Chapter 43: Cousin

212 9 3
                                    


Aryana's POV

“Saan ka na naman nagpunta, Aryana?”

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid pagkapasok ko. Napahawak ako sa aking dibdib bago nilingon ang taong iyon. Nakita kong nakasandal sa gilid ng pintuan si Kaito habang nakakunot ang noo. Ano na naman bang ginagawa nila dito?

“Annyeong!” nakangiting bati nina Dwayne. Napailing-iling na lang ako bago dumiretso sa fridge. “Bakit pala kayo napadalaw?” tanong ko bago kumuha ng tubig at ilang chips.


“Trip lang nami—”


“We‘re just worried.” mabilis na nakatanggap ng batok si Dwayne mula kay Kenshin. May binulong-bulong pa ito pero hindi ko naintindihan.

Nagsalin lang ako ng tubig sa isang baso bago uminom. Pinunasanan ko muna ang aking labi bago inalok ng chips ang mga ito.

“Alam kong marami kayong katanungan kaya kayo naparito. Go ahead and ask me.” umayos ako ng upo bago taimtim na humarap sa mga ito. “Ano bang gusto ninyong malaman?” tanong ko bago binuksan ang hawak kong Potato chips.

“Lahat. Gusto namin na ang lahat ng nalalaman mo ay alam rin namin.”
ani ni Kaito. Saglit akong napaisip bago ikinuwento sa kanila ang  mga nalaman ko sa hospital. Hindi naman kaagad makapaniwala ang mga ito.

“W-What? B-Buhay ang mga magulang mo?” tumango ako bilang sagot. Tumayo si Dwayne para yakapin ako. Mabilis rin naman itong kumalas. Nakangiting ginulo lang nina Kenshin at Kaito ang buhok. Ano bang mayro‘n sa kanila?

“Congrats, Ayan. Finally, makikita ka na naming masaya.” nginitian ko lamang ang mga ito bago bumalik sa pagku-kwento. Tahimik lamang ang mga itong nakikinig nang ikwento ko ang nagyari kay Felix. Maging ang mga sinabi sa akin ni Jofel kanina ay hindi ko rin napigilang sahihin.

“How is he right now?” maya-maya'y tanong ni Kaito habang ngumunguya ng chips.

“As of now, wala pa rin akong balita sa kanya. Pero nasabi ko naman kay Jofel na balitaan ako kapag nagising na si Felix.”

“I see.” patango-tango n‘yang sagot.

Napansin kong nakatingin sa akin si Kenshin. Tinaasan ko ito ng isang kilay pero hindi ‘man lang ako nito pinansin. Nagtatakang pinagmasdan nito sa suot ko.

“Saan ka galing ngayon? Bakit ayos na ayos ka yata?” dahil sa tanong ni Kenshin ay napatingin din sa suot ko ang dalawa. Psh. Bakit ba kailangan pa n‘yang pansinin? Umiwas naman kaagad ako ng tingin bago sinagot ang mga ito.

“I meet my parents.”

“W-What? A-Already?” gulat nilang tanong.

Napangiti lang ako bago tumango. “To be honest ay isang beses ko na silang nakasama.” saglit kong naalala ang aking kaarawan. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakasama ko sila. ‘yon nga lang, hindi nila alam na ako ang anak nila no‘ng mga oras na iyon.

“Sana isama mo rin kami d‘yan. Malayo ba?” giliw na tanong ni Kenshin. Umiling lang ako.

“Nope. Sa may dulo lang silaa nakatira.” nagtatakang napatingin sila sa isa't isa.

“Kilala ninyo naman siguro si Aristotle 'no?”

“Oo naman. Schoolmate ko siya, e.” proud pang sagot ni Dwayne bago tumayo at dumiretso sa fridge para kumuha ng Sprite. Walang pasabi n‘ya iyong nilagok. Hindi uso ang paalam dito, e. Tss.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon