Kabanata Tatlompu't Apat

4 1 0
                                    

Kabanata Tatlompu't Apat

Umupo ako sa tapat nya, sumimsim sya sa kape at seryosong tumitig sa kabuuan ko.

"Let's go home." tanging nasambit nito, tumawa ako.

"Seriously, Dad? Matapos ang lahat, pupunta ka dito at pauuwiin ako na para bang walang nangyari?" matabang kong sagot, I tried my best to prevent my voice from shaking.

"You are the one who decided to ran away, stop blaming me." walang emosyon nitong saad, nanginig ang labi ko.

"Hindi ka pa din nagbabago." sabi ko dito, lumambot ang ekspresyon nito.

"I will explain everything, but go home first. I'm worried." his voice was sweet, natigilan ako at saglit na nag-isip.

How about Rodge?

"Kisses, I know I've done too much. But, hear my side, please. Hindi magbabago ang pakikitungo ko sayo ng walang rason. Ikaw nalang ang natitirang alaala sa 'kin ng mommy mo, anak, umuwi ka na." nangungusap ang boses nito, nagbadya ang luha sa 'king mga mata. Tumayo sya sabay niyakap ako.

"I missed you, my princess." he murmured on my ear, hindi ako sumagot pero nagpatuloy sa pag-iyak.

Tulala akong nakatingin sa labas ng kotse, sumama akong umuwi sapagkat gusto kong ayusin lahat. Hindi ako natulog buong byahe, nakaramdam ako ng pagod kaya sinabihan ako ni daddy na magpahinga muna sa kwarto ko na s'yang sinunod ko.

Mabilis akong nakatulog, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sakin. Ilang saglit pa bago ko napagtantong nakauwi na 'ko sa tunay kong tahanan, I grabbed my phone para sana tingnan kung may missed calls galing kay Rodge ngunit dead battery naman ito.

"Kisses, daddy's waiting for you downstairs." I heard Amanda's voice, inilapag ko ang phone ko at pinagbuksan sya. Bumungad ang nakakairita nyang mukha sa 'kin, umirap sya.

"Sana'y hindi ka nalang bumalik." bulong nya pero narinig ko, ngumisi ako.

"Balak ko nga sana, e. Kaso, naalala ko, sakin nga palang bahay 'to. Kaya kayo dapat ang umalis, kasi sampid lang naman kayo dito." mariin kong sagot, napanganga sya at nanlisik ang mata sakin.

"You, bitch!" she yelled and was about to grabbed my hair, hinuli ko ang kamay nya.

"Truth hurts, diba? Don't expect me to be quiet, Amanda. Tandaan mo, ako ang tunay na Villafuerte sating dalawa." I left her dumbfounded, bumaba ako ng hagdan at sinalubong si daddy.

Naabutan ko syang nagkakape sa salas, katabi nya si Tita Amy na halatang plastik ang ngiting ibinibigay sa 'kin.

"Hija, I missed you!" tumayo ito at hinalikan ako sa pisngi, hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

"Sorry, I don't feel the same way." walang gana kong sagot, nawala ang pekeng ngiti nito at napalitan ng irap.

Tumabi ako kay daddy, ngumiti sya sakin.

"How was your sleep?" he asked, sinenyasan ko yung katulog na bigyan ako ng almusal.

"Fine, dad." I told him.

"You seems sad, are you okay?" tanong nitong muli, pinilit kong ngumiti.

"Yes, daddy." I lied.

I'm happy that I'm finally here, I'm happy because finally, dad and I were okay but, I'm not contented. Dahil kahit anong gawin ko, alam ko sa sarili kong may kulang.

Na sya lang ang makakapunan.

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon