Chapter 10: Mr. Xelo Part 2

295 27 29
                                    


Continuation.

Aryana's POV

KAAGAD kong ipinabuhat si Mr. Xelo nang dumating si Dwayne. “Anong gagawin natin dito?” tanong nito nang maipasok n‘ya sa sasakyan si Mr. Xelo.

Napangisi lang ako bago sumakay sa kotse n‘ya. “Ipapadala.” tumaas ang kilay nito. “Kanino?”

“Tomy Hermes.” nakangising banggit ko sa pangalan ng ama-amahan ko.

“Bakit naman doon pa? Paano kung mapahamak ka?” nabobosesan kong nag aalala ito kaya napatingin ako dito, bago nag iwas ng tingin. “Don't worry, hindi naman ako ‘yong magdadala eh.”

“Sino?” takang tanong nito.

Nakakalokong tiningnan ko naman ito. “Ikaw.”

“A-Ano?! B-Bakit ako?” napangisi lang ako. S‘ya itong nag aalala sa akin kapag ako ang gumawa, pero no‘ng sinabi kong s‘ya na ang mag dadala, nagreklamo pa. “Akala ko ba nag aalala ka? Tss.”

“Oo na, ako na.” pagsuko nito.

“Good.” ani ko bago tinapik ang balikat nito.

Kumuha ako ng papel at nagsulat.

Ingatan mo ang mga tauhan mo, Dad. Pakalat-kalat, e.

-Your pretty daughter.


Nakangising ikinapit ko naman ito sa likod ni Mr. Xelo.

Nagulat ako nang biglang may nag ring na phone. Tiningnan ko ang aking phone sa pag aakalang akin ang tumutunog, pero hindi pala. Maging ang phone ni Dwayne ay kanyang tinignan, umiling lang ito nang mapagtantong hindi rin sa kanya ‘yon.

I-isa lang ang ibig sabihin noon, may tumatawag kay Mr. Xelo. Nagkatinginan kami ni Dwayne at sabay na nilingon ang tulog na si Mr. Xelo.

Agad ko naman itong kinapkapan at kinuha ang cellphone nito.

Secretary is calling....

Answer | Ignore

Sinagot ko ito, pero hindi muna ako nagsalita.

Hello, Mr. Xelo? May naghahanap po kasi sa inyo. Makakapunta po ba kayo ngayon dito? ani ng isang babae na m
paniguradong sekretarya n‘ya.

Mukhang sina Felix ang sinasabi nitong bisita ah.

Napangisi ako. ‘Hello?’ pag sagot ko. Napansin kong umingay ang kabilang linya. Napangisi ako.

Hello, Miss? Who are you? Are you with Mr. Xelo? tanong nito. Why would I tell you bitch? Tss.

Kaagad kong pinatay ang tawag at ibinalik sa bulsa ni Mr. Xelo ang kanyang phone.

“Dwayne, bababa na ako. Ikaw na bahala sa kanya.” paalam ko bago bumaba sa sasakyan.

“Teka, saan ka naman pupunta?” pahabol na tanong nito. “Secret.” ani ko bago naglakad paalis.

Sa totoo lang wala talaga akong balak bumaba, kaya lang, kanina pa ako nakakahalata na may sumusunod sa amin e. Mga alagad siguro ni Mr. Xelo. Tss.

Nang tuluyang makaalis ang kotse ni Dwayne ay nag tago ako sa isang poste, kung saan nakikita ko ang bawat galaw nila. Nakita kong binuhay na nila ang mga makina ng kanilang sasakyan. Mabilis kong pinatamaan ang mga gulong ng kanilang sasakyan gamit ng mga samurai na nakuha ko sa tambayan nina Felix.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon