Chapter 15: His Men

261 17 0
                                    


Aryana's POV

Kinabukasan ay ala singko pa lang ng umaga ay nasa school na ako. Pero bago 'yon, ay dumaan muna ako sa bahay nina Dwayne.

*Flashback*

"Ang aga mo ngayon ah? Himala." natatawang bungad nito sa akin pag kapasok ko pa lang sa kanilang bahay. Dumeretso ako sa couch at naupo. Sumunod din naman ito bago naupo sa harap ko.

"Let's get straight to the point." ani ko. "Ayokong maparusahan na naman dahil sa pagiging late" napatango lang ito.

"Okay, okay. Btw sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo kahapon. Tumawag sa akin si daddy e. Okay ka lang naman siguro ano?" paliwanag nito kaya tumango ako bilang sagot.

"So ano nga pala ang gusto mong sabihin?" tumikhim muna ako bago ito sinagot. "Pwede ko bang itigil na ang i-imbistiga sa tatlo? At mabuhay na lang nang normal na estudyante?" kumunot ang noo nito.

"Bakit naman biglang nagbago ang desisyon mo? I thought gusto mong malaman ang mga sekreto ng tatlo?" saglit akong napaisip sa sinabi nito.

"Alam na natin ang sekreto nila di'ba? Mga mafia sila, mga mafia na gumagawa ng mga illegal na gawain sa bansa natin." ani ko bago napahilamos sa aking mukha.

"Akala ko ba ay gusto mong iganti ang mga kaibigan mo sa mga pumatay sa kanila?" tama s'ya, isa talaga sa misyon ko ang ipaghiganti sila pero...

"Hindi ko alam kung may kinalaman sina Felix sa pagpatay sa mga kaibigan ko. Kaya hangga't maaari, gusto ko munang malaman kung may kinalaman ba sila ba o wala. At kapag napatunayan ko na may kinalaman sila, ako mismo ang tatapos sa buhay nila." napatango lang si Dwayne.

"If that's what you want, sige. Hahayaan na kita. But make sure na kapag may plano ka, h'wag mong kalimutan na sabihan kami tungkol doon, maliwanag? We will help you." nakangiting anito.

Matapos ang pag uusap namin ay nag paalam na ako dito. Tinapik ko ang balikat nito bago naglakad papalayo.

*End of flashback*

Naalala ko na naman kung paano kami hinabol nang mga lalaki kahapon. Sino ba ang mga 'yon? Tsk.

Napatigil ako sa paglalakad at nilibot ang paningin sa paligid. Naramdaman ko kasing may nagmamasid sa akin mula sa malayo. Napatingin ako sa grupo ng mga naka itim, nagtago ang mga ito nang makitang nakatingin ako. Napailing na lang ako bago tumalikod.

Kaagad nanlaki ang mata ko nang makitang nagpaulan sila ng maraming palaso papunta sa gawi ko.   Dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi kaagad ako naka iwas kaya nadaplisan ang aking braso. Mierda!

Napahawak ako sa aking braso dahil sa sakit. Salubong ang kilay kong nilingon ko ang mga pumana sa akin, pero hindi ko na sila naabutan. Damn! May araw din kayo sa akin.

Nilingon ko naman ang palasong  ginamit nila sa akin. May nakatali na papel sa dulo nito, kinuha ko naman ito at pinagmamasdan. Isang sulat?

Binuksan ko ito at binasa.

'Para 'yan sa ginawa mo sa boss namin. Ngayon pa lang ay ingatan mo na ang mga taong nakapaligid sa iyo. Mag dasal ka na, Miss Aryana.'


-X.M.


Naikuyom ko ang aking kamao dahil inis. So alam rin nila na ako si Aryana? Tsk.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon