Chapter 24: Reasons

226 18 1
                                    


Continuation.

Aryana's POV

“Who really are you?” kaagad akong natigilan sa tanong ni Felix at hindi nakapagsalita. Kailangan ko pa bang sagutin pa ang tanong na iyon?

Hindi ko pinansin ang tanong nito. Tumayo ako mula sa pag kakaupo at nakangising hinarap ito. “Sorry, but our deal is done. Ubos na ang Sprite na ibinigay mo.”

“I'll buy again.” alok nito but I refused. “No need.” ani ko bago humakbang ng isa palapit dito. “Marami ka nang nalalaman tungkol sa akin. Hindi pa ba nasasagot no‘n ang mga katanungan mo sa iyong isipan?”

Humakbang rin ito palapit sa akin kaya sobrang lapit na namin sa isa't isa. Ultimong pamango nito ay naamoy ko na. Napangisi lang ito bago tumingin sa mga mata ko. “Why do I have this feeling that you're hiding something from me, huh?”

“Then your feeling is right, dude. Whatever it is, it's for me to know and for you to find out.” walang ganang ani ko bago tinalikuran ito.

Pagkarating ko sa bagay ay pabagsak kong itinapon ang sarili sa couch na nasa sala. Sa dami ng itinanong ni Felix ay hindi ako siguro kung may nasagot ba akong mali. Kinapa ko agad ang phone ko at idi-nial ang number ni Kaito para makasigurado.

Yes, hello? bungad nito.

Ikaw gumawa ng Student profile ko sa DFU, right? tanong ko.

“Yes, why? May problema ba?

“Wala. Wala pa.” kinakabahang ani ko. “A-Anong petsa ng kaarawan ko ang inilagay mo doon?

October 7.” nasapo ko naman kaagad ang aking noo at nakaramdam ng panghihina.

“Bakit hindi mo kaagad sinabi?!”  inis na sigaw ko rito bago napasabunot sa sarili.

“Hindi ka naman kasi nagtanong.” pamimilosopo pa nito.

Kahit pa! Tsk.agad ko itong Binabaan dahil sa inis. Dapat talaga na sinabi niya sa akin noong una pa lang, e. Edi sana hindi ako pinaghihinalaan ngayon ni Felix.

Paniguradong nasa kanya ang form na ginamit ko sa pag e-enroll gano‘n na din ang ibang impormasyon tungkol sa akin. Dahil kung wala, hindi ito mag tatanong sa akin basta-basta ng walang lead.

Napatigil ako sa pag i-isip nang may may nag-doorbell. Lumapit ako doon at binuksan.

“Ayan.” bungad ni Kaito.

Taka ko naman itong tiningnan.
“Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sinasabi na pwede kang pumunta dito.” napakagat ito sa kanyang labi. Mukhang napahiya sa sinabi ko. Psh.

“Yes, I know. But I'm here to ask you something.” seryosong anito kaya naman nagtaka ako.

Ano na naman kaya iyon? At bakit hindi na lang n‘ya sa tawag itinanong at kailangan sa personal pa?

Inilibot ko muna ang aking mata sa paligid ng aking bahay. Malay ko bang masundan ito ng kung sino, edi delikado? Nang masiguro kong wala naman ay sinenyasan ko na ito na pumasok.

“Come in.” ani ko. Sumunod naman kaagad ito sa akin sa loob.

Inilibot nito ang kanyang paningin sa bahay ko nang makapasok sa loob.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nito. Tumingin saglit ito sa sa akin bago ibinalik ang paningin sa wall kung saan nakasabit ang mga painting ko.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon