Chapter 23: Spying

207 15 2
                                    

Aryana's POV

Isang linggo na ang nakaraan matapos malaman ko ang lahat tungkol sa nangyari 10 years ago.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nalaman.
Hindi rin ako pumasok ng isang linggo dahil mas inuuna kong mag research. Sa mga dyaryo at sa internet.

Lahat ng article na may kinalaman sa aksidente 10 years ago ay binasaba ko. Nagbabakasakaling may makukuha akong impormasyon ukol sa nangyari sa mga magulang ko. Pero sa lahat ng binasa ko, ay wala akong nakita.

Nakakapanghina.

Imposibleng walang naging balita noong naganap ang aksidente 10 years ago. Dahil kung mayroon ‘man, paniguradong Mr. Hermes na naman ang may kagagawan kung bakit nawala ito.

Tumigil muna ako sa paghahanap at lumabas ng aking bahay para naman makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na kasi akong nagiging busy these past few days dahil dito.

Napangisi ako nang buksan ko ang pinto.

Mabuti naman at wala si Aris sa harap ng bahay ko. Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong may nakapaligid sa bahay ko ay natatakot ako na baka ito ang targetin ng mga kaaway ko. At mas malala pa doon ay matulad ito sa nangyari kay Sir Gregor.

Anyway, I always wear my eye glasses and black cap tuwing lumalabas ako ng bahay. Para kahit papaano ay matakluban nito ang totoong itsura ko at nang sa ganoon ay walang makakakilala sa akin.

Namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa bahay nina Aris. Ano bang mayro’n sa bahay na ito at lagi na lang ako dito dinadala ng mga paa ko?

Napailing-iling na lang ako at nag patuloy sa paglalakad. Lalampasan ko na sana ang bahay nina Aris nang may mapansin ako sa di kalayuan. Is that Felix?

Napataas ang isa kong kilay nang mapagtanto kong siya nga. Anong ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko ay sa next subdivision pa ang kanila?

Tahimik na nilapitan ko ito. Nakatalikod ito ngayon kaya hindi nito napansin ang paglapit ko. Takang pinagmasdan ko ang ginagawa nito. Tinitingnan kasi nito ang paligid na animo'y sinisiguro kung may nakasunod ba sa kanya. Tss

Nagmumukha lang s‘yang stalker sa ginagawa n‘ya. Dahil gaya ko ay may suot din itong eye glasses. Pero ang kaibahan lang ay hindi rito bagay.

“What are you doing here?” mahinang tanong ko. Hindi ‘man lang ito natinag sa presensya ko.

Napangisi lang ako. “Are you following me? Huh?” kasi kung tutuusin ay parang ako nga sinusundan nito. Pero ayaw ko rin naman agad maging advance mag isip. Naninigurado lang.

“Dream on.” nakangising anito.

“Then, why are you here?” hindi agad ito nakaimik sa tanong ko. Napataas ang isang kilay ko nang may narinig kaming ingay mula sa loob ng bahay. At habang patagal nang patagal ay lumalakas ito. Kung hindi ako nag kakamali ay boses ito ng isang babae.

At hindi nga ako nagkamali dahil lumabas ang isang babae na may katawagan sa kanyang phone. Dahilan kung bakit hindi nito kami napansin.

Pinakatitigan ko ang babae mula sa malayo at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito.

“Is that Karyll—

Kaagad tinakpan ni Felix ang bibig ko at mabilis na hinila para makapagtago sa likod ng isang puno. Mukhang narinig ni Karylle ang sinabi ko kaya lumingon ito sa gawi namin kanina. Mabuti na lang hindi kami nito nakita.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon