Kabanata Dalawampu't Siyam
Lumipas ang araw na kalat sa buong school ang relasyon namin ni Rodge, kasalukuyan kaming nagka-klase nang may isang estudyanteng nag-excuse kay ma'am.
"Hello po, pinapapunta po sa gym yung sasali sa pageant ng intrams." ani nito, tumango si Ma'am at tumingin sa 'kin.
"Ikaw ang pambato ng section nyo, right?" tumango ako sabay tumayo, bago lumabas ay tumingin muna ako kay Rodge na agarang sumimangot sakin.
Nung isang araw nya pa 'kong kinukulit na h'wag sumali, o-oo sana ako pero sayang naman ang mapapanalunan.
Sa mga nagdaang araw ay dito na din pumapasok ang pinsan kong si Luna, ang mga lalaki'y hangang-hanga sa kanya. Isasali nga din dapat sya sa pageant, umayaw sya dahil paniguradong talo daw sya sakin. Which made me disagree, dahil sa kakaunting panahon na sya'y nandito, kaydami nang mga lalaki ang gumagawa ng paraan para makuha ang kanyang atensyon.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong gym, lumapit ako sa baklang trainor yata namin. Agad nya 'kong tiningnan mula ulo hanggang paa, napangisi sya.
"You must be Kisses?" he asked, tumango ako. "Good, ikaw nalang ang hinihintay." he added, pumalakpak sya at inayos kami.
Ang dami kong naging pagkakamali bago natuto, ang bunganga agad ng trainor namin ang naririnig ko kada natitisod ako.
"Aba naman, Kisses. Ano? Puro ganda nalang ba ang meron ka? Umayos ka!" mahahalata ang inis na utas nito, palihim akong umirap.
"Ikaw nga walang ganda, sinita ko ba?" bulong ko, narinig kong tumawa ang katabi ko.
Natapos ang buong practice, lupaypay akong naupo sa isang bench habang pinapaypayan ang sarili.
"Here." someone handed me a water, tiningnan ko sya at nanlaki ang mga mata.
Napatayo ako, awtomatikong nagsalubong ang kilay.
"What the heck are you doing here?!" I almost yelled at him, natawa sya.
"Easy, Ms. Villafuerte. Hindi ka ba natutuwang makita ang almost fiancee mo?" umirap ako.
Yea, he's the guy I saw in that resto.
"What's your name again?" I asked, I forgot his name kasi.
"Aw, you don't remember me?" nag-pout sya, napangiwi ako tsaka sya inirapan. "Well, let me introduce myself, formally." tumayo sya ng tuwid sabay ngumiti ng matamis, to the point na nakakasuya na ang kanyang pagmumukha. "I'm Blue Sison, but call me Blue for short." at bago ko pa mapigila'y kinuha nya na ang kamay ko at hinalikan iyon, nanlaki ang mga mata ko lalo na nang may tumulak sa kanya.
"Fuck off, asshole!" Rodge angrily eyed him, he claimed my waist which is his favorite thing to do.
Napaupo si Blue, pinagmasdan nya kaming dalawa bago balewalang tumayo.
"Oh, the boyfriend?" he asked, at pinagpagan ang sarili.
"Yes, got a problem with that?" napaigting ang panga ni Rodge, habang si Blue ay makahulugang tumingin sakin.
"Well then, congrats." he said and turn around, pinigilan ko sya.
"Blue," I called his name, maski si Rodge ay bumaling din sakin. "Can we talk?" I asked him, seryoso nya 'kong tinitigan.
"What?! No!" pigil ng katabi ko, napabitaw sya sa 'king bewang.
"Hintayin mo 'ko sa kotse." bilin ko sa kanya tsaka sya mabilisang hinalikan sa labi, halata ang pagkagulat nya kaya sinamantala ko iyon para hilahin si Blue sa lugar na kakaunti lamang ang tao.
"That was sweet." he commented, I glared at him.
"Shut up, I don't need your opinion." pagsusungit ko pero tumawa lang ang gago, I crossed arms. "Tell me, bakit ka pinadala ni daddy dito?" diretsahan kong tanong, nawala ang tawa nya saka ngumisi.
"You're really smart, huh." he spat, 'di ko sya sinagot at seryosong tinitigan lang sa mata. He let out a sigh.
"Bumalik ka na daw sa inyo, kung ayaw mong sya pa mismo ang sumundo sayo dito."
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Short StoryI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?