Kabanata Apat
May dalawang araw pa bago magpasukan, balak sana akong ilibot ni Nanay Mila sa mga pasyalan na sikat sa probinsyang ito pero ako na din mismo ang tumanggi dahil sa mga dumating na prutas kanina na alam kong ititinda nya.
"Sasama nalang ho ako sa pagtitinda sa inyo, nay, nang sa ganon ay makatulong ako." ani ko sa kanya, halata sa mukha nya ang pagtutol pero wala syang nagawa.
"Anak ka ng isang Gobernador, Kisses, hindi nararapat sayo ang mga gawaing ito." sagot nya, hinawakan ko ang kanyang kamay at mapaklang ngumiti.
"I am a biological daughter of a Governor but it didn't seems that way, because he never treat me like I am since my mom died." I answered her, hindi na sya nagsalita at hinayaan akong sumunod sa kanya papuntang palengke upang maglako.
Bawat bumibili ay tumitingin sakin nang may halong pagkamangha, nginingitian ko nalang sila ng tipid dahil sa pagkailang.
Mayaman kami ngunit hindi ako sanay sa atensyon, tinuruan akong mamuhay ni mommy ng simple at makihalubilo sa mga mas mababa samin dahil ganoon din sya nang hindi pa nya nakikilala si daddy.
"Anak mo, Mila? Hindi halata, ah, ke-gandang bata! Sino bang ama nyan?" tanong ng isang ale habang lantaran ang titig sakin, awkward akong ngumiti.
"Hay nako, Marites, wag na nating pag-usapan dahil sensitibo ako pagdating sa lalaking minahal ko ng lubos." sagot na lamang ni nanay, tumango ang tinawag nyang Marites at ngumiti pa sakin bago umalis.
"Hi, Nanay Mila, pagbilan pong tatlong mansanas." napaangat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na malalim at malamig na boses na iyon.
I saw Rodge wearing his smirk, si Nanay Mila ang kausap nya ngunit nasa akin ang kanyang mga mata. I rolled my eyes and ignore him.
"Suplada." bulong nito na sya namang narinig ko, inirapan ko lang sya.
"Mayabang." bulong ko pabalik na sinadya kong iparinig sa kanya, he chuckled and the time I laid my eyes on him, it seems like the world stops. Tila nag-slowmotion ang paligid at sya lamang ang nakikita ko, pinilig ko ang aking ulo at pinakalma ang sarili.
Back to your senses, Kisses, this is not you. I fixed my eyeglasses, akma akong mag-aayos ng paninda nang mag-ring ang cellphone ko. I saw Khalil's name on my phone screen, nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ito.
In the end, I have a deep sigh and pressed the accept button.
"Kisses, where the fuck are you?" bungad nya, mahahalata mo ang pagkairita sa kanyang boses.
"I can't tell you, Khalil." sagot ko, bumaling ako sa 'king gilid, halos masamid ako nang makita ang madiin na titig sakin ni Rodge.
Nandito pa nga pala yung gagong 'to, inirapan ko na naman sya at pinaglaruan ang mansanas na nasa harap ko.
"Fuck, I'm worried! Just tell me so I can fetch you, sabi ng mga katulong nyo dito sa mansyon ay umalis ka nang may dalang maleta. Saan ka ba nagsususuot?" I bit my lower lip. I'm sorry, Khalil, pero hindi ko muna maaring sabihin sayo.
"I ran away, don't find me." bulong ko, narinig ko ang pagsinghap nya mula sa kabilang linya kaya bago pa man sya makapagsalita ay inunahan ko na. "Just take care always. I love you, punk." huling sabi ko bago pinatay ang tawag.
"Si Khalil? Anong sabi?" bumaling ako kay nanay nang magtanong sya, I took a glance on Rodge who's still staring at me. I raised my left eyebrow, bakit nandito pa sya?
"Nangangamusta lang, nanay. Miss na miss na yata ako." pabiro kong sabi at nag-iwas ng tingin, nakita ko ang paggalaw ng panga ni Rodge.
Damn, is he mad? What for?
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Short StoryI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?