Chapter 36: Runaway

198 14 0
                                    


Felix Simoun POV

"Bro, sure ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Jofel habang tinutulungan ako sa pag i-impake. I decided to move in his condo habang wala pang gumagamit noon. Sa kanilang bahay kasi ito tumutuloy kaya napag-isipan kong manatili muna doon. Dahil sa mga nalaman ko no'ng nakaraan ay gusto ko munang magpakalayo-layo para makapag isip-isip.

Una, ang pagtatraydor ni Ashtan. Tapos ang sumunod naman ay ang kasalan ni Daddy na hindi ko inaasahang magagawa n'ya. He killed an innocents people for Pete's sake!

Naikuyom ko ang aking kamao nang maalala ko ang pag uusap namin.

*Flashback*

Matapos namin tumakas sa warehouse na iyon ay dumiretso agad ako kay Daddy para kwest'yonin ito.

Hindi ko rin inasahan na darating ang mga pinsan ko doon. Isa lang ang ibig sabihin noon, sinusundan nila ako.

"Dad!" tawag ko matapos pumasok sa aming mansion. Nagtatakang napalingon ito sa akin.
"Oh, Felix? What are doing here?"

"I'm here to talk to you, Dad." Pansin kong tumaas ang isang kilay nito.

"Ano 'yon?" tanong nito habang bumababa sa hagdan. Akmang yayakap ito sa akin nang umatras ako.

"Is that true, Dad?" dire-diretso kong tanong. Napansin kong natigilan ito bago nagtatakang tumingin sa akin.

"Ang alin, Felix?"

"That you killed innocents people? Including Aryana's parents?"

"W-What? H-How d-did know?" napabuntong-hininga ako bago ibinalik ang paningin kay Daddy.

"Ibigsabihin totoo nga, Dad?" napangisi lang ako. "Iyon ba ang dahilan kung bakit sunod-sunuran ka kay Mr. Hermes? Dahil ayaw mong maligwak ang sikreto ninyo?" hindi ito nakaimik kaya napahilamos ako sa aking mukha.

"D-Dad, because of you, someone betrayed me." pahina nang pahinang ani ko habang inaalala ang naging pag amin ni Ashtan.

"Syempre, hindi mo alam ang pakiramdam. Hindi mo alam kasi wala ka namang kaibigan, Dad!" dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng malakas na sampal mula rito.

"Show your respect! I'm still your father! Don't you dare to talk to me with that way!" napairap ako lang ako sa kawalan. "Ginawa ko lang ang dapat kong gawin para ma-protektahan ka. Hindi ko alam na may mga inosenteng tao na namatay no'ng araw na iyon.

"P-Protecting me from what? Stop making excuses, Dad!" singhal ko.

"Mula sa ating mga kaaway. Alam mo bang maraming gustong kumidnap sa'yo para gawing hostage? Palagi silang nakabantay sa labas ng school mo. May isang beses na sinundan nila tayo pauwi. Nagpaulan sila ng bala sa sasakyan natin kaya bumawi ako. Pinatamaan ko ang tulong ng isa sa sasakyan nila para hindi nila Tayo masundan pa. Nawalan ka ng malay that time kaya dinala kita sa Hermes hospital. Huli na rin nang malaman kong isa sa namatay sa aksidenteng iyon sina Cronus at Bless." pansin ko sa mukha nito ang pagsisisi pero hindi ko pa rin magawang maawa.

"Si Tomy ay hindi ko kaibigan. Pero tinulungan n'ya tayong matakas no'ng araw na iyon kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya."

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon