ContinuationAryana's POV
Dumiretso agad ako sa HQ namin pagkatapos kong kumain sa restaurant nina Aris. Naupo ako sa upuan ko bago pinaulanan ng masasamang tingin si Dwayne.
Hindi ko ito inasahan na makikita sa lugar na iyon kanina. Sinadya ko talagang hindi ito pansinin para hindi mahalata ni Felix na magkakilala kami. Sigurado kasi ako na sa mga oras na ito ay nasa kamay na n‘ya ang ilang impormasyon tungkol sa akin. Natatakot ako na malaman n‘ya nang wala sa oras ang totoo.
Napahilot ako sa aking sintido bago umayos ng upo. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa lugar na iyon, Dwayne?” may bahid na inis na tanong ko.
Ngumiti lang ito bago ako inabutan ng Sprite. “Chill ka lang, Ayan. Hindi naman ako gumawa ng ikapapahamak mo, e.” napairap ako sa kawalan bago kinuha ang inabot nito. “Kahit pa.” ani ko bago binuksan ang bote at nilagok ang laman.“Hindi mo naman siguro sinabi ang pangalan mo ‘no?” nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi ko. Kaagad kong ibinaba ang hawak na bote at kunot-noong tinitigan ito. Don't tell me...
“I‘m sorry, hindi ko napigilang magpakilala e.” napailing na lang ako at napayuko sa upuan. Bakit kasi kinausap n‘ya pa ang mga ‘yon, e. Tsk.
“Hindi na mauulit.” tinaas pa nito ang dalawa n‘yang kamay. Inirapan ko lang ito. “Aba‘y dapat lang ‘no.”
“E, ikaw, anong ginagawa mo doon?” s‘ya naman ngayon ang nagtanong kaya napaiwas ako ng tingin.
“Kumain malamang. Masarap ‘yong carbonara nila doon, e. Tsaka malapit lang din ang restaurant na iyon sa DFU kaya hindi na ako lumayo pa.” napatango-tango lang ito sa sinabi ko. Tumayo na ako sa pag a-akalang wala na itong sasabihin.
“Paano mo nga pala nakilala ang pinsan ni Felix?” usisa nito kaya napabalik ako sa pag upo.
“Nakilala? Sa katunayan ay ngayon ko lang din nakilala iyong si Rheinor. Pero nakita ko na s‘ya noong minsan akong napadaan sa bahay nina Aris.” tumango-tango lang ito.
Nang mabanggit ko ang tungkol doon ay naalala kong may dapat pala akong itanong dito.
“Dwayne.” kunot-noong humarap ito sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa aking sasabihin.
“May nakita ka na bang kamukha ko?” tanong ko.Umiling lang ito. “Wala pa, bakit?”
“Iyong maid kasi nina Aris ay napagkamalang ako si Karylle. May kilala ka bang ganoon ang pangalan? Kahawig ko ba talaga ang babaeng iyon?” sandali itong napaisip sa sinabi ko.
“Wala akong kilala, e. Pero baka si Fumiya, mayro‘n.” napataas kaagad ang isa kong kilay.
“What do you mean?” takang tanong ko.
Paano malalaman ng isang ‘yon, e, wala naman s‘ya dito. Tss
Tumahimik lang ako at hinayaang magkwento si Dwayne. “Bago s‘ya umalis ay nabanggit n‘ya sa akin na nakasalubong ka raw niya. Kaya naman hinabol ka n‘ya para sana mag paalam.”
“Oh, tapos?”
“Tinawag ka raw n‘ya nang ilang beses pero hindi ka daw lumilingon. Tapos no‘ng hahawakan ka na daw n‘ya sa balikat ay bigla mo na lang daw s‘yang sinampal.” nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
“What?!”
“Ewan ko ba, kahit ako nga mismo ay nagulat sa kinuwento n‘ya. Alam ko kasing hindi mo iyon magagawa sa Ex mo nang ganon-ganon lang..” tumikhim lang ako bago iniba ang usapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/199067812-288-k985639.jpg)
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Ficção GeralThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?