Kabanata Labing Dalawa
The class started as the teacher came, isa-isa kaming nagpakilala and asual, si Rodge ang may pinakamadaming 'fans' sa lahat. Enjoy na enjoy naman ng gago yung spotlight, nginingitian pa yung mga kireng kababaihan na uhaw na uhaw sa atensyon nya. Napairap ako, tangina nya.
When it's my turn, tumahimik na naman silang lahat. Marahan akong nagtungo sa harap at taas-noong sinalubong ang mga tingin nila.
"Kisses Alazne Villafuerte, 18 years old." I said, walang emosyon ang mukha pati na din ang boses ko. Hindi ko binalingan ng tingin si Rodge dahil naiinis ako, ewan ko kung saan. Sheez, abnormal na yata ako.
"Y-you may now seat." sabi ni Sir Turla, MAPEH teacher namin na sya ring adviser ng section na ikinabibilang ko.
Sinunod ko ang sinabi nya at muling naupo, napatingin ako kay Yenyen na kyuryosong nakatingin sakin. Smiled at her, nag-aalinlangan syang ngumiti pabalik.
Nang nag-lunchtime ay biglang sumakit ang puson ko, dumukdok ako sa desk at nawalan ng ganang kumain.
"Lunch na tayo, Kisses?" tanong ni Anriene sa gilid ko, binalingan ko sya at sinenyasan na masakit ang puson ko kaya gumuhit sa mukha nya ang pag-aalala.
"What? Meron ka ba? Gusto mong dalhin kita sa clinic?" sunod-sunod na tanong nyang muli, umiling ako at nag-okay sign.
"Hindi na, magkakaroon pa lang siguro ako kaya sumakit." I told her, tumango sya at nagdadalawang-isip kung iiwan ba ako o hindi. "Just eat lunch, Yenyen. I'll be okay, promise." paninigurado ko sa kanya, napabuntong hininga sya.
"Okay, basta sabihin mo sakin kapag may kailangan ka, ha." bilin nito, 'di ko mapigilang ngumiti.
Finally, nagkaroon din ako ng kaibigan na alam kong hindi ako pa-plastikin. Naubos ang mga tao sa room hanggang sa ako nalang ang natira, sumubsob ulit ako sa desk ko at ininda ang sakit ng puson.
"Here." napatunghay ako nang may umupo sa 'king harapan. It's Rodge, inilahad nya sakin ang hawak nyang burger.
"No, thanks." walang ganang pagtanggi ko, akmang yuyuko akong muli nang maglahad na naman sya ng isa pang pagkain.
"How about fries?" he asked, aayawan ko din sana ito pero bigla kong naamoy kaya awtomatikong kumulo ang t'yan ko.
Hinablot ko iyon tsaka kinain, napatawa sya ng mahina kaya sinamaan ko ng tingin.
"Sungit." komento nya na 'di ko nalang pinansin at patuloy na nilantakan ang fries.
"Tss, ang kalat mong kumain." pinunasan nya ang gilid ng lips ko pero alam kong wala namang kahit na anong dumi 'don, hinampas ko sya sa braso.
"Gago, hindi ubra sakin yung mga ganyang galawan." utas ko, he pouted then pinitik ang labi ko.
"Don't cuss." he warned, hindi ako sumagot at umirap lang.
Nang maubos ang fries ay napangalumbaba ako at biglang napahilot sa sentido, bumibigat din ang takulap ng aking mga mata.
"Are you okay? You look pale." Rodge says, he seems worried or maybe I'm just hallucinating.
"I'm okay." sagot ko pero obvious na hindi, sinalat nya ang leeg ko at halos malaglag ako sa 'king kinatatayuan nang may naramdamang bolta-boltaheng kuryenteng umakyat sa 'king sistema kaya agad akong napalayo.
"Shit." I cursed and walk out, pumasok ako sa loob ng restroom at hinabol ang hininga. Pinakiramdaman ko ang puso kong biglang kumabog, napasabunot ako sa 'king sarili.
"It was just a simple touch, Kisses. Don't be so ridiculous!" I told myself, I let out a deep breath.
I really don't know what's happening.
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Короткий рассказI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?