Chapter 9: Mr. Xelo

335 28 42
                                    


Dwayne's POV

Nang dumating ang dalawa sa headquarters ay parang pinag sakluban ng langit at lupa ang kanilang mga mukha nila. Napangisi na lang ako. "Oh, anong nangyari sa inyo?" tinitigan ko ang dalawa pero wala 'man lang sumagot sa tanong ko. "Nag away ba kayo?" dagdag ko pa kahit halata naman.

Lumapit sa akin si Ayan at inabot ang salamin n'ya. "Aanhin ko to?" takang tanong ko dito.

"Palitan mo nang bago." masungit na anito bago naupo na isang upuan na may isang dipang layo mula kay Fumiya. Ano bang nangyari sa kanila?

Ang hirap naman kasi ng hindi updated. Ini-off kasi ni Ayan at Fumiya ang earpiece nila, kaya hindi ko alam ang mga ganap kapag mag kasama sila. I smell something fishy.

Napailing na lang ako bago naupo sa harap nilang dalawa. "How's your first day?" tanong ko. Napatikhim lang si Ayan. "Wala ako masyadong nakuhang imporasyon, maliban na lang sa natuklasan ko ang kanilang tambayan." nakangising anito. "Kailangan kong mapasok iyon. Sigurado akong marami silang tinatago sa lugar na iyon." seryosong anito.

"Kakayanin mo ba?" sabay naming tanong dito. Ngumisi lang si Ayan. "Of course, ako pa. So, anong plano?" hindi agad ako nakapag isip. Napatingin kami ni Ayan kay Fumiya nang magsalita ito. "Kung ikaw ang papasok sa loob, then ako naman ang mag mamasid sa labas." suhestyon ni fumi mabilis na umiling si Ayan. "Nand'yan naman si Dwayne kaya hindi na kailangan." napatingin naman kaagad sa akin si Fumiya.

"Kung gano'n, anong gagawin ko?" nalalaking matang tanong nito.

"Umuwi ka na. We can handle this naman, right, Dwayne?" anito bago ako pinanglakihan ng mata. Nataranta naman kaagad ako. "A-Ahh o-oo." ngumiti naman kaagad nang malawak si Ayan. Tss

"Now, give my eye glasses." napakunot ang noo ko nang tumingin ito sa akin. "Huh?" takang tanong ko.

"Are you deaf? Where's my new eye glasses?" tumayo ito bago dumiretso sa closet kung saan nakatago lahat ng eye glasses ko.

"Kumuha ka na lang d'yan, kung anong magustuhan mo, edi kuhanin mo." nag-salute lang ito sa akin bago tumalikod. Sinenyasan ko naman kaagad si Fumiya na lumapit sa akin.

"Why?"

"May pag u-usapan tayo, mamaya ka na umuwi." mahinang bulong ko.

"Pero pa'no si Ayan?"

"Ano ka ba, mas malakas pa nga yata 'yon sayo e." natatawang aniko. "Sige na." Tinapik ko ang balikat nito bago sinundan si Ayan. Nang dumating makalapit ako ay tapos na itong pumili.

"Uwi na ako." paalam nito sa akin at hindi man lang lumingon sa gawi ni Fumiya. Agad ko namang pinalapit si Fumiya nang masiguro kong nakaalis na si Ayan. "What now?" medyo inis na tanong nito.

"Gusto mo tulungan si Ayan, right? I have a mission for you." nakangiting ani ko rito.

Tumaas ang isang kilay n'ya. "What kind of mission?"

"Kailangan mo'ng alamin kung saan pupunta 'yong tatlo." ani ko.

"Bakit naman?"

"Sundin mo na lang kasi. H'wag ka na umarte, okay? Hinayaan lang kita na makapasok sa mission na 'to dahil sa ex mo!" pangungumbinsi ko pa.

"Oo na, oo na. Sige na, aalis na ako." pagsuko nito bago tumayo. Napangisi ako bago tinapik ang balikat nito. "Salamat pre." tumango lang ito bago naglakad palabas.

Bumalik ako sa aking table at kaagad na hinarap ang aking computer. Kung saan nakikita ko na papaalis pa lamang sina Felix mula sa kanilang hideout.

Hi-nack ko kasi ang isang CCTV na malapit sa tambayan nila kaya nakikita ko sila ngayon. Maging ang mga CCTV na nakakabit sa mga highways.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon