Jofel's POV
Sabado ngayon at dahil walang pasok, napag-usapan naming tatlo na magkita-kita sa hideout. Tapos na kasi ang kaso ni Sir Gregor, kaya magpapatuloy na kami sa paghahanap kay Aryana.
Susmaryosep naman, oh. Kailan ba namin makikita si Aryana? Tss.
Napataas kaagad ang isang kilay ko nang makapasok sa loob. Hindi ko nakita ang dalawa kaya nagtaka ako.
Inilibot ko rin ang aking paningin sa paligid baka sakaling makita ang mga ito pero tiningnan ko na lahat ang bawat sulok ay wala talaga. Lagi na lang silang late. Psh!
Inayos ko muna ang mga nagkalat na papel sa sahig. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ganito dito, o sadyang nilipad lang ng hangin habang wala kami. Itatapon ko na sana ito sa basurahan nang may mapansin akong isang papel.
Nakadikit lang ito noon, ah? Bakit ngayon nasa sahig na? Tsaka nasaan ang litrato ni Mr. Xelo? Sa pagkakaalam ko ay may kutsilyo pang nakatusok dito. Inalis kaya nina Felix?
Busy ako sa paghahanap ng litrato nang marinig kong may bumusina sa labas. Napailing lang ako sa kawalan.
Bakit ngayon lang sila? Tss
Lumabas kaagad ako at sinalubong ang mga ito. Mamaya ko na lang itutuloy ang paghahanap sa litratong iyon.
“Kanina ka pa?” takang tanong ni Ashtan, tumango naman kaagad ako.
“E, kayo, saan ba kayo galing ha? Bakit ngayon lang kayo dumating? Nauna pa ako sa inyo. Psh.” nakangising aniko.
“May inasikaso lang.” tipid na sagot ni Felix bago naunang pumasok sa loob. Sumunod naman kaagad kami ni Ashtan dito. Nang makaupo sa kanyang pwesto si Felix ay naglakad ako papunta sa harap nito. Takang napatingin sa akin si Ashtan bago naupo sa couch.
“Bro, nakita mo ba ang litrato ni Mr. Xelo? ‘yong may kutsilyong nakatarak?” napatingin ito sa white board kung saan ito unang nakalagay. Tumaas ang kilay nito nang makitang wala roon ang tinutukoy ko.
Humarap kaagad ito sa akin. “Where is it?” napailing lang ako bago napaisip. Isa lang ang ibigsabihin noon, may nanloob sa amin. Pero sino naman kaya itong naglakas ng loob para pasukin ang hideout namin?
Kinuha ko ang note na may info ni Aryana at iniabot kay Felix. “Nakita ko itong nasa sahig kanina habang naglilinis ako.” takang kinuha niya iyon at tinitigan.
“May nakasulat sa likod.” kumento nito kaya lumapit kami ni Ashtan sa tabi nito at binasa ang nakasulat.
'Goodluck sa inyo! HAHAHA'
—A.H
What the hell...
Ibigsabihin ay alam niyang hinahanap namin s‘ya? Woah.
“So she already knows, huh?” nakangising anito bago pinunit ang papel na hawak at humara
“Jofel, can you check the CCTV footage?” utos nito sa akin, tinanguan ko naman kaagad ito at ginawa ang inuutos nito.
Nag tipa-tipa ako sa aking computer at pilit na hinahanap ang mga footage na kuha kahapon pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mabuksan. Napansin siguro ng dalawa ang reaksyon ko kaya lumapit ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Fiksi UmumThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?
