Chapter 8: Clinic

352 34 36
                                    

Felix Simoun POV

Habang kumakain ay naramdaman ko'ng nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext. Napatingin ako sa dalawa nang mabasa ang text ni Daddy.

—Dad

Wilbert Xelo.
50. Druglord.
Add. XYZ resort.


Napangisi naman ako. Magpaalam ka na sa buhay mo Mr. Xelo.

Mabilis ko'ng tinapos ang pagkain at hinintay ang dalawa.

Wala si Daddy dito ngayon kaya bilang kanang kamay n'ya, ako muna ang gagawa ng dapat ay gawain n'ya. Alam kong para rin ito sa akin, para masanay ko ang aking sarili sa paghawak ng ganitong mga gawain. Alam ko kasing ako ang magiging Mafia Boss balang araw, kaya't hangga't maaari ay ayokong pumalpak sa aming mga misyon.


I am Felix Simoun Dela Fuego, 19 years old. Son of a Mafia Boss.

Dahil sa title na ‘yan, maraming takot sa akin simula bata pa lang. Well, yeah. Dapat lang.

Kami na lang ni Daddy ang magkasama ngayon. Si mommy at 'yong ate ko naman ang magkasama. Yes, we're broken family, that's why nahati kami. Ako, kay Daddy napunta, samantalang si Ate naman ay kay Mom. Kahit gano'n naman sitwasyon namin ay sinusuportahan pa rin ako ni Mommy kahit nasa malayo s'ya.

My Mom and Dad are still talking to each other. But now, it's not. Hindi na sila kagaya nang dati.

Nasa singapore sila ngayon and I don't know kung kailan siya uuwi. Dalawang taon kasi ang itinatagal ni Mommy doon bago umuwi dito sa pinas, hindi n'ya rin isinasama dito si Ate. Hindi ko alam kung nagustuhan na n'ya ba'ng manirahan doon, kaya hindi na s'ya umuuwi.

Naagaw ang pansin namin nang sumigaw si Kenshin. Mukhang kaharap na n'ya ngayon ang transferee. Napangisi ako bago tumayo at naglakad palapit sa gawi nila. Sumunod rin naman kaagad sa akin sina Jofel at Ashtan. Nang makalapit kami ay naabutan naming naglalakad na patalikod ang transferee at si Fumiya. Did they knew each other?

Napailing na lang ako nang hindi namin naabutan ang naging ganap. Tsk. Inaya ko na ang dalawa na lumabas sa Cafeteria.

Habang naglalakad ay kinulbit ako ni Jofel. "Saan tayo pupunta?" Lumingon muna ako sa paligid bago ito sinagot. "Hideout." napatango lang ito bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naglalakad kami sa loob ng kagubatan na parte pa rin ng school ay hindi ko maiwasang lumingon sa paligid. Naramdaman ko kasing may nakatitig sa akin mula sa malayo. Agad kong hinarap si Ashtan habang hindi pinapahalata ang napansin kong kakaiba.

"How's the CCTV?" umiling lang ito sa akin. "Hindi pa rin naayos ang nandito sa labas, pero ang nasa loob ay matibay at gumagana pa naman.

"All right." tinanguan ko lang ito. Napatigil ako nang makarating kami sa harap ng aming hideout. "Mauna na kayo." nagtataka 'man ang dalawa ay sumunod ang mga ito. Nilibot ko ang buong hideout, nang wala along nakitang kahina-hinala ay pumasok na ako sa loob. Nadatnan kong nakaupo ang dalawa sa malaking sofa habang naglalaro ng Mobile legends.

Pumalakpak ako ng isang beses bago ako umupo sa isang sofa na nasa harap nila. "Atention." humarap sila sa akin bago itinago ang kanilang mga phone. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at ipinakita ang text ni Dad. "May mission tayo ngayon." napangisi sila dahil sa narinig. "Ihanda niyo na ang gagamitin para mamayang hapon ay matapos na na'tin ito." napatango lang ang mga ito. "Aregalado."

Matapos ayusin ang mga baril na kanilang gagamitin ay tinawag ako ni Ashtan. "Mag sisimula na ang klase, kailangan na na'ting bumalik." tinanguan ko lang ito bago itinago ang aking baril.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon