Aryana's POVKinabukasan ay nagulat ang lahat nang makitang naka garahe ang kotse ni Sir Gregor sa parking lot. Nagtakbuhan rin ang ilan para salubungin at kamustahin ito. Maging ang mga kasamahan nitong guro ay lumapit rin sa gawi n‘ya.
Napangiti na lang ako sa nakita.
Mabuti naman at ayos na ulit si Sir Gregor.Nginitian ko lang si Sir Gregor nang magtama ang paningin namin. Tumango lang ito bago ko nilampasan.
Dahil sa pagbabalik nito ay parang bumalik sa sigla ang Dela Fuego University na ikinatuwa naman ng lahat. Sa ‘di kalayuan ay may napansin akong pamilyar na bulto. Naglakad ako papunta sa gawi noon at palihim na sinundan. Nang humarap ito sa gawi ko ay halatang nagulat ito sa presensya ko.
“What are you doing here?” takang tanong ko kay Ashtan bago inilipat ang paningin sa bakod na malapit sa Gym. Dito ako nagmula kanina kaya nakaramdam ako ng kaba. May alam kaya s‘ya?
“Hmm nothing, I'm just curious.” napataas ang isang kilay ko sa sagot nito.
“Curious of what?” I asked.
“Curious of your real identity. Sino ka nga ba talaga, Akhira?” hindi kaagad ako nakasagot. Bakit ang bilis naman yata nitong makaramdam? Mierda.
Tumikhim ako bago hinarap ito. “Ako si Akhira Montefiore. Ano pa bang gusto mong malaman?”
“Kung nagsasabi ka nga ba ng totoo.” ani ng isang tinig mula sa aking likuran. Gulat na inilipat ko rito ang paningin ko. Walang reaksyon ang mukha nito habang naglalakad papunta sa tabi ni Ashtan. Pairap ko namang inalis ang paningin ko dito.
“What do you mean?” tanong ko, napaismid lang ito.
“Let's just say na kung ano ‘man ang tinatago mo, malalaman at malalaman din namin iyan. Kaya huwag kang magpakampante, Akhira.” paalala nito bago nila ako talikuran. Naikuyom ko ang aking kamao sa inis.
***
Pumasok na ako sa room namin at naupo sa aking upuan. Si Sir Gregor ang teacher namin ngayon. Hindi kaagad ito nakapagklase dahil i-ninterview pa ito ng mga kaklase ko.
“Sir, kamusta po pakiramdam niyo?”
“Nakakatulog po ba kayo ng ayos?”
“Masakit pa po ba?”
“Oo, ayos na ako ngayon.” nakangiting sagot nito sa mga nagtanong.
“How about your case, Sir?” a boy with piercing asked.
Mag iisang buwan na ako dito pero hindi mo pa rin alam ang pangalan nila. Do I need to memorize it? Nah, wasting of time.
“Naging maayos naman ang kaso at nadakip na rin ang may gawa. Thanks to someone.” bahagyang napalingon ito sakin. Tinanguan ko lamang ito at nag iwas ng tingin.
Did Tito Denwei tell him the truth? Or I'm just imagining things? Aish.
Matapos ang interview ng mga kaklase ko ay nagsimula na itong magturo.
Halos wala akong maintindihan sa mga itinuro nito. Lumilipad ang utak ko at kung saan-saan na nakakating dahil sa pag iisip. Mukhang dumadami na ang nakakakilala sa tunay na pagkatao ko, a? Mukhang hindi maganda ito.
Pagdami nang nakakaalam ay pagtaas ng tyansa na malaman ito ni Mr. Hermes.
Napabalik lang ako sa realidad nang sabihin nitong ‘Class dismissed’
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Ficción GeneralThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?