Chapter 16: Sir Gregor

294 19 0
                                        


Aryana's POV

'Daddy, saan po tayo pupunta?' tanong ng isang Bata.

'Sa America anak, doon natin ice-celebrate ang birthday ninyo ng mommy mo.' nakangiting tumingin ang Bata sa ina nito.

'Talaga, Mommy?' nakangiting tumango ang ina nito.

'Paano po iyong paburito kong laruan na nasa bahay? I-iwan ko na lang po ba doon?' nakangusong tanong ng Bata

'Hala, oo nga Cronus, balikan natin.' Sabi ng nanay no'ng Bata.

Hindi nakaimik ang daddy ng Bata kaya takang napatingin ang mommy nito sa kanyang Asawa.

'Hindi na tayo pwedeng bumalik, darling. May mga nag babantay sa atin doon.' ani ng ama, napatango ang Bata kahit walang maintindihan.

Habang nakatingin ang lalaking nagngangalang Cronus sa kanyang asawa ay hindi nito namalayan ang rumaragasang sasakyan na papunta sa kanilang gawi. Malakas itong bumangga sa kanilang sasakyan, dahilan kung bakit naunang nawalan ng malay ang anak nilang babae.

"You okay?" nabalik ako sa realidad nang tanungin ako ni Felix. Tumango ako dito kahit alam kong hindi talaga ako okay. What the hell? Sino 'yon? At bakit nasa alaala ko sila?

Kaagad kong pinunasanan ang luha sa aking pisngi.

What the hell is happening to me?

"Enough. Hindi mo na kailangan i-kwento sa akin ang lahat. Ngayon pa lang ay naniniwala na akong totoo ang sinasabi mo." ani felix taka ko naman itong tiningnan. But it's not true...

Pero atleast naniniwala siyang nakapunta na ako dito, right? Magaling ba ako mag sinungaling? Bakit ang bilis nitong maniwala?

Damn, nakakahiya. Ayoko pa naman sa lahat kapag may nakakakita sa akong umiiyak.

Kahit binabagabag pa ako ng mga alaalang iyon ay pinagsawalang bahala ko na lamang.

"Let's go." aya ko rito.

Pagkapasok namin sa loob ay agad naming nahatak ang atensyon ng mga nurses at ibang pasyente na pagala-gala. Lumapit ako sa isang nurse na nasa counter at nagtanong.

"Saan po ang room ni Mr. Gregor?" tanong ko. Yumuko naman ito para hanapin sa list ang pangalan ni sir.

"Room 128 mis-" nang mag angat ito nang paningin ay natigilan ito at napatitig sa mukha ko. Napairap ako sa kawalan.

"M-Miss A-Ary-

"Room 128 po ba? Sige, salamat po." ani ko bago umalis sa harap ng nurse na iyon. Paanong sa tagal kong nawala ay naaalala niya pa rin ako? Mierda.

Nang matunton namin ang room ni Mr. Gregor ay hindi agad kami pinapasok. May mga pulis kasi na nakabantay dito sa labas nito. Ipinakita namin ang School ID namin bago kami tuluyang pinapasok.

Nadatnan namin ang Dean doon, kaya nagtaka naman ito nang makita kami.

"Anong ginagawa n'yo dito? Wala ba kayong klase?" tanong ng sekretarya nito. Hindi namin ito sinagot bagkus lumapit sa pwesto ni Mr. Gregor at tiningnan ang kabuuan nito. Nakahiga pa din ito at walang malay. Marahil tinuturukan ito ng pampatulog kaya ganoon.

"How is he?" tanong ko sa isang nurse na naroroon habang ang paningin ay na kay Sir pa rin.

"Thankfully wala naman na fractured." sagot ng nurse tinanguan ko naman ito. "Mabuti't maaga s'yang dinala rito. Dahil kung hindi ay baka natuluyan na ito." napataas ang kilay naming apat sa narinig.

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon