Chapter 35: Corruption

198 13 1
                                    

Nagising ako nang naramdaman kong nag vi-vibrate ang phone ko. Kinusot ko muna ang aking mata bago kinuha ang phone sa ilalim ng aking unan.

Dwayne is calling...

Kahit antok na antok pa ay sinagot ko ito. "What?"

"Hindi talaga uso sa'yo ang greet muna, ano nga?" napairap ako sa kawalan bago sumandal sa headboard

"Can you please be straight to the point? I need to sleep more, Dwayne." angal ko dito. Nagawi ang paningin ko sa wall clock na nakasabit sa aking kwarto. It's 5:50 am pa lang

Natatawang napatikhim lang ito. "Paniguradong hindi ka na makatulog sa ibabalita ko."

"Bakit ano ba iyon?"

"Si Mr Hermes, laman ng balita ngayon. Kaya ano pang hinihintay mo d'yan? Panoorin mo na." anito bago pinatay ang tawag. Pfft. Alam n'ya sigurong bababaan ko siya kaya inunahan na niya ako.

Napabangon ako at kaagad na binuhay ang TV.

"Magandang umaga po, ako po si Syna olize at nandito po ako ngayong umaga para pag usapan si Mr. Tomy Hermes ukol sa mga issue nito."

"Kamakailan lang ay kumalat ang usap-usapan na natagpuan na ang nitong babae na si Aryana Hermes. p
Pero may isang estudyante from their school ang nag-send ng video sa ating programa. Ipinakita dito ang naging usapan ng mag-ama at nalaman nga naming hindi n'ya nito tunay na anak. Lumabas din na kinidnap nito si Aryana noong bata pa."

"Kasalukuyan pong inibistigahan ito ng mga pulisya dahil sa kaso nitong kidnapping and robbery. Nakaraan lang po ay nakataggap kami ng petition mula sa mga mag aaral ng Golden State University na inirereklamo ito. Sinabi doon na ang mga tuition ng bawat estudyante ay tumataas, samantalang wala 'man lang nagbabago sa paaralan. Doon pumasok ang usapin na kinukuha nito ang mga pera ng mga estudyante. Marahil ito ang dahilan kung bakit sobrang yaman niya ngayon. Dahil bukod sa kumpanya nito ay may iba pa pala siyang pinagkukunan ng pera. Sa ngayon po ito lamang ang aking maibabalita. It's me again, Syna olize nag babalita. Magandang umaga." napangisi ako matapos panoorin ang balita.

Hindi lahat ng mukhang inosente ay inosente talaga. Look at Mr. Hermes, he had a billion tons of money but half of them are from the tuition fee of the students. Tsk!


Bumangon na akong tuluyan at ginawa ko ang morning rituals bago lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa aking garahe para kuhanin si uno. Medyo malayo ang headquarters namin pero kakayanin kong makarating gamit ang aking bisikleta.

"D'yan ka pala sakay dapat nag pasundo ka na lang, Ayan." bungad sa akin ni Dwayne nang makarating ako. Iginarahe ko muna sa gilid si uno bago ko ito sinagot.

"Ayoko naman mang-gambala pa ng ibang tao kaya nagtiis ako sa bisekleta ko. Hindi katulad mo." ani ko dito, mas diniinan ko talaga ang word na gambala. Psh.

Pagkapasok ko sa loob ay nilingon ko agad si Kaito na nagluluto sa kusina. Topless ito at tanging apron lang ang nakatakip sa katawan nito. Napaiwas na lang ako ng tingin doon bago dumiretso sa dining area. "Kaito, anong ulam?"

"Adobo," tipid na sagot nito. Hinanap naman kaagad ng mata ko si Kenshin. Natagpuan ko itong nag papatuyo ng buhok habang nanonood ng TV.

Wait... K-Kailan pa nagroon ng TV dito?.Don't tell me binili n'ya din 'to? Tsk!

"I guess that's the reason why he didn't let me to study in our school. He didn't want me to know his wrongdoings." wala sa sariling ani ni Kenshin habang nakatutok sa panonood. Bahagya kong ibinaling ang paningin sa pinapanood nito. It's about Mr. Hermes. Kasalukuyan itong hawak ng mga pulis habang nakapalibot rin dito ang ilang reporter na pilit itong tinatanong. Hindi pa kami tapos ang manood nang patayin ni Dwayne ang TV.

"Mamaya na 'yan, Kumain na muna kayo baka ma-late pa tayo." tinanguan lang namin ito bago sabay na naupo sa hapag. Pupuntahan namin ngayon si Mr. Hermes sa presinto. Gusto kasi naming makita ang reaksyon nito kapag nakita n'ya kami. Paniguradong mag i-init iyon sa galit.

"Ubusin ninyong lahat 'yan, ha." sarkastikong ani ni Kaito habang nakatingin sa dalawa na ang bibilis kumain. May paligsahan bang nagaganap? Tsk. Napailing-iling na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain

"Ayan, paabot naman ng tubig." utos ni Dwayne. Nailapag ko ang aking kubyertos bago tiningnan ito. "Yah! May kamay ka, di'ba?" nakangusong tumayo lang ito at kumuha ng tubig sa ref.

MATAPOS kumain ay nag gayak na kami para sa pupuntahan.

"Dito na ba?" tanong ni Dwayne nang makarating kami sa police station. Napairap ako sa kawalan bago lumabas. Ngayon ay wala akong suot na disguise. Hindi ko na kailangan pang magtago. Alam na ng lahat ang tungkol sa akin. Para saan pa kung susuotin ko ito, di'ba?

Nakasalubong ko ang pulis na humawak ng kaso ni Mr. Gregor noon. Nginitian ko bago tumango. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Napansin kong tumigil rin ito sa paglalakad bago humarap para sana kausapin ako. Hindi natuloy iyon dahil tinawag na ito ng kanyang mga trabaho.

"Dranreb! Ano pang hinihintay mo d'yan? Tara na!" kumaway lang ito sa akin bago tumakbo palapit sa mga kasamahan n'ya.

Maya-maya lang ay lumabas ang mga pulis kasama si Mr. Hermes. Napahinto ito sa paglalakad nang makita ako. May sinabi ito sa mga pulis na nakahawak sa kanya para bitawan ito. Hinayaan ito ng mga pulis pero nakasunod pa rin ito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong nito. Tipid na napangisi lang ako.

"Dinadalaw ka?" lalo itong nainis at akmang susugod na sa akin nang pigilan ito ng mga pulis.

"Are you happy now?"

"Yes." nakangising kong sagot dito. Lumapit ako rito bago binulungan. "Babagsak ka rin naman pala, bakit pinatagal mo pa?" dagdag ko kaya mas lalong pinanlisikan nito ako ng mata. Napalingon ako sa aking likod ng makitang makatayo doon si Kenshin. Naluluhang tumingin si Mr. Hermes sa kanyang anak. Akmang yayakapin na sana nito si Kenshin nang humakbang ito paatras.

"From now on... I'm not your son anymore."

"K-Kenshin..."

"Huwag kang umasa na sa pagbalik mo ay may babalikan ka pa, Dad. Sinira mo ang tiwala namin. At hindi ko kayang makasama sa isang bubong ang taong may utak kriminal." nanginginig na ani nito. Tinapik ko ang balikat nito para pakalmahin.

"I'm really sorry." mga huling katagang nasabi ni Mr. Hermes bago ito hinila ng mga pulis.

Mr. Hermes down, susunod ka na Mr. Dela Fuego. Hindi ako makakapayag na hindi ka rin babagsak kagaya niya. Hahanap at hahanap ako ng butas para bumagsak ka.




***


Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon