Chapter 4: Mission

595 47 78
                                    

Aryana's POV

Nang makarating kami sa harap ng bahay nina Dwayne ay hindi agad ako pumasok. Sinamahan ko itong dalhin ang aming bisekleta sa kanilang garahe. Pabalik na sana kami sa tapat ng bahay nila nang biglang nag-vibrate ang phone nito. Nagkatitigan kaming pareho bago s‘ya napakagat pa sa kanyang ibabang labi.

Tss, mukhang alam ko na kung bakit ganoon ang reaksyon n‘ya.

Sinenyasan ko lang itong sagutin ang tawag. Huminga muna ito nang malalim bago kinausap ang nasa linya.

Inilagay ko ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ko habang hinihintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

“Yes, Mr. Hermes?” bungad ni Dwayne sa kausap. Sinenyasan ko din itong i-loudspeaker ang phone n‘ya para marinig ko ang pag u-usapan nila.

Oh, hello. How are you, Denwei Son?

I'm fine, Mr. Hermes. How about you?pagsagot nito bago ako tiningnan. Pinakinggan ko lang ang sunod nitong sasabihin dahil alam ko‘ng hindi ito tatawag nang walang dahilan.

“I‘m fine too. By the way, mayroon nga pala akong gustong itanong sa‘yo.”

“Ano po ‘yon, Tito?”

“Nakita mo ba ang anak ko? Or do you have her contact number?” tanong ni Mr. Hermes.


“No, Tito. Matagal ko na po s‘yang hindi nakikita. ” pag sisinungaling nito.


“Wala din po akong contact number niya. Dahil kung mayroon ‘man po ay na-send ko na po iyon no'ng una pa lang. dagdag pa ni Dwayne.

Nagpasalamat lang si Mr. Hermes bago pinatay ang tawag. Nilagay na ni Dwayne ang kanyang phone sa bulsa bago humarap sa akin.  “You okay?” tanong nito. Tumango lang ako para sabihing ayos lang. Bakit ba mag papaapekto pa rin ako, e, nangyari na nangyari.

Naunang pumasok sa kanilang bahay si Dwayne kaya naman sumunod lang ako dito. Binuhay din nito ang ilaw dahil sobrang dilim sa paligid. Ilang beses ko ring inilibot ang paningin pero walang ni isang tao akong nakita. Mukhang walang tao dito maliban sa amin, ah?


Mukhang napansin naman ni Dwayne ang ginagawa ko kaya nilingon ako nito. “Wala dito sina mommy.” sagot nito na parang nabasa ang laman ng utak ko. Npatango-tango lang ako. Nasa ibang bansa pa din pala ang mga magulang niya.


“Yung mga maid n‘yo” tanong ko. Wala din kasi akong nakikita na maid sa sumalubong sa amin.

“Day off nila lahat” takang napalingon ako dito. “So, it means tayo lang ang tao dito?” ani ko bago napalunok. Napangisi lang ito sa isang gilid.

“Maliligo muna ako, Ayan. Kung nagugutom ka naman ay maraming pagkain sa ref. Kumuha ka na lang ng gusto mo.” Ani nito bago dumiretso sa second floor. Naiwan lang akong mag isa dito sa may sala. Habang nakaupo ay pinagmasdan ko ang loob ng kanilang bahay.

Ilang taon na din simula nang huling makapunta ako dito. Maraming nag bago, mula sa pintura at mga disenyo nito na lalong gumanda.

Napansin ko ang laptop ni Dwayne na nakapatong sa lamesang nasa harap ko. Bukas iyon kaya tiningnan ko. Napakunot ang aking noo dahil bumungad sa akin ang litrato ng tatlong lalaki na nakita ko kanina.

Bakit may ganito s'yang pictures?

Napatigil ako nang marinig ang paghakbang ni Dwayne pababa ng hagdan. Naglalakad ito habang nagpapatuyo ito ng kanyang buhok gamit ang isang puting tuwalya.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon