Kabanata Labing Pito
I saw how Patrick Sean blushed when Anriene glance at him, napangisi sila Kaden ng nakakaloko at nag-usap-usap gamit ang mga mata.
Hmm, chemistry, huh.
"Who is she, Kisses?" Luna looked so intimidating, pakiwari ko'y sinadya nya ito. Napayuko si Yenyen, pinagpipisil ang daliri marahil sa hiya.
"She's Anriene Nicole Binaday, my bestfriend." I introduced her, pero kay Sean lang ako nakatingin. He met my eyes ngunit agad din syang umiwas, pinigilan kong matawa. "Yen, this is Kaden, Luna, Khalil, Silver, and Patrick Sean, my cousins." tinuro ko isa-isa ang aking mga pinsan, nginitian sya nina Khalil at Kaden habang nakataas ang kilay ni Luna, nanatiling walang imik si Sean na s'yang sobrang unusual, natural naman na kasi kay Silver ang pagiging isnabero.
"Ah, hi, nice to meet you all." Anriene bowed her head, halata ang pagtatakha sa mga mata nya. Hindi ko na hinintay pa na makapagsalita ang mga leche kong pinsan, sinenyasan ko sila na lumayas.
"Magsi-uwi na kayo, wala kayong mapapala dito." pagtataboy ko sa kanila, naningkit ang mata sakin ni Luna.
"Hmm, you have a boyfriend na, 'no? Kaya ayaw mo kaming nandito, kasi you don't want us to know na you're in a relationship na." she concluded, napahawak ako sa ilong ko dahil sa ka-conyohan nya.
"Ayus-ayusin mo 'yang pananalita mo, hija, nasa Pilipinas ka." sita ko, she pouted and just make faces.
"We'll stay in one of those popular hotel here, you can't do anything about it." she said with a final tone, tinalikuran ko sila.
"Bahala kayo sa buhay nyo, basta't wag nyo 'kong gambalain dito." huling saad ko, hinila ko si Anriene patungo saming silid dahil paniguradong ilang minuto nalang ay tutunog na ang school bell.
"Uh, pwedeng magtanong?" ani ng kasama kong nagtatakha pa din ang ekspresyon hanggang ngayon, tumango ako at napabuntong hininga.
"Are you really the daughter of Milagros Arevalo? Kasi kung oo, bakit ang yayaman ng mga pinsan mo?" napatigil ako sa paglalakad, hinarap ko sya kaya humarap din sya sakin.
"I'm not." matipid ngunit seryoso kong sagot, mapait ko syang nginitian. "Anak ako ng isang Gobernador, I ran away." dagdag ko sabay iniwas ang tingin, halata ang gulat sa kanyang mga mata.
"W-what? A G-Governor?" she murmured but enough for me to hear, I nodded.
"Yes, Governor Kier Villafuerte." tuluyan nang nalaglag ang kanyang panga, natataranta syang yumuko.
"I'm sorry, hindi ko alam!" utas nya na kulang nalang ay lumuhod sa harap ko, I held his hand.
"Please, don't panic." habang naglalakad kami patungong silid ay kinewento ko sa kanya ang lahat. I trust her, alam kong totoo sya sakin kaya handa akong pagkatiwalaan sya.
"I'm his daughter, pero wala syang paki sakin." I wiped my tears, she hugged me and pat my back.
"Baka may rason kung bakit ganon. Walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak, Kisses, remember that." pagpapagaan nya sa loob ko, I smiled and thank her.
Pagtapak ko sa classroom ay wala pang teacher, pasimple kong pinunasan ang pisngi ko dahil baka may naiwan pang luha doon.
Dumiretso kami ni Anriene saming naka-assign na upuan, nang napalingon ako sa gilid ay bumungad sakin si Rodge na papalapit habang umiigting ang panga.
"Why are you crying? Who made you cry?" he ask, bahagya akong nagulat.
"Ha? Wala, napuwing lang." palusot ko, naupo sya sa tabi ko kaya bahagya akong lumayo.
'Calm fucking down, my heart. Lumapit lang sya sayo, okay? Wag kang oa.' I told myself.
"Tss, sinong maniniwala sa palusot mo e namumula 'yang ilong mo." he stated, hindi na 'ko sumagot.
"About what I said yesterday..." matiim syang nakatitig sa'kin na nakapagpa-kaba sakin, lumingon-lingon ako sa paligid at napagtantong lahat ng tao sa silid ay nakatingin saming dalawa.
"Ah, I know it was just a joke. Don't worry, I forgot about it na." I blinked, hindi ako mapakali lalo na nang mas sumeryoso ang kanyang tingin.
"No, it wasn't a joke." pahayag nya, namilog ang mata ko at muling pinasadahan ng tingin ang paligid. Lahat sila ay kuryoso pa ding nakabaling samin, akmang tatakpan ko ang bibig ni Rodge para pigilan sya sa susunod nyang sasabihin pero huli na ang lahat.
"I'll court you, Kisses, wether you like it or not."
And then, my world stops.
![](https://img.wattpad.com/cover/196247027-288-k711992.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
ContoI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?