Aryana's POV
MAAGA akong nagising dahil may lakad kami ni Felix. Inaya n‘ya kasi akong lumabas. Syempre pumayag naman rin agad ako. I don't know why, but these past few days I feel comfortable with him.
Maybe nararamdaman ko iyon dahil alam kong wala naman talaga siyang kinalaman sa aksidenteng nangyari noon. Tsaka alam ko din sa sarili ko na napatawad ko na siya.
Sinuklay ko ang aking buhok bago tumingin sa salamin. Tipid na napangiti ako bago pinagmasdan ang aking suot. Kagaya ng aking nakasanayan ay nagsuot ako ng dress na itim na tinernohan ng puting sandals na wala pang two inches ang taas ng takong. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito kaya hindi ako makapagsuot nang mataas gaya ng sinusuot ng iba.
Napatingin ako sa bintana nang marinig kong bumisina ang sasakyan ni Felix na nasa labas na ng aking bahay.
Mabilis kong isinukbit ang aking shoulder bag bago muling pinagmasdan ang sarili salamin. Nang makuntento ako ay bumaba na din kaagad ako.
Pagkalabas ko ay agad kong pinagmasdan ang suot ni Felix. Hindi pa nito ako napapansin dahil nakatingin ito sa kanyang relo na siya namang nakadagdag ng ka-gwapohan dito. Nakapolo itong kulay pink na bukas ang dalawang botones sa taas at may nakasabit din na sunglasses sa polo nito. Sa pang-baba naman ay fitted na short na hanggang taas ng tuhod lang. Napangiti ako dahil sa kasimplehan nito.
Saan kaya kami pupunta?
Kung alam ko lang sana na ganito ang susuotin niya, edi sana nag pantalon na lang ako. Pinilit kasi ako ni Mommy na mag dress daw. Hindi naman ako makatanggi kasi si Mommy ‘yon, e. Wala akong magagawa kung hindi sundin ang utos n‘ya. Tsaka sabi din ni mom ay normal lang na mag-dress kapag may date ang isang tao.
Hindi ko kasi naranasan ito noon, e. Kung ano kasi ang gusto kong suotin ay isinusuot ko. My body, my rule.
Naalala ko tuloy kung paano nito ano inaya bago sila umuwi.
*Flashback*
Inihatid ko na sa labas sina Felix dahil u-uwi na raw sila. Saglit akong napatigil sa paglalakad ng magsalita ito.
“Aryana.”
“Hmm?” nilingon ko ito ng tawagin n‘ya ako. Uuwi na kasi sila kasi baka raw malasing pa si Jofel at kung ano pang nangyaring hindi maganda. Na-trauma siguro siya sa nangyari sa kanya.
“Ano 'yon, Felix?” pag u-ulit ko.
“Pwede ba kitang ayain sa sabado na lumabas?”
A-Anong ibig niyang sabihin? Lumabas saan?
“Don't worry, it just a friendly date.” napatango-tango na lang ako ng makuha ko ang gusto n‘yang sabihin.
“Sure, why not?” tipid na ngiting sagot ko.
“See you, then.”
“Sige, mag i-ingat kayo.” ngiti lang ang isinukli nito bago tuluyang sumakay sa kanilang sasakyan.
*End of flashback*
“You okay?” tanong nito na ikinagulat ko.
“Ha?”
“Are you okay? Kanina ka pa kasing nakatulala d‘yan, e.” tipid na umiling-iling lang ako. Umayos ka nga, Aryana.
“Ah, hehe. Pasensya na, may naalala lang.” nahihiyang sagot ko bago napakamot sa aking batok.
![](https://img.wattpad.com/cover/199067812-288-k985639.jpg)
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
General FictionThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?