Chapter 29: Lost Sister

224 18 0
                                    

Continuation.


"My name is Aryana. Aryana Seidon Hawthorne. The daughter of Mr. Cronus and Mrs. Bless Hawthorne." dahil sa sinabi ko ay natahimik ang lahat.Napangisi ako.

Mabuti na lang pala at may nagdala ng box sa akin kaninang umaga dahil kung hindi, ay hindi ko malalaman ang totoong pangalan ko. Pero nakakapagtaka pa din, paanong nawala ang pangalan ng kapatid ko ganoong nasa picture din ito? Napailing-iling na lang ako bago nilingon ang kinatatayuan ng tatlo. Napangisi ako nang makita ang reaksyon ng mga ito.

Naggagalaiting hinablot ni Mr. Hermes ang braso ko. "Stop talking nonsense, Aryana. Anak kita!" galit na sabi nito.

"No, I'm not." malumanay na ani ko habang hawak ang aking hikaw. Ginagawa ko ito palagi kapag nawawalan akong gana sa aking kausap.

Inanunsyo ni Mr. Hermes na maaari nang bumalik ang mga estudyante sa kanilang silid. Maraming nagreklamo sa ginawa nito. Nakita kong naiwan ang tatlo. Iniwas ko agad ang paningin doon nang makitang pupunta ito sa gawi namin.

"Paano nangyaring hindi ikaw ang anak ni Mr. Hermes, e, pina-DNA test ka namin at ang lumabas na resulta ay ikaw ang anak ni Mr. Hermes." Ani ni Jofel nang makalapit ang mga ito. Napangisi naman kaagad ako bago isa-isa silang tiningnan sa mata.

"Of course, ako ang lalabas na positive doon. Sa gamit ko rin ninyo ikinumpara e." pailing-iling na ani ko. "Nasubukan ninyo na ba sa kanya?" itinuro ko si Mr. Hermes at umiling lang ang dalawa. Si Felix naman hanggang ngayon ay nakakunot pa rin ang noo.

"Hindi pa, but we're planning nama-

Naputol ang sasabihin ni Ashtan nang magsalita si Mr. Hermes.

"When did you found out?" Mr. Hermes asked. Nagulat ang tatlo sa itinanong nito.

Tipid na napangiti ako. "Do I need to answer that question?" tanong ko habang nakahawak sa aking baba.

"Of course."

"¿Por qué te lo diría? (why would I tell you?)" nakangising ani ko dito.

"H-How..."

"Come on, Mr. Hermes. H'wag na tayong maglokohan dito. Alam kong alam mo kung sino sa ating dalawa ang nagsisinungaling." natahimik lang ito at hindi kaagad nakasagot.

"Bakit, Mr. Hermes. Hindi mo ba matanggap na nalaman ko na ang totoo? Hindi mo 'man lang ba naisip na baka iyon ang naging dahilan kung bakit ako naglayas?" huminga ako nang malalim bago muling hinarap ito. Napatulala lang ito sa mga sinabi ko.

"I-Is t-that t-true?" napatingin kaagad ako sa aking likuran nang may nagsalita doon. Nanlaki ang mata ko nang makilala ito. K-Kenshin?

"Totoo ba ang lahat nang iyon? Aryana? Dad?" tumingin ito sa amin ng kanyang ama. Napayuko lang si Mr. Hermes bago mahinang tumango.

"Y-You're joking right?" lumapit ako rito at tinapik ang balikat nito bago umiling. "Damn! If you're not my sister, then where the hell is she right now?!" mariing sigaw nito bago napasabunot sa kanyang buhok.

"She was kidnapped before." nakatulalang ani ni Mr. Hermes.

"What do you mean?" singit na tanong ni Felix na kanina pang tahimik. Tiningnan lang ito ni Mr. Hermes bago nagpatuloy. "Kinidnap siya nang kung sino at hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na balita kung saan na nila ito dinala."

"Tapos hinayaan mo lang, Dad? You didn't look for her after that? Tsk." asik ni Kenshin sa kanyang ama.

"You don't understand me." malumanay na anito bago lumapit kay Kenshin. Humakbang naman kaagad paatras si Kenshin.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon