Kabanata Dalawampu't Isa

8 1 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Isa

Halos 'di makaimik si nanay sa sobrang gulat, ganon din ako at napasinghap na lamang.

Ilang saglit pa'y mahinang natawa si nanay, bakas sa mukha nya ang tuwa. Napatingin ito sa 'kin bago bumaling kay Rodge.

"Si Kisses ang magdedesisyon, hijo. Pero kung ako ang iyong tatanungin, ayos lang sa 'kin. Basta't unahin nyo muna ang inyong pag-aaral, pagyamanin nyo muna ang inyong kaalaman nang sa gayon ay maganda ang kalalabasan ng inyong relasyon." payo nito, ngumiti si Rodge at tumango.

"Pinapangako ko pong po-protektahan at aalagaan ko si Kisses, maraming salamat po." sagot nito, saglit pa silang nagkwentuhan bago nagpaalam si Rodge na uuwi na sapagkat nagdidilim na din ang paligid.

Pumasok ako ng bahay nang hindi matanggal ang ngisi, pero napawi iyon nang makita ang mga leche kong pinsan na nakakalokong nakatingin sakin.

"Si Rodge Arion Najarro pala ang nais." ani ni Khalil, inirapan ko sya at padabog na naupo sa isa pang bakanteng upuan na gawa lamang sa kahoy.

"You know him?" I asked, lahat sila ay tumango na nakapagpatanga sakin.

"Sikat ang pamilya nila bilang isa sa pinakamayaman sa buong bansa, pero mas pinili nilang tumira dito sa probinsya dahil dito nagkakilala ang mommy at daddy nya." paliwanag ni Luna, namangha ako.

Ganon sila kayaman? I mean, we are rich too. But they were richer, of course! Kahit kailan ay hindi kami napabilang maski sa huling ranggo ng mga mayayamang pamilya, bakit kung makisalamuha sya sa iba ay hindi mo mahahalatang sobrang yaman pala pagdating sa estado ng buhay?

"Only that, may mga rumors na nakatakda daw syang ikasal sa isang babae. Naniniwala ang pamilya nila sa fixed marriage, I bet Katie Smith would be his wife in the future? I don't know, I just read that article at the magazine I bought." Luna added, sumeryoso ang mukha nila habang nakatitig sakin.

Nanlamig ako, kumirot ang puso dahil sa nalaman. Kaya ba lagi silang magkasama ni Katie? Kasi, nakatakda silang ikasal pagdating ng panahon? Nanuyot ang aking lalamunan.

"Alam naming may nararamdaman ka na tungo sa kanya, hindi kami tutol doon. Pero, sana lang ay alam mo ang kaakibat na consequences bago ka nahulog sa nag-iisang tagapagmana ng mga Najarro." napaiwas ako ng tingin sa kanila, nagbabadya ang luha sa 'king mga mata dahil hindi ko maipagkakailang tama ang paratang nila tungkol sa 'king nararamdaman.

I'm slowly falling in love with Rodge, and this unwanted feelings must fade. Dahil alam kong in the end of the day, malabong magkaroon ng kami.

-

Hindi ako makatulog, bumangon ako at nag-scroll na lang sa Facebook. Thousands of friend request ang bumungad sakin, ni-click ko iyon at isa lang ang nakaagaw sa atensyon ko.

Rodge Arion Najarro
Accept    |    Delete

Napatitig ako doon, ini-stalk ko sya pero naka-private ang account nya. Pinagmasdan ko nalang ang kanyang profile picture, may hawak syang skateboard dito habang malawak ang ngiting nakatingin sa camera.

I sad smile formed on my lips, ngayon ko lang na-realize kung gaano kalayo ang agwat namin sa isa't isa.

Humugot ako ng malalim na hininga at humiga sa kama, inalala ko ang mga mata nyang laging kumikislap t'wing masaya.

"I wanna claim you, but you're not mine." I mumbled bitterly, unti-unting pumikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ng makatulog.

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon