Kabanata Tatlompu't Isa

6 2 0
                                        

Kabanata Tatlompu't Isa

Nanood ako ng game ni Rodge, cheer ako ng cheer sa kanya ngunit nung nasa kalagitnaan ng fourth quarter ay tumawag si nanay Mila kaya napilitan akong sagutin ito.

"Po?" sagot ko habang lumalabas sa dapat ng tao, nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ng Gymnasium.

"Kisses, paparating ang daddy mo. Umuwi ka na, hinahanap ka nya." nanlamig ang buong katawan ko, dahil sa pagkataranta ay walang pagdadalawang-isip akong umalis don.

"Kisses!" I stopped when I heard Rodge's voice, nilingon ko sya at nakitang mariin na nakatitig sakin.

"Where are you going?" he asked, napalunok ako.

"M-may emergency lang sa bahay, Rodge, I need to go." paalam ko at akmang tatalikod pero nahila nya ang aking braso, tinitigan nya ang mukha ko bago sumagot.

"Hatid na kita." at hinila ako nito papasok sa kotse, wala kaming imik hanggang sa namataan ko syang pasulyap-sulyap sa hita ko habang ngumingisi.

When I glanced at my legs ay awtomatiko akong nag-blush, naka-mini skirt lang kasi ako at bahagya itong tumaas kaya lumitaw ang kabuuan ng legs ko. Hinampas ko si Rodge sa braso, tumawa sya.

"Ang manyak mo!" tugon ko dito, mas natawa sya. He pinched my cheeks.

"H'wag kang magseryoso, kanina pa 'ko nagpipigil dito." utas nya kaya mas lalo akong namula, pinaghahampas ko sya hanggang sa may narinig akong pumutok. Dahan-dahang huminto ang kotse, kumunot ang noo ng kasama ko sabay lumabas para i-check kung anong mali. Sumilip din ako sa bintana.

"Damn, flat yung gulong. May nadaanan yata tayong pako o matulis na bato." lumabas na din ako, tiningnan ko ang gulong na nasa harap namin at nakitang naka-impis ito.

"Lakad nalang tayo?" aya ko, pinasadahan ko ng tingin ang paligid, nasa rancho nila kami.

"Mapapagod ka." angal ni Rodge, umiling ako.

"Hindi yan." sagot ko, wala din kasi kaming choice.

Sabay kaming naglakad, hindi namin matawagan ang driver nya dahil dead battery ang cellphone nya habang naiwan naman sa bahay yung akin.

Ilang minuto ang lumipas at hinihingal na 'ko, pawisan na din kaya nagtungo kami sa isang maliit na bahay na sobrang luma na.

"May nakatira pa ba dito?" tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang buong lugar, umiling si Rodge at walang pag-aalinlangang hinubad yung t-shirt nya kaya tumambad sakin yung abs nyang walang kasing sarap. Charot.

"Wala na, matagal nang patay." sagot nito, nag-iwas ako ng tingin at biglang uminit ang pakiramdam.

"Ah." tanging naiusal ko, lumapit sya sakin kaya bahagya akong napalayo.

"Basang-basa ka din." komento nya, nagpatuloy sa paglapit atsaka pinunasan ang likod ko gamit ang kanyang panyo.

His touch sent shivers down to my spine, nang natapos sa likod ay pinaharap nya 'ko sa kanya at leeg ko naman ang pinunasan nya.

I stared at him, sobrang lapit namin sa isa't isa. Aksidente nyang nahawakan ang aking dibdib, para akong napaso. Binalewala ko iyon, hanggang sa naulit ito at hindi ko na napigilang magpakawala ng isang mahinang ungol.

"Rodge..." I called his name, napapikit ako habang natigilan naman sya.

"S-sorry." umiwas sya ng tingin, napakagat ako sa 'king pang-ibabang labi.

Unwanted FeelingsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon