Chapter 28: Her Family

225 19 0
                                    


NAGISING ako sa malakas na doorbell na nagmumula sa labas. Kinusot ko muna ang aking mata bago tiningnan ang orasan na nasa aking tabi. Ala singko pa lang ng umaga. Sino naman kayang pupunta sa bahay ko sa ganitong oras?

Pagkalabas ko ng aking bahay ay wala akong naabutan. Mierda. Nilo-loko ba nila ako? Tss.

Akmang tatalikod na ako ng mapansin ko ang isang box na nakalagay sa gilid ng gate ko. Pinulot ko ito at tiningnan. Inalog-alog ko pa ito at napansin kong hindi ito magbigat. Kaya imposibleng bomba ito. May sulat sa gilid kaya binasa ko.

To: A. H.

Lahat ng hinahanap mo ay naririto.

-D. R.

Luminga-linga ako sa paligid bago ako pumasok sa aking bahay. Inilapag ko ito sa salas bago ako kumuha ng gunting para buksan ito. Naka-tape kasi ito nang sobrang higpit, halatang iniingatan ng kung sinong nagpadala nito. Hindi ko alam kung pero nakakaramdam ako ng kaba sa mga oras na ito.

Nakapikit kong inalis ang taklob ng kahon na hawak ko. At nang masigurado kong naalis ko na ito ng maayos ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Eh?

Paano nasabi ng nagpadala na ito ang hinahanap ko? Manghuhula ba s'ya?Tss. Puro mga lumang dyaryo lang naman ito. Ano na lang magagawa ko dit-

Car accident
September 19, 2010

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Nanginginig na rin ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang dyaryo. Napansin kong may papel itong kasama kaya kinuha ko iyon at binuklat. Nandito nga ang lahat. Ultimong pangalan nila ay kasama. Napangiti ako nang wala sa oras.

Nagawi ang paningin ko sa isang litrato kaya't kinuha ko iyon. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin dito. Bakit apat na tao ang nasa litrato? K-Kami ba ito? S-Sino ang batang lalaki na mas matangkad sa akin? Hindi kaya... may kapatid pa ako?

Pero bakit sa mga alaalang gumambala sa akin ay wala s'ya doon? Wala rin s'ya noong naganap ang aksidente. Ibigsabihin ay buhay ito? Buhay ang kapatid ko?

Matapos kong ligpitin ang mga laman ng kahon ay inilagay ko na ito sa aking kwarto bago naligo. Matapos kong gawain ang morning routine ko ay dumiretso na ako sa DFU gamit ang bike ko.

Hindi naman kasi pwedeng hihiramin ko na lang palagi ang car ni Dwayne. Kagaya ko ay pumapasok rin ito. Nakakahiya naman kung palagi ko na lang gagamitin ang sasakyan n'ya.

Nang maiparada ko si Uno ay sinigurado kong nakatali ito ng ayos bago ko iwanan. Mahirap na baka manakaw pa. Pero sa tingin ko naman ay walang ganoon dito. Mayayaman ang mga pumapasok dito, e. Malabong pag interesan nila ang bike ko na mumurahin lang. Pero syempre hindi pa rin dapat ako makampante.

Habang nasa daan ako papunta sa room namin ay napahinto ako nang marinig ang pinag-uusapan ng ABM Students.

'Guy's, alam niyo ba?'

'Ang alin?'

'Nakita na raw ang nawawalang anak ni Mr. Hermes.'

'Hala, seryoso?'

'Oo nga, saka alam mo bang sabi sa balita ay mahigit limang taon na itong nawawala.'

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon