Kabanata Labing Isa
Pumasok ako sa school at pinasadahan ng tingin ang hallway, nakakita ako ng mga estudyanteng nagyayakapan at nagke-kwentuhan. I have a sigh, I wish I have bestfriend/s, too.
My phone rang and I immediately pick it on my uniform's pocket, I saw Kaden's name that made me roll my eyes.
"What?" I asked, impatiently.
"Whoa, easy there, cousin." he answered, napairap akong muli at ipinagpatuloy ang paglalakad tungong classroom.
"I'm here at my school right now, don't bother the hell out of me." I spat, narinig ko ang halakhak ni Khalil sa kabilang linya.
"Aw, our princess is so cute." he says, sumimangot ako.
"Isa ka pa, ano ba kasing kailangan nyo?" naiinip ko nang tanong, nasa harap na 'ko ng magiging silid ko pero hindi ko magawang pumasok dahil sa dalawang ugok na kausap ko through the phone.
"We want to visit you-" I cut them off.
"No way!" I said and hang up, no freaking way I will allow them to come here! Gugulo ang buhay ko kapag nakasama ko sila, sila ang source ng kalokohan sa angkan ng Villafuerte.
Khalil, Kaden, Sean, and Silver are my childhood cousins. Buong buhay ko ay sila ang kasa-kasama ko, they are my favorite cousins dahil hindi namin kami masyadong close ni Luna, ang nag-iisang babaeng pinsan ko.
I hid my phone and finally walked inside the room, bawat grupo ay may kanya-kanyang mundo at lahat ay napatingin nang sandaling makapasok ako. I fixed my eyeglasses and search for available seats, napili kong tumabi sa babaeng hanggang balikat ang buhok at balingkinitan ang katawan. She was so pretty, and she has this aura na parang masayahin.
I greeted her "Hi." and she smiled.
"Hello, wow! Are you some kind of model? Ang ganda mooooo." namilog ang mata nya at namamanghang tumitig sa kabuuan ko, I smile back shyly.
"Uh, no, you're pretty too." I replied, doon nagsimula ang pag-uusap namin at puro sya ang nagke-kwento. Natatawa at nangingiti nalang ako dahil sa kakulitan nya.
Her name is Anriene Nicole Binaday. Nagmula sya sa isang ordinaryong pamilya dito sa La Trinidad, inaamin nyang kapos sila sa pera pero buo naman ang kanyang pamilya at yun palang ay sapat na sa kanya. I smiled bitterly, I envy her.
"How about you? Ang ganda ng pangalan mo, ha, pang-mayaman. Sino bang mommy mo?" she ask with curiosity.
"Si Milagros Arevalo ang nanay ko, bunga daw ako ng unang lalaking minahal nya na iniwan lang sya para sa isa pang babae." pagsisinungaling ko, naging guilty ang ekspresyon ni Anriene.
"Sorry, tinanong ko pa." pagpapaumanhin nya, ngiti lang ang itinugon ko. Nagpatuloy sya sa pagkwento hanggang sa umingay ang buong kwarto, namataan kong humugot ng malalim na buntong hininga si Yenyen (Anriene) kaya nagtakha ako.
"What's wrong?" I asked, inginuso nya ang likod ko kaya napatingin agad ako dito.
Bumungad ang pagmumukha sakin ni Rodge na may kasamang tatlong lalaki, walang ekspresyon ang mukha nito at halos sambahin sya ng mga kababaihang nadadaanan nya.
"He's Rodge Arion Najarro." my new found bestfriend said. Arion? I think I heard that name before. "Daddy nya ang nagmamay-ari ng lupain ng buong La Trinidad. May business din sila na nakatayo sa mga syudad gaya ng Manila, Cavite, etc. He was so rich, plus, the looks kaya baliw na baliw sa kanya ang mga kireng babae." dugtong nya habang napapangiwi, natawa ako.
"You hate all those women? Well, may gusto ka din ba kay Rodge?" diretsang tanong ko, umakto syang nasusuka at napairap.
"Hell, no, I can't imagine myself begging for his attention." she answered frankly, napatango ako.
Lumapat ang tingin ni Rodge sa direksyon ko, kumindat sya sakin na s'yang dahilan para mapatingin saming dalawa ni Anriene ang lahat. Gulat at pagtatakha ang nakita kong reaksyon ni Yenyen, napailing ako at nagkunwaring walang alam.
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Short StoryI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?