ContinuationMATAPOS nitong tahiin ang sugat ko ay inutusan ako nitong magpahinga muna. Inihatid ako nito sa isang guest room bago nagpaalam na umalis. Hindi ko na rin itinanong kung saan ito pupunta. Why would I? Hindi naman kami katulad ng dati na sobrang close talaga. 'yong tipong kapag aalis ang isa ay magpapaalam pa. But now, it's different.
Saglit pa akong napatulala sa kawalan at inaala ang napag-usapan namin ni Carbon kanina.*Flashback*
"So, kailan mo nalaman ang totoo?" tanong ko dito. Tapos na nitong kagamutin ang sugat ko kaya nagkaroon kami ng oras para makapag-usap.
"'yong nag sinungaling ka at sinabi mong napako ka sa pader."
Napatango-tango lang ako. "Matagal na rin pala." kumento ko.
"Tsaka hindi naman iyon ang pakay ko, kaya kahit alam ko na ang totoo na ikaw si Aryana ay hindi ko sinasabi kay Felix ang nalalaman ko. Gusto kong siya mismo ang makatuklas ng pagkatao mo." napatango na lang ako.
"So bakit si Karylle ang kinidnap ninyo?" takang tanong ko. Kung alam n'ya palang ako si Aryana bakit idinamay niya si Karylle?
"Hindi ko alam na ang tinutukoy pala nilang Arian ay si Karylle. And besides, hindi rin nila ako isanama sa pagpa-plano kaya wala talaga akong kaalam-alam alam." mabagal na napatango lang ako.
"I see. So anong plano niyo ngayong alam na ni Felix ang lahat?"
"I want to kill him. The way how his father killed my parents. B-But I'm still thinking if I can do it."
"What are you hesitating for?"
"I don't know if my parents will be happy if they see me killing someone for their sake. Kilalang mababait na tao ang magulang ko, kaya ayaw kong ako ang maging dahilan kung bakit papangit ang tingin ng mga tao sa kanila." sabagay, may punto siya.
"I see. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo na gawin ang isang bagay na hindi mo kayang gawin." tipid na sagot ko.
"Ikaw, anong plano mo?" saglit akong natigilan sa tanong nito. Ano nga bang plano ko?
"Siguro hinihintayin ko munang mapatalsik si Mr. Hermes sa kongreso, at pagtapos noon ay maari ko nang isunod ang ama ni Felix." sagot ko at bahagyang napatango naman ito. Saglit kaming natahimik, pero kaagad ding nabasag nang magtanong ako ulit ako.
"Maaari ko bang itanong kung kailan ka nagsimulang mabuhay sa pangalang Ashtan William?" ngumuti ito ng palihim bago sumagot.
"When I was grade 7. Palagi akong nasa labas ng gate nina Mr. Dela Fuego no'ng namatay ang mga magulang ko. Umaasa na may gagawin s'ya, but then, natapos ang araw na hindi n'ya 'man lang ako pinakinggan." anito habang pinaglalaruan ang hawak na keychain.
"Sa lugar na iyon may taong hindi ko inaasahang lalapit sa akin. Kinupkop nila ako at itinuring na sariling anak. Walang anak ang mga ito kaya inampon nila ako. Sila rin ang nag pangalan sa akin ng Ashtan." nakangiting ani ito habang binabalikan ang kanyang nakaraan.
I simply nooded. "I see, continue."
"Last year lang ako umalis sa puder nila. At bago 'yon, inamin ko sa kanila ang totoo na hindi talaga ako isang pulubi. Nagulat sila noong una pero sa huli ay natanggap nila."
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Narrativa generaleThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?