Kabanata Tatlo
Natapos kaming kumain at sabay na nagtungo sa mataas na paaralan ng probinsya, napag-alaman kong pagtitinda ng iba't ibang klase ng prutas ang trabaho ni nanay Mila kaya sinabi ko sa kanyang tutulungan ko sya t'wing wala akong pasok. Ayaw nya pa nung una, pero dahil mapilit ako ay pumayag sya na s'yang ikinagalak ko ng sobra. Ayaw ko naman kasing maging pabigat, nararapat lang na suklian ko ang lahat ng kabutihang ibinibigay nya sa 'kin.
Nang nakarating kami sa eskwelahan ay marami akong nakikitang mga estudyante na pakalat-kalat, hindi sila naka-uniporme at tulad ko ay mukhang mag-eenroll din sila. Ang iba sa kanila ay napapatingin sa direksyon ko, hindi ko magawang salubungin ang kanilang mga mata sa kaisipang baka kilala nila ako.
Public school lang ang mayroon sa probinsya, sa kabilang bayan pa kasi yung mga private school at mauubos lang ang oras mo sa pagba-byahe kung doon ka mag-aaral, lalo na't balita ko'y madalas daw ang traffic sa may high way.
"Magandang umaga, Bela, nais ko sanang i-enroll itong magandang dilag na kasama ko." nakangiting bati ni nanay Mila sa babaeng nasa mid 30's palang yata, binalingan ako ng babae at pinaghalong gulat at pagkamangha ang naging reaksyon nya.
"Aba'y napakagandang bata, kaano-ano mo sya, Ate Mila?" tanong nito habang titig na titig sakin, nailang ako kung kaya't nginitian ko na lamang sya ng tipid bago nag-iwas ng tingin.
"Anak ko 'yan." Nanay Mila said proudly which made my heart melts, ang sarap sa pakiramdam kapag nalaman mong may taong ipinagmamalaki ka sa lahat, isang bagay na hindi ko naranasan magmula nang nakapangasawang muli ang aking ama.
"Talaga ba? Ang ganda ng kutis, oh, mukhang anak mayaman." nagdududang sagot ng babaeng ang pangalan ay Bela, pinaningkitan pa nya 'ko ng mata, marahil ay may inaalala. "Model ka ba, hija? Parang nakita na kita sa telebisyon yata o magazine?" dugtong nito na syang nagpakaba sakin, pinagpawisan ako ng malamig dahil pakiramdam ko ay malalaman agad ng lahat ang tunay kong pagkatao.
"Ano ka ba, Bela. Galing itong anak kong si Kisses sa kabilang probinsya, ni hindi nga sya lumalabas ng bahay kaya paanong makikita mo sya sa mga ganyan?" hindi ako hinayaang sumagot ni Nanay Mila, mukhang naniwala naman si Ate Bela na naging dahilan upang makahinga ako ng maluwag.
"Ganoon ba? Siguro nga'y kamukha mo lang." anito at binigyan na ako ng forms na kailangan kong i-fill up para ma-enroll.
Gobernador si daddy sa isang sikat na syudad kung kaya hindi malabong lumabas ako sa mga magazines o tv, medyo bata pa naman ako nung panahon na 'yon kaya sana ay walang makakilala sakin dito.
Because like what I've said, gusto kong mamuhay ng payapa at hindi ko magagawa ang bagay na 'yon kung pagpi-pyestahan ako ng mga tao sa lugar na ito.
May isang grupo ng mga kalalakihan ang dumating, sa tindig pa lang nila ay mahahalata mo na ang karangyaan ng bawat isa.
"Oh, hayan na pala kayo, Rodge. Kamusta?" tanong ni Ate Bela sa lalaking nasa gitna, matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Nahahalata ko din ang pasimpleng pagsulyap ng mga kababaihan sa kanya na ini-ignora nya lang, lumapat ang mata nya sakin na naging dahilan upang mag-iwas ako ng tingin.
"Ayos lang ho, Ate, may bagong salta pala tayo?" tanong nito, nanatili ang titig sakin at hindi ako tanga para hindi mapagtantong ako ang tinutukoy nya.
"Ah, Rodge, si Kisses nga pala, ang anak ko." pagpapakilala sakin ni Nanay Mila, nanatili akong nakatungo at wala na sanang balak na mag-angat pa ng tingin ngunit siniko ako ng marahan ni nanay.
"Nice to meet you." inaamin kong, hindi ako sincere nang binitawan ko ang mga katagang iyon. Wala akong ekspresyon habang nakaharap sa kanila, napansin kong pinag-uusapan ako ng iba pang mga lalaki sa likod ni Rodge pero binalewala ko iyon.
Ngumisi si Rodge ng nakakaloko at mayabang akong nilagpasan, muntik na 'kong mapairap dahil sa taglay nyang kayabangan.
Nagpaalam si nanay Mila na kami'y uuwi na, nauna syang naglakad sakin at susunod na sana ako nang marinig kong tinawag ni Rodge ang buong pangalan ko na naging dahilan para mabato ako sa kinatatayuan ko.
"Kisses Alazne Villafuerte..." his voice was mischievous na para bang may nalalaman syang hindi ko alam. "Sounds familiar." he mumbled but I managed to hear, naramdaman kong lumukso ang dibdib ko marahil sa kaba.
God, I wish he didn't recognize me.
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Short StoryI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?
