Felix POV
LAGLAG balikat na bumalik kami sa hideout. Napansin ko rin ang panlulumo nang dalawa dahil sa nangyari. Maging ako ay hindi matanggap na natakasan kami nang traydor na iyon. May araw ka rin sa akin, Mr. Xelo.
Inis na tinungo ko ang daan papunta sa underground. Mabilis kong ikinasa ang hawak kong baril at pinatamaan ang litrato ni Mr. Xelo hanggang sa nawasak ang buong mukha nito.
Ano na lang ang sasabihin ni Daddy kapag nalaman n'ya ito? Paniguradong makakatanggap ako ng parusa kapag nalaman n'ya ang tungkol dito. Damn it!
Itinutok ko ulit ang aking baril ulit sa litrato nito. Napatigil ako sa ginagawa nang dumating si Jofel. Hingal na hingal ito kaya nagtaka ako. Ibinaba ko muna ang aking baril bago ito pinuntahan.
"What happened? Why are you sweating?" tanong ko rito nang makalapit.
"A-Ano kasi 'yong Daddy mo..." taka ko naman itong nilingon. "Oh, bakit? Anong mayro'n kay Daddy?"
"Narito s'y-" mahinang anito na s'ya namang ikinatigil ko.
"FELIX!"
Kinabahan kaagad ako nang marinig ang boses ni Daddy. I thought nasa ibang bansa s'ya? A-Anong ginagawa n'ya dito?
Huminga ako nang malalim bago humarap dito. Saktong pagkaharap ko ay nag paulan ito ng bala sa gawi ko. Shit!
Kung hindi ako naka ilag siguro'y may tama na ako ngayon. Sinenyasan ko si Jofel na lumabas muna. Alam kong alam n'ya kung bakit ko iyon ginawa. Nang makalabas ito ay lumapit ako kay Daddy.
"Dad." nakayukong ani ko. Nagulat ako nang bigla nitong hilahin ang kwelyo ko at malakas na sinuntok sa mukha. Nawalan ako ng balanse dahil sa lakas ng epekto ng pagkasuntok nito. Pinahid ko ang gilid ng aking labi dahil pakiramdam ko ay nagdudugo ito, at hindi nga ako nag kamali.
Akmang tatayo na sana ako nang sipain nitonang sikmura ko kaya napabagsak ako sa sahig. Napadura ako ng dugo bago nagmamakaawang tumingin kay Dad. "D-Dad..."
Kahit gustuhin ko mang lumaban pabalik ay hindi ko magawa. Natatakot ako na baka mapatay ako ni Daddy. Alam ko kasing kahit sariling anak nito, tingin pa rin n'ya sa akin ay isang sunod-sunuran lamang. Unfair isn't it? Yes, I know. But I can't do anything about it.
Sa pangatlong pagtayo ko ay hindi na ako nito sinutok. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.
"I'm sorry, D-Dad." paghingi ko ng paumanhin. Lumapit ako dito para lumuhod sa harap nito. Napailing-iling lang si Daddy bago nag iwas ng tingin
"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang kapalpakang ginawa mo ngayong araw." nanghihinang napaiwas ako ng tingin.
"I'm sorry for disappointing you, Dad." nakatungong ani ko. Mas lalo akong napayuko dahil sa sunod na sinabi nito.
"Kung alam ko lang sana na bibiguin mo ako, hindi na sana kita inasahan." pailing-iling na sabi nito. Napahawak ako sa mga paa nito pero sinipa lang ulit nito ang sikmura dahilan kung bakit ako napalayo dito. Hindi ko ininda ang sakit at muling nagmakaawa dito. "I'm really sorry, Dad. Promise, hindi na po ito mauulit. I'll do better next time. Just give me more chance-"
"Hindi na talaga." Pag tigil nito sa sasabihin ko. Agad akong napatulala.
"W-What d-do y-you m-mean, D-Dad?" nagtataka kong tanong. Nakaramdam ng kaba sa hindi ko maipaliwanag na paraan.
BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
General FictionThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?
