Aryana's POVMAAGANG nagising ang mga tao sa bahay para paghandaan ang kaarawan ni Aristotle. Dito rin ako pinatulog ni Mom dahil espesyal ang araw na ito. At para masanay daw akong tumira sa isang bahay kasama sila.
Btw, He's 21 now. I-isang taon lang pala ang pagitan namin ni Aristotle kaya hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ‘kuya’.
Naghilamos muna ako bago bumaba ng kwarto, nadatnan ko namang nagluluto si mommy sa kusina.
“Good morning, Mom.” nakangiting bati ko bago umapit dito. Nilingon ako ni mommy bago sinenyasan na maupo. “Pinagluto kita ng paburito mo. I hope you like it.” nakangiting ani ni Mom. Napangiti rin ako nang mahulaan ko kung anong niluto niya.“Woah, it's carbonara, my favorite. Thanks, Mom!” ngumiti lang ito bago naupo sa aking tabi. “How's your sleep, Darling?”
“Medyo nababaguhan pa rin po, pero naging maayos naman po ang tulog ko.” sagot ko bago isinubo ang tinidor na may carbonara.
Gusto-gustong ko talaga ang carbonara lalo kapag s‘ya ang nagluluto. Noon kasi ay dumarayo pa ako sa kanilang restaurant para makatikim ng ganito.
“Good morning.” bati ni Daddy habang pababa ng hagdan. Kasabay nito si Kuys na bagong ligo.
“Good morning, Dad. Good morning din sayo, Kuys.” nakangiting bati ko nang makalapit sila sa amin. Naupo si Dad sa tabi ni Mom samantalang si Kuys naman ay sa tabi ko dumiretso.
“Happy birthday, Kuys.” nakangiting bati ko dito. Ginulo lang nito ang buhok ko. “Salamat, Ayan, ikaw ang last dance ko mamaya, ha?” napatango-tango lang ako.
“Sure.” ngumiti lang ito bago inilipat ang paningin kay Mommy.
“Mom, pwede ba akong lumabas? I need to meet my friends right now. Don't worry, Mom. Sa resto lang kami pupunta.” paalam ni Kuys at agad naman itong tinanguan ni Mom bilang pagpayag nito.
“Sure. Mag i-ingat ka, ha? H‘wag mo kalimutang imbitahin sila mamayang gabi, ah.” dagdag na paalala ni Mom.
Nakangiting tumango lang si Kuys bago kumaway sa amin bago lumabas.
“Ikaw, Aryana? Wala ka bang pupuntahan ngayong araw?”
Napatingin ako kay Dad ng tanungin ako nito. Saglit akong napaisip pero agad ding umiling nang maalala kong wala akong gagawin ngayong araw. Nasabihan ko na rin naman kasi sina Kaito na pupunta dito mamaya, e. Maging sina Felix at Jofel ay nasabihan ko na rin.
Matapos naming kumain ay nagpaalam si Dad na papasok muna daw siya sa trabaho. Humalik ito sa pisngi namin ni Mom bago ito lumabas.
“Makakaabot po kaya si Dad sa party mamaya?” nakangiting tumango lang si Mom kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
NANG pumatak ang ala-syete ng gabi ay dumagsa ang mga tao. Nasa loob pa rin ako matapos ayusan pero nakikita ko sa bintana ang mga taong dumarating.
Napatingin ako sa suot ko bagi bahagyang napatawa.
Hindi ako ang may kaarawan ngayong araw, pero dahil sa suot ko ay parang isa ako. Hindi ko inasahan na ganito pala ang susuotin ko. Hindi ko naman kasi alam na ako pala ang magiging muse ni Kuys kaya wala akong nagawa kun‘di magpaayos ng ganito.
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Napangiti ako bago lumapit sa salamin at hinawakan ang aking repleksyon.
“Ang ganda mo ngayon, Aryana.” bulong ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Ficción GeneralThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?