Chapter 14: Trapped

253 23 0
                                    


Continuation.

Wala akong nagawa kun'di ipasok lahat nang upuan na hindi ko pa naipapasok. Mabuti naman at tumulong na rin siya ngayon. Masyadong matatagalan ako rito kung hindi s'ya tutulong. Nang matapos naming ilagay sa loob ang mga upuan ay naupo kami sa sahig para magpahinga. Saglit akong napatingin sa aking relo. Gano'n na lang ang panglulumo ko nang makitang 7:20 pm na.

Sinamaan ko agad ng tingin si Felix. Kung maaga sana itong tumulong baka hindi kami inabot nang ganitong oras. Tsk

Nagulat ako nang biglang sumarado ang pinto dahil sa lakas ng hangin. Alas syete na kaya malamig na sa labas. Aish.

Kinuha ko agad ang phone ko at binuhay ang flashlight nito. Madilim sa loob ng bodegang ito. Mukhang sira din ang ilaw dahil puro kalawang na.
Ano bang klaseng paaralan 'to? Tsk.

Tumayo ako at naglakad palapit sa bintana para silipin ang labas. Mukhang u-ulan pa ata. Aish! Agad kong nilingon si Felix na hindi 'man nagbago ang upo nang makapasok dito. Seryosong nakatulala lang ito sa kawalan habang pinaglaruan ang lighter sa kanyang kamay.

"Hey!" pag agaw sa atensyon nito walang kareaksyon-reaksyong tumingala ito sa direksyon ko. "Kailangan ko nang umuwi, bye." paalam ko bago naglakad para buksan ang pintuan. Napakunot ang noo ko nang hindi ito bumukas. ¡Joder a esta escuela! (Fuck this school!)

Napahilamos ako sa inis. Sinubukan ko ulit itong pinihit nang paulit-ulit pero ayaw pa rin talaga. Ano bang klaseng paaralan ito? Bakit ang daming sira? Mierda!

Inis na ibinaling ko ang paningin kay Felix. "Hoy, Felix!" Kunot noong tumingin lang ito sa akin. "Baka gusto mo akong tulungan?" ani ko bago itinuro ang pintuan.

"Stop kidding around." seryosong anito bago isinuot ang kanyang earpods. "Paniguradong gumagawa ka lang ng palusot para makasama ako. Tsk." Nakangising anito bago tumingin sa gawi ko.

Huh, really? Kung s‘ya lang din ang makakasama ko,  h'wag na lang.


"Mukha ba akong nagbibiro, ha?!" singhal ko dito bago lumapit sa pinto at sinubukang buksan ito. "See?" walang ganang aniko. Kunot noong inalis n'ya ang earpods at lumapit sa akin.

"Move." hinayaan ko s'yang makalapit sa pintuan. Sinubukan n'ya din itong buksan pero hindi n'ya nagawa.

Hindi nakuntento si Felix sa patulak-tulak lang at papihit-pihit lang. Pinagsisipa n'ya rin ito pero mukhang matitibay ang kahoy na ginamit dito kaya balewala lang ang mga effort nito.

Bagsak ang balikat na naupo ako sa sahig at napahilamos sa sarili. Samantalang si Felix naman ay hindi pa rin tumitigil sa pagsipa rito.

Nag isip ako ng ibang paaran para makalabas. "Subukan mo kaya tawagan ang mga kaibigan mo." suhestyon ko, saglit naman napatingin ito sa gawi ko bago umiling iling. "I left my phone in my locker." napailing na lang ako bago kinuha ang phone ko. Sinubukan kong tawagan si Dwayne pero out of coverage. Kaya wala akong nagawa kun'di tawagan si Kaito. Dalawang number lang ang nasa contacts ko. Ang isa ay kay Dwayne at isa naman ay kay Kaito.

Umayos ako ng upo nang sagutin nito ang tawag.

"Where are you?" bungad ko.

Tumingin sakin si Felix at tumigil na sa pagbubukas. Pawis na pawis na naupo ito sa gilid ng pintuan.

"Nasa restaurant ni Mommy, why? Is there something wrong?" tanong kaagad nito. Alam na alam talaga n'ya basta tumawag ako.

"Ah, yes. Pwede ka bang pumunta sa school? Sa rooftop ng building B."

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon