Chapter 38: That message

189 15 2
                                    

Continuation.

Sino ang nag text na iyon?

At paano nito nakuha ang numero ko?

Namalayan ko na lang ang sarili kong nagmamaneho pauwi. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa dami ng katanungan na nabuo sa aking isipan.

Pumasok agad ako sa loob aking bahay nang makauwi. Pero bago iyon ay may napansin akong box na nasa tabi ng aking pinto. Again?

Pinagmasdan ko muna ito bago pinulot.

Maliit lang ang box na ito at parang alam ko na din kung anong laman kaya ibinulsa ko muna bago dumiretso sa loob.

I guess, it's a necklace.

Pagkapasok ko loob ay bumungad sa akin ang makalat kong sala.

W-What happened?!

Kaagad kong hinanap ang tatlo bago masamang tiningnan ang mga ito.
Ngumisi sila bago lumapit sa akin.

Surprise!sigaw ng tatlo, napailing na lang ako bago nilampasan ang mga ito.

“Ano 'to?” isa-isa kong pinulot ang mga nakalat sa sahig.

Bakit may lobo sa sahig? At red carpet pa? Tsk!

“Hindi mo ba nagustuhan?” nakangusong tanong ni Dwayne.

“Hindi niyo naman kailangan pang supresahin ako. Tss.”

Totoo naman, e. Hindi ko kailangan nang ganitong supresa. Pero na-appreciate ko pa din dahil kahit paano ay nag effort sila. Psh.

“Tulungan n‘yo nga ako dito.” utos ko sa tatlo. Aba, kalat nila ito kaya dapat tinutulungan nila ako.

Maya-maya'y lumapit din naman ang mga ito para tulungan ako. Good.

“Birthday ko ngayon, hindi kasal.” pailing-iling na ani ko nang matapos magligpit. Napakamot naman kaagad sila sa kanilang batok. Tss.

Inilapag ko sa box na nasa isang gilid ang mga lobong napulot ko bago naupo sa sofa.

Ano kayang katotohanan ang malapit ko nang malaman?

Mula kanina ay hindi na ako nilubayan ng tanong na iyon. Hindi ako mapakali na ewan. Ang weird lang.

Naniningkit na tumingin ang mga ito sa akin. “Ayan, where have you been?”

Hindi na rin ako nakapagpaalam ng maayos kina Tita bless dahil sa mensaheng iyon. Idinahilan ko na lang na may emergency kaya ako umuwi kaagad. Inalok pa ako ni Aris na ihatid but I refused. Hindi niya kailangang gawin 'yon, at isa pa may sariling kotse din naman ako.

“Woy!” nagulat ako nang biglang sumigaw si Dwayne na hindi ko inasahang na nasa gilid ko na pala.
Inis ko naman itong nilingon.

“Ano na naman ba?”

“I'm asking you.”

Napairap ako saglit bago iniwas ang paningin. “A-Ano 'yon?”

“Nasaan ba ang utak mo?” pailing-iling tanong nito.

“May sakit ka ba?” mabilis na lumapit sa akin si Kaito para kapain ang noo ko. Mabilis kong inalis ang kamay n‘ya bago umiling.

“Wala akong sakit. Pasensya na, may iniisip lang.” nahihiyang aniko.

“So saan ka nga nagpunta kanina?”

“Sementeryo.” I answered honestly.

“After that?” Kaito asked.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon