Chapter 7: Kaito

396 33 47
                                    

Aryana's POV


HINDI kami close ni kenshin pero bakas ang galit nito sa mukha kapag kinakausap niya si Kaito. Hindi ko alam kung saan nangagaling ang galit niya. Pagkalabas namin sa cafeteria ay dumiresto kami sa likod ng lumang building at hindi sa clinic.

Tinanggal ko naman kaagad ang pagkakapit sa akin ni kaito nang makarating kami. Akala ko ay wala nang magsasalita sa aming dalawa, akala ko lang pala. Nakangiting humarap sa akin si Kaito. "Pwede ka na pala maging artista."

"Natural, maganda ako e." tinapunan ko ito nang masamang tingin nang tumawa ito. Napailing na lang ako bago naupo sa ugat ng puno ng narra. Tipid akong napangiti habang nakatingin sa malayo. Nakakamiss mag aral. I mean, pumasok sa paaralan.

Naramdaman ko'ng umupo si Kaito pero may isang dipang pag-itan ang layo namin. Good.

Nailingos ko ang paningin ko dito nang may naalala ako. "Bakit nga pala galit sayo ang kapatid ko?" diretso lang itong nakatingin sa harapan kaya tiningnan ko din ang tinitingnan n'ya. Nakita ko mula rito ang mga naglalaro ng baseball.

Naagaw niya ang atensyon ko nang tumikhim ito. "Ang alam nila ay ako ang dahilan kung bakit ka naglayas." anito.

Walang alam ang pamilyang Hermes kung bakit ako naglayas, no'ng nalaman siguro nilang nagbreak kami ni Kaito, doon siguro pumasok sa isip nila na 'yon ang dahilan kung bakit ako naglayas. Sa totoo lang ay wala silang alam na alam ko na ang totoo, na hindi ako tunay na anak ni Mr. Hermes

"Ah, kaya pala." Patango-tangong aniko.

"Pero Ayan, ano nga ba ang dahilan? Bakit ka naglayas?"

"Sa akin na lang 'yon." walang emosyong aniko. Napabuntong hininga na lang siya bago tumayo mula sa kinauupuan. Nagpaalam itong mauuna na dahil may klase pa daw s'ya, tinanguan ko lang ito. Ngumiti s'ya sa akin bago naglakad papalayo.

Naalala ko no'ng elementary kami, gano'ng ngiti din ang binibigay niya sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago.

Hanggang ngayon pa rin kasi ay mag ka-buntot pa rin ang dalawa, hindi na yata mapaghihiwalay ang mga 'yon. Tss

*Flashback*

Recess ngayon kaya naisipan kong lumabas sa aming silid habang dala dala ang aking Lunchbox. Sa labas kasi mas masarap kumain, lalo na kapag may kasama.

Maglalakad na sana ako papunta sa mga kaklase ko nang biglang may bumangga sa akin, natumba ako dahil sa lakas ng pagkabangga at ang pagkain ko ay napunta na lahat sa lupa.

Nag umpisa nang bumuhos ang aking luha. Ang c-carbonara ko...

Napatingin ako sa mga bumangga sa akin, nagtatawanan ang mga ito kaya sinamaan ko ito ng tingin pero hindi pa rin sila tumigil. Mas lalong lumakas ang pagtawa niya, kaya naagaw namin ang atensyon ng karamihan.

Napatigil ako sa pag iyak nang may natanaw akong papalapit na bata sa gawi ko.

"HOY! ANONG GINAGAWA NYO HA?!" sigaw no'ng medyo kulot ang buhok.

"BAKIT KAYO NAGPAPAIYAK NG BABAE? HA? BAKLA BA KAYO?!" sigaw no'ng medyo singkit, napatingin naman ito sa akin at sa pagkain ko na ngayo'y nasa lupa na. Umiling iling lang ito. Natakot ang mga bumangga sa akin kaya kami na lang ang naiwan dito. Lumapit silang pareho sa akin at inalalayang tumayo.

"Okay ka lang?" nakangiting tanong sa akin no'ng medyo singkit. Inalalayan kaagad ako nitong makatayo.
"S-Salamat." nahihiyang aniko.

"Wala 'yon, basta ikaw." anito bago ginulo ang buhok ko. Ayaw ko pa naman sa lahat ay ginugulo ang buhok ko, pero hindi ako nagreklamo nang gawin iyon ng batang singkit na kaharap ko.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon