Aryana's POV
Ang dalawa ang sumalubong sa akin nang makauwi ako. Hindi ko alam kung bakit sila naririto, e, bahay ko naman ito. Ano na naman kayang trip nila? Tss.
"Why are you here?" tanong ko bago naupo sa couch. Napailing na lang ako nang sumunod ang mga ito at umupo nang nakadekwatro. "Nag alala lang kami, 'di ba Dwayne?" ani ni Kaito, tumango naman kaagad si Dwayne. "Oo nga. Saan ka ba galing kanina? Ano 'yong secret na sinasabi mo ha?" pagmamaktol nito, napairap lang ako sa kawalan.
"Kaya nga secret, e, bawal sabihin. May secret bang sinasabi, ha?" napailing na lang ako bago tumayo. Aakyat na sana ako nang may maalala ako. Nakangising hinarap ko si Dwayne.
"How was it? Nagulantang ba si Daddy sa ipinadala ko?" natatawang napailing lang ito. "Hindi ko alam kung gulat ba ang tawag doon, pero kasi, napansin kong nangangatal ito habang hawak-hawal ang papel na sinulatan mo." napangisi lang ako bago ibinaling ang paningin kay Kaito.
"How's your first task?" gulat itong napatingin sa akin. Psh.
"It's fine, wala namang kaguluhan na naganap. Thanks to Dwayne." anito kaya napataas ang kilay ko. "What do you mean?"
"They're trying to track Fumiya's car, but I stopped them. At no'ng umalis ka, inutusan ko s'yang bumili ng isang box na jammin convenience store. Para mawala s'ya sa paningin nila at hindi maghinala." paliwanag nito.
"Para kanino 'yong jammin?" tanong ko. Kumindat ito kaya napailing lang ako.
"For you, It's your favorite, right?" nakangising anito.
"Naks naman, Dwayne." lumapit ako dito at mabilis niyakap. "Your da'best, bro." nakangising aniko kay Dwayne bago nilingon si Kaito na masama ang tingin. Napakalas agad ako ng yakap dito. "What?" mataray na tanong ko kay Kaito.
"Ako ang bumili n'yan, pero bakit hindi mo rin ako niyakap?" natawa lang si Dwayne na nasa likod. Napakagat lang ako sa labi bago naglakad palapit dito.
"Umuwi na kayo, kailangan ko pang magpapahinga. Bukas na lang ulit." ani ko bago tinapik ang balikat nito. Sinenyasan ko din si Dwayne na lumabas na.
Pero imbis na lumabas ay napangisi lang ito. "Anong bukas? Gago ka ba? May pasok pa kayo, ha." napakamot ako sa aking ulo nang maalala.
"Ngena, oo nga pala. Tsk."
Bakit ba nawala sa isip kong may pasok pa nga pala? Aish. Teka, bakit ba ako ng nagaalala, e, hindi naman ako normal na estudyante. Tss.
Pumapasok nga lang pala ako dahil sa mission. Pero parang ayaw ko na ituloy ang misyon, gusto ko na lang maging normal na studyante.
***
MAAGA akong nagising para sana puntahan si Dwayne, pero naisip kong sa hapon ko na lang gagawin iyon.
Dahil alas kwarto pa lamang ng ay napag-isipan kong mag jogging muna sa labas habang hindi pa sumisikat ang araw. Mas relaxing ang hangin sa umaga kaya mas gusto kong ganitong oras nag jo-jogging. Nang magsawa ako ay nagpahinga muna ako sa isang bench na nasa harap ng isang mansyon. Saglit along napatulala dito sa hindi mawaring dahilan pamilyar kasi ito, kahit ngayon ko pa lang naman napuntahan. Weird.
Humakbang ako palapit dito bago humawak sa malaki nilang gate at sinilip ang nasa loob. May malaking fountain ito sa harap, sa gilid naman ay puro halaman. Napakalaki din ng garahe nito. Katulad lang ng mansyon ni Mr. Hermes. Mukhang kagaya nito, ay mayaman rin ang may ari nito.
Akmang tatalikod na ako nang may tumawag sa akin. Dahan-dahan ko itong hinarap at isang matanda ang bumungad sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad sisinta na ito.
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
General FictionThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?
