Chapter 40: Accident

220 17 2
                                    


Aryana's POV
  

  
MATAPOS kong basahin ang nakasulat sa papel na iyon ay tumakbo na ako palabas. Nakalimutan ko na ring mag paalam pa dito. What for? Tss.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maipaliwag ng maayos.

Kung sa patay ay biglang tumibok ang puso at muling nabuhay. Weird, pero ganoong pakiramdam ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.

Mas lalo ko pang bilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan na minamaneho ko.

Eto na 'yong pagkakataon na makakasama ko sila at masasabing buhay ang anak nila, sasayangin ko pa ba?

Nasa pagliko na ako nang may rumaragasang sasakyan ang sasalubong sa gawi ko. Mabilis kong naiiwas ang aking sasakyan at itinigil sa gilid. Dahil sa malakas na pag preno ay muntik nang tumama ang ulo ko sa manubela mabuti na lang at naka-seatbelt ako.

Aish, mierda! Nakainom pa yata ang driver ng sasakyan na iyon. Tsk!

Bakit ba may mga ganoong tao? Nag mamaneho kahit lasing? Pwede naman silang umarkila ng chauffeur kung hindi talaga nila kaya. Para naman hindi na sila makaperwisyo pa.

Binuhay ko na ulit ang makina ng aking sasakyan at akmang aalis na nang makita ko sa side mirror ang pag bangga ng kotse sa isang puno.

Iyon 'yong sasakyan na muntik nang bumangga sa akin.

Napahilamos ako sa aking mukha bago lumabas sa aking kotse para tingnan ang sasakyan na iyon.

Damn.

I need to meet my parents right now, kaso nang dahil dito ay baka ma-delay iyon. Tsk.

Bakit ba napakalupit sa akin ng tadhana? Friday the 13th ba ngayon?

Napairap ako sa kawalan bago binilisan ang paglalakad.

Umuusok na ang sasakyan nang makalapit ako. Wala din akong nakikitang tao sa paligid kaya sigurado akong nasa loob pa ang driver ng sasakyang ito.

Huminga muna ako ng malalim bago kumuha ng bato sa gilid at binasag ang bintana sa kanang bahagi ng sasakyan. Sa parte kung saan walang nakaupo. Nang tuluyan ko na itong masira ay ipinasok ko ang aking kamay para buksan ang pinto ng kotse. Nabuksan ko din naman agad at gano‘n na lang ang naging gulat ko nang makilala ko kung sino ang driver nito.

F-Felix?

Duguan ang ulo nito habang nakapikit ang mga mata kaya kinabahan ako. Pilit ko pa itong ginigising pero hindi talaga magising.

Damn it.

Ipinatong ko ang braso nito sa balikat ko at hinawakan sa kanyang bewang para mabuhat ko siya palabas sa kanan, kung saan winasak ko ang pintuan ng kanyang kotse. Padami nang padami ang usok ng sasakyan at animo'y maya-maya lamang ay sasabog na. Lalo akong kinabahan sa naisip kaya mas binilisan ko ang pag bubuhat dito.

Hingal na hingal ako matapos ilabas si Felix mula sa sasakyan n‘ya. Mabigat ito kaya pinagpawisan ako.

Malapit na kami sa sasakyan ko nang marinig kong sumabog ang kotse ni Felix. Naniningkit ang mga matang nilingon ko iyon. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin dahil sa kapal ng apoy. May mga ilang parte ng sasakyan n‘ya ang tumatalsik Maya mas binilisan ko ang pag-akay dito.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon