Kabanata Walo
Nagising ako dahil sa lakas ng kulog, nanginginig akong nagtalukbong ng kumot at pinilit muling makatulog.
Ganito ang panahon nang nagpaalam saking lumabas si mommy dahil wala pa si daddy nung oras na 'yon, she told me to stay at home while she'll look for dad para maibsan ang pag-aalala nya. I protest dahil masama ang kutob ko sa mangyayari, pero buo na yata ang desisyon nya sapagkat namalayan ko nalang na hinalikan nya ang aking noo at walang pag-aalinlangang lumabas.
I cried, not only because I'm lying on my bed alone, but also because my mind was filled with negative thoughts that might happen. Mulat ako sa estado ng pamilya namin sa politika, lagi kong naririnig sa mga maid namin na araw-araw nakaka-recieve ng death threaths sila daddy mula sa mga kalaban nya.
And then, nangyari ang kinakatakutan ko. Nagising ako nang mas lumakas ang ulan, ang kulog at kidlat ay sinabayan ng mga naririnig kong iyak kung kaya't nagmamadali akong nagtungo sa pinanggagalingan ng ingay na iyon. I saw my dad, crying while he's carrying my mom. Walang malay si mommy, I saw blood on her white dress that made me cry harder.
"M-mommy?" nanginginig na usal ko, I immediately run towards them and did my best to wake up my mother.
"M-mommy, w-what happened? I-I thought y-you a-are just g-going to f-find da-daddy?" hinawakan ko ang kamay nya at niyakap sya, mas lumakas ang hagulgol ko nang maramdaman kong hindi na sya humihinga.
I glanced at my dad who's crying silently, nagtangis ang bagang ko dahil sa puot at galit.
"I-It's your fault." I mumbled but enough for him to hear, inangat nya ang tingin sa 'kin habang ang mga mata nya'y animo'y nagmamaakawa.
"I'm s-sorry, a-anak." he tried to touch me, but I stepped back which made him sobbed more.
"I-is this not enough, dad? Mom get killed b-because of politics. Now t-tell me, are you still w-willing to candidate as a Governor k-kung sa susunod, ay ako naman ang makikita mong d-duguan at hindi na tumitibok ang p-puso?" I asked, pigil ang hininga upang hindi mapahagulgol. Tumungo lang sya at hindi sumagot, mapakla akong tumawa.
"I hate you." I told him, seriously. I run towards my bedroom and cried as much as I want. Bawat pagkulog ay parang dinudurog ang aking puso, bawat pagkidlat ay panibagong luha galing sa mga mata ang tumutulo.
Hindi ako lumabas ng kwarto at mag-isang nagdalamhati, nang ilibing si mommy ay patuloy akong nag-iiiyak at paulit-ulit na nagmamakaawa na sana'y bumalik sya sa 'king tabi.
"God, p-please. I promise, I'll be a g-good girl. Just b-bring my mom back, I-I'm begging y-you..."
Bumukas ang pintuan at iniluwa si daddy, halata ang pamumula ng mata nya na parang galing lang sa iyak. He sat at my bed and caressed my hair, tahimik akong umiyak at hinayaan sya.
"Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo." panimula nya, hindi lang sya ang nagsasabi nyan, lagi ko din 'yang naririnig sa mga kamag-anak namin. "I never want your mom die. I love her so much, anak, so I'm doing my best to keep her alive." his voice broke, I stared at him with no expression on my face.
"Then, why does she die? Is your best was not enough?" I asked him, he shooked his head and hugged me.
"You don't know how much I wished na sana... s-sana ako nalang yung namatay, kasi alam kong mas may halaga ang buhay nya kaysa sa buhay ko." he whispered. I imagine my dad dying in front of me, paulit-ulit akong umiling at agad napayakap sa kanya ng mahigpit.
"No! No way, daddy! I already lost mom, sino nang mag-aalaga sakin kapag nawala ka? Sino nalang yung magulang ko? Sino nalang yung maghahatid sakin sa school?" sunod-sunod kong tanong habang ang mga luha ko'y sunod-sunod din ang pag-agos.
"Shh, you are our one and only treasure, Kisses. No matter how rich we are, ikaw lang ang pinaka-mahalaga samin ng mommy mo." sinuklay nya ang mahaba kong buhok gamit ang kanyang mga daliri, naging dahilan iyon upang mapahikab ako. Bumigat ang takulap ng aking mga mata, ngunit bago ako tuluyang hilahin ng antok, ay naramdaman kong hinalikan nya ang aking noo at binitawan ang mga katagang, "And I'll do my best to keep you safe, daughter. Kahit ikamatay ko, basta't mabuhay ka ay masaya na 'ko."
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Historia CortaI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?