Kabanata Labing Walo

8 1 0
                                    

Kabanata Labing Walo

Tumahimik ang paligid, animo'y nag-slowmotion ang lahat dahil sa mga katagang aking narinig. Natulala ako sa kanya, mariin ang kanyang ekspresyon na tila ba hindi sya matitibag sa kahit na ano. It's like, he's a soldier who's willing to obey all the order of his princess.

Napakurap ako at ibinaling ang tingin sa harap, shock pa din ang ibang mga babae habang ang karamihan naman ay hindi makapaniwala.

"A-ah, cr lang a-ako." pag-iwas ko, dali-dali akong tumayo at lumabas ng classroom.

Nang makapasok sa comfort room ay agad kong hinilamusan ang sarili, hinihingal akong napatingin sa salamin.

"H-He likes me." wala sa sarili kong saad at pinigilan ang nagba-badyang ngiti, I let out a deep breath.

Inayos ko ang buhok kong gulo-gulo, ipinusod ko itong muli habang pinagmamasdan ang sarili kong mukha.

"Ang putla ko." pabulong na komento ko, halos mapatalon ako sa gulat nang may sumulpot na babae sa tabi ko.

"You wanna try my liptint?" she asked, habang nakalahad ang kanyang kamay para iabot ang liptint na hawak nya.

I shook my head.

"No, thanks." I told her, ngumiti sya at ibinalik ang hawak nya sa bag.

Pinasadahan ko sya ng tingin, mas matangkad sya ng kaunti sakin pero mas maputi naman ako. She was so pretty, maikli ang kulay blonde nyang buhok na bumagay sa maliit nyang mukha. She has an angelic face, hindi tulad ko na mukhang mataray o isnabera. Malaki ang kanyang dibdib, mahahalata mo ang ka-sexy-han sa hapit na pulang dress nyang suot. She's every boy's weakness, pakiramdam ko'y sa ganda nyang 'yan ay wala nang kahit na sinong lalaki ang makakatanggi sa kanya.

Binalingan nya 'ko at nagpakawala ng matamis ngiti, she also look at me from head to toe which made the atmosphere awkward.

"I gotta go, I have a lot of things to catch up." she waved her hand before going out.

I shook my head, I don't know but I hate her.

-

Nang makabalik sa classroom ay nagtakha ako kung bakit may mga lalaking nakaharang sa pinto, napataas ang kanang kilay ko at bahagyang nairita.

"Excuse me." malamig kong utas, kapwa sila nagulat at nagmamadaling tumabi. Sinundan nila ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa tabi ni Anriene, she smiled at me.

"Hey." bati nya, tumango ako at inilipat ang tingin sa kumpulan sa gilid.

I saw the girl I encountered earlier, nakakapit sya sa braso ni Rodge habang may ibinubulong dito. Mabilis pa sa alas kwatrong kumulo ang dugo ko, bumalik ang tingin ko kay Anriene.

"Who is she?" tanong ko dito, ngumisi sya ng hilaw.

"She's Katie Smith, kababata ni Rodge. They're friends since pre-school, pero sa nakikita ko, hindi lang pagkakaibigan ang gusto nya." sagot nito, umigting ang aking panga.

"Katie? Bagay sa kanya ang pangalan nya." I murmured, napatingin sa gawi ko si Rodge pero inirapan ko. "Ma-Katie'ng babae kasi." I heard my bestfriend's laugh, napangisi din ako ngunit napawi nang tumayo si Rodge at pumwesto sa tabi ko.

"Ihahatid kita mamaya, Kisses." pahayag nya, hindi sya nag-abalang hinaan ang kanyang boses kaya rinig na rinig ng lahat.

I saw Katie's smile faded. Tumalim ang tingin nito sa direksyon namin, palihim akong natawa.

You're pretty but I am a Villafuerte. You're every boy's weakness but I'm their dream, bitch.

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon