Chapter 44: Confused

203 12 3
                                    

Felix Simoun POV

BUMUNGAD sa akin ang puting kisame ng magising ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid nang mapansin kong iba ang kisame ng kwartong ito. N-Nasaan ako?

Hindi ito ang condo ni Jofel, ah?

Napatingin ako sa gilid nang may nagsalita doon.

“Oh? Bro! Gising ka na?!” nakangiting bungad na tanong sa akin ni Jofel na kasalukuyang nakahiga sa sofa. Umupo ito ng maayos bago kumuha ng mansanas sa table bago binalatan.


“Okay lang ba?” mahinang tumango lang ako.

Akmang tatayo na ako nang mapansin kong may nakatusok sa aking braso.

Wait.

B-Bakit may swerong nakakabit sa akin? W-What the hell. N-Nasa h-hospital ako? P-Paano nangyari 'yon?

Pinilit kong inalala ang mga nangyari bago nangyari itp pero sumakit lang lalo ang aking ulo dahil sa aking ginawa. Napahawak ako sa aking sintido nang kumirot iyon. Damn! Ano bang nangyari sa akin?

Kunot-noong ibinaling ko kay Jofel ang aking paningin. “A-Anong nangyari sa akin? B-Bakit ako nandito?” takang tanong ko.

“Hindi mo ba talaga naaalala?” lumapit ito sa akin at inabutan ako ng mansanas na talop na.

Umiling ako bago kinuha ang inaabot nito. “Hindi, e. Ano bang nangyari sa akin? Tumalon ba ako sa bangin or what?” napangisi lang ito sa tanong ko.

“Hindi gano‘n, bro.”

“Bakit nga ako napunta dito?”

Sa pagkakaalam ko ay sa pumunta ako sa bahay nina Rheinor dahil nag pa-party ito bago siya umalis. Pagkatapos noon ay wala na akong maalala.

Napabuntong hininga ito bago sumagot. “Naaksidente ka Felix.” nanlaki ang mata ko sa narinig.

“You‘re joking, right?” seryosong umiling lang ito. “Kung ganoon, bakit wala akong maalala?” napabalik ako ng tingin nang sagutin ni Jofel ang tanong ko.

“Bumangga ang kotseng sinasakyan mo sa isang puno. At isa pa, muntik ka nang makadisgradya ng tao. Bakit hindi ka kasi nag i-ingat, bro. Lasing ka pa naman. Alam mo bang malaking kaso ang haharapin mo kung nagkataong pulis ang nakakita sa‘yo?”  napabuntong hininga na lang ako bago napaisip.

Kung naaksidente ako, b-bakit buhay pa ako? Alam kong hindi lahat nakakaligtas sa ganoong trahedya, kaya p-paano?

“Sino ang nagdala sa akin dito?” natahimik ito at hindi kaagad nakasagot. Why? May alam ba siya na hindi ko alam?

“Jofe—” aalma pa sana ako nang sumagot ito.

“Si Aryana. S‘ya ang dala sayo dito.” si Aryana? Imposible.

B-Bakit niya ako tinulungan, e, hindi naman kami magkasundo ng isang ‘yon?

“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan, bro.” nag aakalang ani nito ng mapansing naguguluhan ako. “Maiwan na muna kita d‘yan, pupuntahan ko lang ang doctor mo.”

paalam nito bago tinapik ang balikat ko. Tinanguan ko lang ito. Hindi ko alam kung iniiwasan ba nito ang tanong ko or ano.

Nang maisarado nito ang pinto ay kinuha ko ang plato na may laman na mansanas na walang balat. Susubo na sana ako nang may mapansin akong babae na nakaupo sa isang sofa. Mahaba ang buhok nito na kulay brown at dahil nakatalikod ito ay hindi ko agad ito nakilala.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon