Kabanata Dalawampu't Pito
Hinawakan nya ang kamay ko, awtomatiko akong namula habang naglalakad kami papalabas ng gubat. I glance at him, he can't stop smiling while I feel so embarrassed because of my burst out earlier.
"Are you officially mine now?" napatigil ako dahil sa tanong nya, pinaningkitan ko sya ng mata.
"No, manligaw ka pa din." kibit-balikat kong sagot, he pouted then pinched my cheeks.
"Nah, we kissed. And it means, we're together now." he smirk, naalala ko ang halikang naganap kanina kaya awtomatikong kumabog ang puso ko. Hindi ako nakasagot sa hiya, nang nakarating sa kalsada ay agad nyang tinawagan ang driver nya para sunduin kami.
"Sumama ka sakin." pahayag nya habang kinakabitan ako ng seatbelt, he kissed my cheeks.
"Saan?" tanong ko sabay inirapan sya, humalakhak sya samantalang ako'y mas nadagdagan ang hiya sapagkat may driver sa harapan.
"Sa bahay, doon ka na magpalit ng damit." sagot nito, kinabahan ako at sunod-sunod na umiling.
"N-no, ibaba mo 'ko samin." pagtanggi ko.
I admit it, I'm scared, natatakot akong baka ilayo nila sakin si Rodge dahil may ibang babae syang gusto.
Bumaling ako sa kanya, biglang sumeryoso ang kanyang mukha at hinawakan ang aking kamay.
"Malayo pa dito ang bahay nyo, sa amin ang mas malapit at doon ka nalang magpalit ng damit para hindi ka magkasakit." pinal na ani nya, nais kong umangal pero alam kong buo na ang kanyang desisyon.
Buong byahe ay hindi ako tumigil sa kakukulit sa kanya na ibaba nalang ako samin, pero gaya ng inaasaha'y ni isang beses ay hindi sya pumayag.
Pagpasok palang namin sa malawak nilang gate ay abot na ang tahip ng aking puso, pero sa kabila ng hindi matumbasang kaba ay hindi ko pa din maiwasang mamangha sa mansyon nila. Hamak itong mas malaki kaysa sa amin, magarbo ang bawat disensyo nito na aakalain mong naroroon ka sa isang palasyo.
The car stopped, mas dumoble ang kaba ko nang namataan ang pamilya nyang nasa bungad ng kanilang bahay. I also saw Katie, katabi nya ang lalaking kahawig nya na pakiwari ko'y ang kanyang ama.
Bumaba kami ng sasakyan, pinagbuksan ako ni Rodge at naglahad sya ng kamay. Hindi ko 'yon tinanggap, nginitian ko sya ng pilit.
"Uh, maglalakad nalang ako pauwi sa bahay, Rodge. Okay lang naman ako, e." utas ko sa kanya, he let out a sigh.
"Please, don't be scared. Nandito ako sa tabi mo, I will not let them do something wrong to you." he assured me, bahagya akong kumalma at inabot ang kamay nya.
Sabay kaming nagtungo papalapit sa mga tao, hindi pa man tuluyang nakakalapit ay nakita ko na agad ang mga mukha nilang nakatingin samin.
"Finally!" napatingin ako sa kaisa-isang naglakas-loob na nagsalita, nanlaki ang mata ko nang napagtantong sya yung lalaking loko-loko na nakakita samin sa kubo. Nasa gilid nya ang dalawa nya pang kasama noon, pare-pareho silang nakangisi na nagpamula sa 'king pisngi.
(A/N: Kung 'di nyo po naaalala, pwede po kayong magbackread sa kabanata siyam)
"Rodge!" lumapit samin ang mommy nya, sobrang amo ng mukha nito at sobrang ganda. Bawat galaw nya ay pino, she hugged her son and smiled at me. I awkwardly smiled back.
"What is she doing here?" lumipat ang tingin ko nang nagsalita si Katie, nakataas ang kaliwang kilay nya sa 'kin.
Rodge grabbed my waist, pasimpleng sumulyap doon ang lahat. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking kamukhang-kamukha ng lalaking pinakamamahal ko, seryoso itong nakatitig samin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya, he's just standing there while watching us.
"Everyone, meet my girlfriend po, Kisses Alazne Villafuerte." Rodge's voice was serious, mariin ang ekspresyon nya.
I tried my best to smiled at them, nawala ang pagkakunot ng kilay ni Katie at napalitan ng gulat.
"Welcome to the family, Kisses, kay tagal ka naming hinintay." ani ng mommy ni Rodge, nagtakha ako dahil hindi ko naintindihan ang nais nyang ipahiwatig.
Kay tagal nila akong hinintay?
![](https://img.wattpad.com/cover/196247027-288-k711992.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Cerita PendekI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?