Kabanata Dalawampu't Lima

4 2 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Lima

Nakaramdam ako ng awa para kay Luna, pinagmasdan ko syang mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Ma-impluwensya ang aming pamilya, matapobre pa kaya nga nagawa ni Dad na ipakasal ako sa lalaking hindi ko kilala noong nandon pa 'ko. Nagmistula silang allergic sa mga taong mahihirap, pwera nga lang kay mommy dahil pinaglaban ni Dad ang kanyang pagmamahal kina lolo't lola. Naging mahirap ang kanilang pagsasama, lalo na't puro pang-iinsulto ang natatanggap ni mommy mula sa angkan nila daddy. But my mother take it all, why? Simply because she loves dad so much.

At, nakakatakot na baka maulit ang mga pangyayari dati. Luna is a spoiled brat, yes, but she has a soft heart, idagdag mo pa ang mataas na expectation sa kanya ng kanyang pamilya kaya alam kong mahihirapan syang talaga.

I shook my head, kung natuturuan lang sana ang puso...

Kinabukasan ay maaga akong nagising, naligo ako at nagbihis ng isang puting bestida sapagkat magsisimba kami ngayon. Tiningnan ko si Luna na tulog na tulog pa din, napairap ako at nilapitan sya.

"Hey, wake up, sleepyhead." hinila ko ang kumot nya, napangisi ako nung dahan-dahan syang bumangon habang nagkukusot ng mga mata.

"Yes?" she asked with sleepy voice, she looked at me from head to toe.

"Get up, magsisimba tayo nila nanay." sagot ko, lulukso-lukso syang bumangon at pumasok sa banyo.

Nang nakapagbihis na kaming lahat ay agad na rin kaming tumulak, kwento lang ng kwento si Luna tungkol sa karanasan nya sa Canada hanggang sa marating namin ang simbahan.

I saw boys glancing at Luna's direction when we entered the church, I shook my head. It's a Villafuerte thing.

She seems confident, pero nang lumapat ang tingin nya sa isang direksyon ay biglang umamo ang kanyang mukha at huminhin ang bawat kilos. Napataas ang kilay ko, tiningnan din ang direskyon na tinitingnan nya.

I saw a man, matangkad ito na umaabot sa six foot ang height kagaya ni Rodge. Moreno din ang lalaki, katamtaman ang laki ng katawan at sa unang tingin ay aakalain mong nagmula sa marangyang pamilya. Nakasalubong ang kilay nito, halatang suplado.

"Sya ba yung sinasabi mo?" bulong ko sa 'king pinsan, tumango sya sabay ngiti ng mawalak.

"Nay, wait lang po, ha. May pupuntahan lang po ako." paalam nya kay Nanay Mila at bago pa makapagtanong ang matanda ay umalis na ang bruha, nilapitan nya yung lalaki at agad na kinausap.

The guy wasn't even smiling, tipid at walang ngiti ang bawat pagsagot nito habang si Luna nama'y halos sumingkit ang mga mata dahil sa pagkakalawak ng ngisi.

"Malapit pala sya kay Knight?" usal ni nanay, binalingan ko sya.

"Knight?" tanong ko, tumango sya at marahang ngumiti. 

"Knight Cleon Trevino. Naku, napakabait ng batang 'yan, manang-mana sa ina't ama." natutuwa nyang pahayag, napatango ako at aksidenteng lumipat ang tingin sa kabilang direksyon.

I saw Rodge, kausap nya ang isang babaeng kahawig nya na mommy nya yata habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sakin. I smiled and was about to wave my hand, pero sumulpot sa likod nya ang babaeng pinaka-kinaiinisan ko sa lahat.

So, he's with Katie Smith, huh...

Unwanted FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon