang dahilan, anong klaseng pilit ang ginawa mo kay tito, ha?" I ask her, pinisil nya ang kanyang daliri habang nakatungo.

"I told him na dito muna ako para mabantayan kita—" matabang akong natawa.

"Which is not true, tell me what your agenda is." diretsahan kong tanong, hindi sya sumagot kaya medyo napataas ang boses ko. "Luna Mireyah Villafuerte!" I called her name, mas matanda ako sa kanya kaya alam kong ire-respeto nya 'ko.

"I love the guy I met here, Kisses." mahina ang tinig nya, pero sapat na upang marinig ko. Hindi ako nakapaniwalang umiling, ilang araw lang sya dito, ah?

"Five days lang kayong nandito! Paanong mahal? That's not love, it was just an infatuation!" pagkukumbinsi ko, umiling sya at hindi sumagot.

Napabuntong hininga ako nang hindi nya sinalubong ang aking titig.

"Who is he? Is he the son of the mayor? A heir or something? Does he loves you too?" natigil ako sa pagtatanong nang tumunghay sya sa 'kin, may luha ang kanyang mga mata.

"He's a son of a farmer." she answered with sobbed, halos malaglag ang panga ko.

"W-What..." I mumbled, mas lalo syang naiyak. "You're j-joking, right?" tanong kong muli, umaasang nagbibiro lang sya kahit halatang hindi.

"I love him, ate. Don't tell dad, please." itinakip nya ang kamay nya sa kanyang mukha at mas lalong umiyak, I hug her and tap her back, softly.

She's doomed.

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon