Kabanata Dalawampu't Dalawa

7 2 0
                                        

Kabanata Dalawampu't Dalawa

Napabalikwas ako nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto, napasimangot ako sa kadahilanang gusto ko pang matulog.

"Nanay, sabado ngayon! Wala ho kaming pasok." may kalakasang utas ko, hindi ito sumagot at binuksan ang pinto.

"Nag-aantay si Rodge sa baba, ipinagpaalam ka nya sa 'king maglilibot daw kayo." ani nito, nanlalaki ang mga matang napaupo ako.

"Ano?!" sigaw ko, nilingon ko ang pinto at nakitang nakasilip din pala doon si Rodge habang nakangisi. Napailing si Nanay Mila, kumuha ako ng unan sabay itinakip sa 'king mukha.

"Nanay naman, e!" angal ko, narinig ko ang tawa nila.

"Bilisan mo na dyan, h'wag mong paghintayin si Rodge." huling ani ni nanay at ang kasunod kong narinig ay ang pagsarado ng pinto, ibinalibag ko ang unan tsaka nagmamadaling nagtungo sa salamin.

Gulo-gulo ang buhok, may morning star sa mata, suot ang ternong hello kitty na t-shirt at pajama. I'M LOOK LIKE A MESS!

Mangiyak-ngiyak akong napasalampak sa sahig, Rodge saw me in this kind of situation at hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya!

Lulukso-lukso akong naligo at nagbihis, I wear a high-waist maong shorts and black t-shirt na ni-tuck in ko. I tied my hair into messy bun, I also applied some powder on my face and put a pink liptint on my lips. Black na flat shoes ang pinili kong pansapin sa paa, I grabbed my phone and finally walked down the stairs.

Naabutan ko si Rodge sa sala, nakikipagtawanan sya kay nanay na nakapagpangiti sakin. Nang tuluyang makababa ay lumapat ang tingin sya sakin, umawang ang labi nya at nagsalubong ang kilay nang makita ang shorts na suot ko.

Pinagtaasan ko sya ng kilay, halatang may gusto syang sabihin ngunit nanatiling syang walang imik. Nagpaalam na kami kay nanay, at hanggang sa makasakay ng kotse ay hindi pa rin sya nagsasalita.

"Saan tayo?" I broke the silence, seryoso sya sa pagda-drive at alam kong ganyan ang emosyon nya kapag galit or dismayado.

"Somewhere." tipid nyang sagot, 'di ako nakapag-salita.

Pinasadahan ko sya ng tingin, simpleng maong at plain dark blue t-shirt na pinarisan ng itim na boots lang ang suot nya pero bagay na bagay talaga sa kanya. Isama mo pa ang pamaya't mayang pag-igting ng kanyang panga at nakasalubong na kilay. He's look like a Greek God, oh my gosh!

Ang sabi nila, nakakapangit daw yung pagsimangot. Pero bakit etong kasama ko, e mas lalo pang guma-gwapo? Nangingiti akong napailing sabay nag-iwas ng tingin, habang mas tumatagal ay pa-gwapo ng pa-gwapo sya sa 'king mga mata.

"Why are you smiling?" he suddenly asked, my smile automatically faded as I throw him a dagger look.

"Masamang maging masaya?" pagsusungit ko, mas lalong nagsalubong ang kilay nya at binalingan ako saglit.

"Tss, you're tempting me." walang preno nyang saad na halos ika-samid ko, tumikhim ako upang pigilan ang nagba-badyang ngiti.

"Bakit mo nga pala tinakpan ng unan yung mukha mo kanina? You're rude, I badly want to see your face that time because I missed you." he asked again, namula ang mukha ko dahil sa hiya.

"Shut up, it's embarrassing." I told him nang hindi sya tiningnan, bumaling ako sa binta.

"And why are you embarrassed?" his voice was teasing, nakaramdam ako ng inis kaya hindi ko sya sinagot.

"Please, don't be. Dahil kahit ano pang itsura mo, ikaw pa rin ang pinaka-magandang babae sa paningin ko." ani nya matapos ang mahabang katahimikan, huminto ang kotse at agad syang lumabas.

I bit my lower lip, pero hindi ko talaga napigilan ang malawak kong ngiti. Binuksan nya ang pinto ng front seat, naglahad sya ng kamay sakin.

"Let's go?" he smiled, I held his hand and let him grabbed me.

Kahit saan mang sulok ng mundo, I'll go with him no matter what the consequences are.

Unwanted FeelingsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon