KINABUKASAN ay kaarawan ni Felix kaya maaga akong nagising para bumili ng susuotin. Balak ko sanang bumili ng gift para sa kanya pero hindi ko na itinuloy. May naisip kasi akong magandang regalo para sa kanya.
Nang makauwi ako ay naligo akong muli at nagpaayos kay Mommy. Birthday ngayon ni Felix kaya dapat maging maayos ako sa paningin niya.
"Halika ka, anak. Aayusin ko ang buhok mo." hinayaan ko lang si Mom na ayusin ang buhok ko. Maging sa paglalagay ng make-up ay siya na din ang gumawa. Nang matapos ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Napanganga ako dahil sa ganda ng pagkakaayos sa akin ni Mommy. Hindi masyadong makapal ang make-up na inilagay n'ya kaya kumportable ako. Ang buhok ko naman ay ginawang kulot ni Mommy. Hindi ito ang unang beses na kinulot ang buhok pero para sa akin ay ito ang pinakamaganda.
Tinulungan ako ni Mom na isuot ang kulay pula kong cocktail dress. Palagi na lang daw kasing kulay itim ang isinusuot ko kaya sabi ni Mom na subukan ko daw ang unang kulay.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko." nakangiting ani ni Mom habang pinagmamasdan ang kabuoan ko sa salamin.
"That because you are my mother, Mom." nakangiting ani ko bagi niyakap ito. Mahinang natawa lang si Mommy.
"Sige na, bumaba ka na. Kanina ka pa hinihintay ng manliligaw mo. Ayie, enjoy kayong dalawa, ah." tumango lang ako bago humalik sa pisngi ni Mom. "Thanks, Mom." aniko bago ako nagpaalam umalis.
Nakangiting lumabas ako ng gate pero agad ring nawala nang bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki.
Akala ko Felix ang susundo sa akin?
Tiningnan ko naman agad ang kotseng nasa harap ko. Kay Felix iyon but where is he?
Nang mag angat ang paningin ng lalaking nasa harap ko ay agad na sumilay ang ngiti sa labi nito "Aryana." banggit nito sa pangalan ko. Matagal ko tinitigan ang mukha nito dahil hindi ko ito makilala.
"Hey, do you still remember me?" naniningkit ang mga mata nito nakatingin sa akin.
"You look familiar. But I can't remember kung saan kita nakita."
"Pfft. HAHAHAH" kumunot ang noo ko ng biglang tumawa ito.
"What?" may bahid na inis sa tanong ko. Anong nakakatawa doon?
"Bakit ganyan ang mga reaksyon niyo? Gano'n ba talaga kalaki ang pinagbago ko?" tanong nito pero hindi naman agad ako nakasagot. Paano ko sasagutin kung hindi ko nga s'ya makilala.
"It's me, Carbon." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"W-Whatttt?!" natatawang tumango-tango lang ito.
A
-Ano dawww? S-Siya si C-Carbon? Imposible!
"What happen to you? B-Bakit ganyan ang itsura mo? Nagpa-plastic surgery ka siguro 'no?" nanlalaki ang mga matang tanong ko rito.
"Why would I? Gwapo na nga ako tapos magpapa-gwapo pa ako? No way." napailing na lang ako sa kahanginan nito.
"Sumakay ka na. Kanina pa tayong hinihintay ni Felix doon." aya sa akin ni Carbon bago ako pinagbuksan ng pinto. "Thanks," ani ko. Tinanguam lang ako nito bago sumakay sa driver seat.
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
General FictionThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?
