Kabanata Tatlompu't Lima

9 1 1
                                        

This is the last chapter, thank you sa support. Especially you, AzilanerDoria. Lovelots! ❤️

Kabanata Tatlompu't Lima

Nagtungo kami ni dad sa library, kaming dalawa lang ang tao dito.

"Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo dati." komento ni daddy habang nakatitig sakin, ngumiti ako.

"I know you're smart, anak, alam kong alam mo na hindi aksidente ang nangyari." tugon nito, nawala ang ngiti ko habang napabuntong hininga naman sya. Napayukom ang kanyang kamao, dumaan ang galit sa mata nya.

"Right after she died, gustong-gusto kong umalis bilang Gobernador. Hindi bale na kung maging talunan ako, basta't ma-protektahan kita." nagtubig ang aking mga mata, ngumiti sya ng mapait.

"But, they threatened me." he said, nilagok nya ang wine na nasa ibabaw ng table. "They badly want me gone, at napagtanto kong kung aalis ako, mas magiging delikado. Mas mawawalan tayo ng proteksyon, mas malaki ang posibilidad na magalaw ka nila." tumulo ang luha galing sa 'king mga mata, napayuko ako.

"I treat you like you are nothing, dahil nagbabasakali akong kapag nalaman nilang ganon ang trato ko sayo, ay hindi ka nila idadamay." his voice broke. "Na s'yang naging successful, but it hurts." tinuro nya ang kanyang dibdib, I rarely see my dad crying. Ngayon lang ulit, magmula nung namatay si mom.

"Walang may alam kung gaano kasakit, bawat pagtulak ko sayo palayo ay para bang dinudurog ang aking puso. And my plan was to make you leave, dahil ayokong idamay ka. At ngayong tapos na, ngayong wala na, ay naglakas-loob akong kunin kang muli para itama ang aking mga pagkakamali." nilapitan ko sya at niyakap, niyakap nya 'ko pabalik habang nag-iiyakan kami.

"I'm so sorry for being a bad father, Kisses. Pero, ginawa ko lamang ang lahat ng 'yon para protektahan ka. I love you, my daughter. Hindi ko kakayanin kapag ikaw naman ang nawala." nanginginig nitong bulong sakin, umiling ako.

"You are not bad, daddy. You are the best, salamat ng marami. Mahal na mahal din po kita, I'm sorry din." sagot ko dito, tinapik nya ang likod ko hanggang sa humiwalay ako.

"At gusto ko ding malaman mo na, I never replaced your mom. God knows how much I love her, sya lang ang babaeng mamahalin ko ng buong-buo."

Lumipas ang ilang linggo nang nasa bahay lang ako, hinihintay kong mag-text o tumawag man lang sakin si Rodge ngunit walang dumating. Napabuntong hininga ako, nakakailang text na 'ko sa kanya ngunit wala man lang syang reply kahit isa.

"Ma'am." may kumatok na katulong sa 'king pinto. "May naghahanap po sa inyo sa ibaba." ani nito, awtomatikong sumibol ang kaba sa 'king dibdib.

"Po? Sige po!" sagot ko at nagmamadaling nagtungo sa harap ng salamin, nag-ayos ako ng sarili.

Maybe it was Rodge.

Patakbo akong bumaba, sobrang lawak ng ngiti ko ngunit napawi ito nang si Blue ang bumungad sakin.

"Hey there." bati nito, walang gana ko syang nginitian. Umupo ako sa kanyang tabi.

"What's with the face?" he asked, napailing ako.

"Hindi pa din tumatawag si Rodge hanggang ngayon." sagot ko, napatango ito.

"Ah, baka may ibang babae na." nakangisi nitong ani, nanlaki ang mata ko at pinagsasasapak sya.

"Gago ka! Don't you dare to say that!" inis kong singhal, tatawa-tawa nya 'kong pinigilan hanggang sa may katulong na lumapit sakin.

"Miss, may isang bisita pa po kayo." she say, napatigil ako at nang sandaling dumungaw ako sa likuran nya ay halos mapatalon ako nang makita ang seryosong mukha ni Rodge.

"Rodge!" I called him excitedly pero tinalikuran nya 'ko.

"Nakaka-istorbo yata ako." ani nya, narinig ko ang paghalakhak ni Blue lalo na nang umalis sya.

"Shut up, Asul!" inis kong sabi dito, hinabol ko si Rodge.

"Saglit lang, Rodge!" sigaw ko sa kanya, huminto sya at walang emosyong tumingin sakin. Nagtungo ako sa kanyang harap.

"Hindi mo ba 'ko na-miss?" I asked with my puppy eyes, nag-iwas sya ng tingin.

"I was mad because you left me with no words, tapos ngayon, makikita kitang kaharutan yung lalaking 'yon. Tell me, Kisses, do you really love me? You don't know how fucked up I am when I found out that I'm alone in bed. Nabaliw ako kakahanap sayo, ibinalibag ko pa ang phone ko dahil hindi kita ma-contact. I was so worried! Tapos ngayon, you're approaching me like nothing happen? Bullshit!" malutong nyang mura, napanganga ako lalo na nang nakita kong namuo ang luha sa kanyang mga mata.

"I came here, ilang araw bago ko nalaman ang bahay nyo. Yes, I know who you are. You can't fool a Najarro. Funny, right? Nasaktan ako pero putangina, dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, ako pa rin ang gumawa ng paraan para makita't makasama ka." napasabunot sya sa kanyang buhok, napayuko ako dahil wala akong masabi.

"I-I'm sorry." I mumbled, he was shaking because of anger.

"Dad didn't allow me to go outside, may kalaban sya sa politika at natatakot s'yang baka idamay ako. I badly want to see you, pero 'di ko alam kung paano lalo na't hindi kita ma-contact." napaiyak din ako.

I'm so stupid! Napaka-manhid ko, ni hindi ko man lang naisip na masasaktan sya ng sobra dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya!

"I love you so much, Rodge. Would you forgive me? I'm sorry." niyakap ko sya, niyakap nya din ako pabalik.

"Just don't do it again, okay? Tangina, halos mabaliw ako. Sayo lang ako nagkakaganito, sayong-sayo lang. You're my world, Kisses, so don't leave me. Magiging miserable ang buhay ko kapag nawala ka, mahal na mahal kita."

He kissed my forehead, inangat nya ang baba ko tsaka hinalikan sa labi. I respond to his kisses, lalalim na sana ang halikan namin nang may tumikhim.

"Ehem." awtomatiko akong napalayo sa kanya, bumaling ako kay daddy na nakataas ang kilay habang nakatitig samin.

"Care to explain who is he, Kisses?" tanong nito sakin, hindi ako nakasagot hanggang sa kinawit ni Rodge ang bewang ko.

"I'm Rodge Arion Najarro po." ani nito, pumula ang aking pisngi dahil sa hiya. "And I'm here to ask for your approval, I want to marry your daughter, sir." diretso nitong utas kay daddy, napanganga ako.

"But you're too young for that." halata ang pagtutol sa boses ng aking ama, sumulyap sakin si Rodge bago sumagot.

"Then, I'll wait. I love your daughter so much, I promise I will take care of her until my last breath." he kissed my cheeks, napangiti ako.

At first, I can't accept it. The unwanted feelings I feel turned into love. Who would believe it, anyway? The person I hated the most, is the person I'm falling in love with. But it just happened, no explanation.

Too corny to say but yeah, loving him is the best thing happened in my life.

"I love you." he murmured, napapikit ako.

"I love you, too."

Unwanted FeelingsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon