Kabanata Labing Anim

9 2 0
                                    

Kabanata Labing Anim

Lutang ako nang nakarating sa silid, halos nabingi ako dahil sa mga katagang sinabi ni Rodge.

Is he serious?

Tahimik akong naupo sa 'king upuan, nasa gilid ko si Anriene at tinatanong ako ng kung ano-ano pero okupado ang isip ko. Later on, I saw him enter the classroom. Seryoso ang mukha nya, walang bahid ng ngisi 'di tulad ng aking nakasanayan.

Agad tumuon ang mga mata ng kababaihan sa kanya, bawat pagkilos nya ay hinahangaan ng lahat. His eyes landed on me, napaiwas ako at nagkunwaring may hinahanap sa bag.

I can't believe he say that, matapos nyang sabihin iyon ay napaatras ako habang umiiling, I left him dahil pakiramdam ko'y lalabas ang aking puso sa sobrang lakas ng bawat pagpintig nito.

"San ka galing?" I was back to reality when Anriene waved her hand in front of me.

"Uh, u-umihi lang." I answered, napakagat ako sa 'king pang-ibabang labi sapagkat kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mapanusok na titig ni Rodge.

Hanggang makauwi sa bahay ay sya ang laman ng isip ko, ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame.

Come to think of it, isang linggo pa lang kaming magkakilala. Maybe he said those words because I'm different? Dahil hindi ako gaya ng iba na halos baliw na baliw sa kanya? Maybe, he wants a challenge and it's me. At kapag dumating ang araw na nakuha nya 'ko, he will leave me hanging.

Bahagyang kumirot ang aking puso. Shut it, Kisses, you shouldn't overthink.

Kinabukasan, maaga akong nagising at pumasok. Nagtakha pa si nanay dahil sa pagiging tahimik ko, ipinusod ko ang buhok ko gaya ng lagi kong ginagawa.

Nang makarating sa eskwelahan ay agad akong dumiretso sa canteen, bumili ako ng strawberry ice cream dahil bigla akong nag-crave dito. Sa oval ako tumambay mag-isa, maraming dumadaan at matatanaw mo dito ang main gate. Maya-maya ay nagkagulo sa labas, wala sana akong pakealam pero nakita ko si Sean na nakangisi sakin, nasamid ako at halos mabitawan ang hawak na ice cream. Sumunod sa kanya ay si Khalil, isa-isa ko ding namataan sina Silver, Kaden, at Luna na lumabas sa isang magarang kotse. Walang pag-aalinlangan silang nagsilapitan sakin, napatingin ako sa paligid at napapikit ng mariin nang namataang magkahalong gulat, pagtatakha, at kuryoso ang tingin sakin ng mga estudyante.

"Hi, Kisses! We miss you." Luna said, she hugged me and I force a smile.

"Hehe." pilit-tawang sagot ko, tinapik nila Silver ang aking balikat. I glared at them, bumitaw ako kay Luna at hinila silang lahat sa isang tagong lugar.

"What the hell?!" panimula ko nang wala nang makitang tao sa paligid, hinarap ko sila.

"Bakit kayo nandito?!" singhal ko, pero balewala lang sa kanila dahil mas pinili nilang ilibot ang tingin sa paligid kaysa magpaliwanag sakin.

"Bale, dito ka nagtatago? Nice, sariwa ang hangin." komento ni Khalil, I glared at him.

"I second the motion! Mukhang masaya dito." si Sean habang napapangisi ng nakakaloko.

"Nah, I prefer Cities." Silver groned, lazily.

"May nakita akong handsome guy dito kanina! Oh my God, pakilala mo naman ako, Kisses!" Luna blushed, malawak ang kanyang ngiti na animo'y kilig na kilig.

"No comment." nagkibit-balikat si Kaden nang lumapat ang tingin ko sa kanya, umirap ako at halos nagpapa-padyak sa inis.

"Magsilayas kayo dito! I want to live, peacefully. And I can't do that if y'all keep pestering me here, shoo!" pagtataboy ko, hihirit na sana sila nang may tumawag sa pangalan ko.

"Kisses!" I turn around and saw Anriene while smiling widely, kumakaway sya habang papalapit sakin. "There you are, kanina pa kita hinahanap!" she says nang makalapit, akma syang kakawit sa 'king braso pero nakita nya ang mga pinsan kong nakatitig sa kanya. Namutla sya, halatang kinabahan.

"Ops, w-wrong timing." awkward na bulong nya. My cousins chuckled lightly, pwera nalang kay Sean na nanatiling nakatitig sa kanya habang nakaawang ang labi.

I raised my left eyebrow. What's with that look, Patrick Sean?

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon