Aryana's POVMATAPOS akong ihatid ni Felix sa aking bahay ay pumasok na kaagad ako sa loob. To be honest, hindi talaga sa'kin itong bahay. Binili ko lang 'to last year. Noong una nga ay nag da-dalawang isip ako kung bibilhin ko ba o hindi.
Ang weird, e. Never pa akong nakakapunta sa lugar na ito pero iba na agad ang dating sa akin. Para bang nakapunta na ako dito noon pero wala naman akong maalala. Ayts, ewan ko din ba.
Sa huli ay binili ko pa rin. Naaawa rin kasi ako sa matandang nagbabanta ng bahay na ito, e. Saka mahigit limang taon na raw noong umalis ang may-ari ng bahay kaya siguro gusto na nilang ibenta.
Pagpasok ko sa loob ay bumungad kaagad sa akin ang napakalinis kong sala. Malinis talaga kasi wala naman itong kalaman-laman.
Sa itaas ko kasi nilagay lahat ng gamit na dapat ay nandito. Yes, aaminin kong may pagka-weird ako at the same time ay tamad din. Ayoko kasing bumababa pa para kumain o magluto. Gusto ko kasing paggising ay diretso na agad sa hapag. Gano'n ako katamad kaya hindi dapat tularan.
Dahil malawak ang space sa dito sa baba ay ginawa ko na lamang itong tambayan. Like, kapag may bwisitang dadating ay doon kami titigil para mag kwentuhan. Unexpected pa naman kung bumisita ang tukmol. Tss.
Naka-sabit sa pader ang aking mga pininta 2 years ago. Ako ang gumawa lahat ng mga iyon simula noong naging ganito ako, I mean noong nagbago ang buhay ko.
Naaalala ko tuloy ang sinabi ni Jofel kanina. Bakit kaya nila ako hinahanap? Ano kayang kailangan nila sakin? Tss. Paniguradong si daddy ang may pakana nito.
Akala n'ya siguro ay mapapabalik niya pa ako doon sa mansion ng gano'n-gano'n lang. No way.
Isa kami sa pinakamayaman sa probinsya namin. I mean, siya lang pala. Marami rin itong pag a-ari gaya ng Companies, Entertainment, at mga malls.
Pero a-anhin ko naman ang lahat ng 'yon kung... Kung hindi niya naman ako tunay na anak diba?
Yes, I am adopted.
But Mr. Hermes doesn't know that I knew it already. Maybe that's the reason why Felix's group are looking for me. Para maibalik ako sa puder n'ya.
Sorry, but not sorry.
I won't let that happen.
It's been 5 years nang nalaman ko ang totoo.
*Flashback*
5 years ago
Pupunta sana ako sa kwarto ni Daddy noon, may ipinabibigay kasi si tito Wenrei. Sakto namang pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko itong may kausap sa telepono.
Ha-hakbang na sana ako papasok nang marinig ko ang pangalan kong binanggit ni Daddy.
"Wala akong pakialam kung kuhanin niyo pa sa akin si Aryana. Kaya kong ipalit ang buhay ng batang ito, sa kung ano!"
Nanggilid ang aking luha dahil sa sinabi nito.
"Hindi mo magagawa iyan sa sarili mong anak, Tomy!" ani ng nasa kanilang linya.
"Syempre, magagawa ko ang sinabi ko dahil hindi ko naman s'ya tunay na anak."
Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na pinagusapan nila. Dumiretso na agad ako sa aking kwarto at doon binuhos ang pag iyak.

BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
General FictionThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?