MALAMIG NA simoy ng hangin ang humahampas sa aking balat sa mga oras na ito. Kahit nakasuot ng hoodie ay nakakaramdam pa rin ako ng lamig.
Saglit akong napatingin sa aking relo. Alas dos na pala ng umaga, hindi ko ‘man lang namalayan. Psh. Mukhang kailangan ko nang umalis bago pa may makakita sa akin.
Hahakbang na sana ako papalayo nang may tumawag ng aking pangalan mula sa aking likuran. Pamilyar ang boses nito kaya hindi ko na nilingon pa.
“Hey, Miss Arian!”
“Kailan ka ba babalik?” Tanong ng isa sa kanila. Kahit hindi ko lingunin ang mga taong iyon ay pakiramdam ko‘y dumadami sila.
I need to leave this place as soon as possible.
Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita itong muli. “Marami ka pang atraso sa amin, nakalimutan mo na ba?” Ani ni Copper, who was our gang leader before. Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sa pag-hakbang.
“Alam mo ba na kapag nakatakas ka ng buhay ay ma-swerte ka?” Napansin ko ang malaking pag-ngisi nito na nagbigay naman sa sakin ng kaunting kaba. Huminga ako nang malalim bago nilingon ang mga ito.
“Huwag na kayong umasa na babalik pa ako sa inyo, maliwanag? Nagsasayang lang kayo ng oras sa ginagawa niyo. Tss.” Pairap kong ani sa mga ito. Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay wala na akong sinayang na oras. Tumakbo ako nang mabilis para takasan ang mga ito. Sa ngayon ay ito lang ang naiisip kong paraan para matakasan ang mga mokong na ito.
‘Gago, tumatakas! Habulin n‘yo!’
Narinig kong sigaw ng mga kasamahan ni Cooper sa aking likuran. Kaya mas binilisan ko pa lalo ang aking pag-takbo.
Madilim ang paligid kaya hindi ko alam kung nasaan na ba ako ngayon. Basta ang iniisip ko lang ngayon ay makatakas mula sa kanila. Hindi pa ako handa para harapin ang grupo nila. Bakit ba nila ako hinahabol? Ano bang mapapala nila sa akin? Tsk.
Habang papalapit ako sa highway ay may naaninag akong sasakyan sa hindi kalayuan. Dahil mukhang mamahalin ang mga ito, sigurado akong hindi ito kina cooper. I didn't know na may taxi pa rin sa ganitong oras.
Wala na akong choice kung hindi pasukin ang sasakyan na iyon. Ayos lang mawalan ng hiya, h‘wag lang buhay ko ang mawala.
Mabilis kong tinungo ang itim na sasakyan na iyon at walang pasabing pumasok doon. Mabilis ko rin na sinaraduhan ang pinto para walang makapansin sa akin. Kinapa ko ang aking bulsa at kumuha ng isang daan.
Inabot ko rin agad iyon sa driver.
“D'yan lang po sa Mabuhay Street. Pakibilisan, manong.” sabi ko sa driver. Ngayon ko lang napansin na napakaganda ng loob ng sasakyan na ito. Hindi ko ‘man lang nabalitaan na nag-upgrade na pala ang mga taxi. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito. Kung hindi ito isang taxi ay i-isipin ko talaga na pagmamay-ari ito ng isang sindikato. O kaya naman ‘yong nangunguna ng mga bata tuwing November.
Halos mangalay na ang aking kamay ay hindi pa rin kinukuha ng manong ang bayad ko. Ano pa bang hinihintay niya? Nagmamadali ako, oh.Mabilis kong ibinaling ang paningin ko dito para sana itanong kung bakit hindi pa kami umaalis. Pero nang sandaling magkatitigan kami ay nanlaki ang mga mata ko. Naibaba ko rin ang kamay ko dahil sa gulat.
“W-Who are you?!” he exclaimed that minute. Mabilis kong tinakpan ang bibig n’ya gamit ang dalawang kamay ko para mapatahimik. Pumalag ito at halos mamula-mula na rin ang mga mata dahil sa inis.
Is he stupid? Anong karapatan niya para sigawan ako?! Kapag talaga nahuli ako nina Carbon, hinding-hindi ko s‘ya palalampasin.
——————————————————
DISCLAIMER
This is work of fiction, names characters, businesses, places, events, And incidents are either the product of the author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Distributing or copying of this story without the author's permission is strictly prohibited.
All Right Reserved
Copyright 2020 @PsycloversDate started:
August 19' 2020Date finished:
December 23' 2020
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Fiksi UmumThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?