Aryana's POV"But... Are you sure that I'm your real daughter, huh? Mr. Hermes?" pansin kong natigilan ang nasa kabilang linya dahil sa itinanong ko. Tsk. Pinatay ko na ang tawag bago ko ibinalik kay Felix ang phone niya. "Here's your phone."
Nakakabagot kung hihintayin ko pang makasagot ito. Hindi n'ya siguro akalain na magtatanong ako ng ganoon. Nakatulalang nakatingin lang sa akin si Felix. Ni hindi n'ya rin inaabot ang phone na hawak ko. Napailing na lang ako bago kunuha ang kamay niya at inilagay doon ang phone n'ya. Matapos kong gawin iyon ay iniwan ko na s'yang nakatulala. Sigurado akong sa mga oras na ito ay punong-puno ng tanong ang isipan n'ya.
Pagkalabas ko ng Dean office ay naabutan kong nakatayo sa hallway si Miss Jana. Ngumiti ito sa akin pero tinanguan ko lang ito. Habang naglalakad pabalik sa room namin ay nakasalubong ko muli si Kaito. Nakangising lumapit ito sa akin.
"Oh, kamusta sa Dean Office? Pag lilinisin ka raw ba ulit?" natatawang anito kaya napairap ako nang wala sa oras."He found out the truth." nanghihinang ani ko habang hawak ang aking hikaw.
"Do you mean si Felix?" I nooded. "How?" medyo gulat n'yang tanong.
"I don't know, but I guess pina-DNA test niya ako." sagot ko rito.
Saglit naman itong napatingin sa likuran ko at binigyan ako ng makahulugang tingin. Why?"So, magkasabwat pala kayong dalawa? Oww, I see." nagulat ako nang marinig ang boses ni Felix. Bakit nandito na agad s'ya? Alala ko magtatal pa s'ya sa Dean office? Aish, meirda.
Dahan-dahan ko naman itong nilingon.
"Why aren't you answering?" napairap ako sa kawalan.
"¿Cómo puedo responder a su pregunta, si sabía las respuestas ya? (How can I answer your question if you knew it already?)" nakangising anito, palihim na natawa naman si Kaito na nasa tabi ko.
"W-What are you saying?" kunot-noong tanong nito. Napangisi lang ako.
"Ang sabi niya-
"Shut up, Kaito." ma-awtoridad kong utos dito. "Mauuna na ako." ani ko bago tinapik ang balikat nito.
Bago ko lampasan si Felix ay nginisian ko lang ito.
MATAPOS ang klase sa buong maghapon ay dumiretso ako sa HQ. Nadatnan ko naman doon si Dwayne habang nakahiga sa sofa. Kaagad itong napatayo nang makita ako.
"Nandito ka na pala." anito bago lumapit sa akin. "Si Fumi?" takang tanong nito habang nakatingin sa likod ko. Umiling lang ako. "Nag uusap pa siguro sila ni Felix."
"Bakit?" nakakunot-noong nito. Huminga muna ako ng malalim bago kinuwento ang lahat. Hindi rin ito makapaniwala na nalaman na ni Felix ang tungkol sa katauhan ko. "A-Anong sabi ni Mr. Hermes?"
"He said over the phone that he'll arrange my marriage once I comeback." walang ganang ani ko. Napataas kaagad ang isang kilay nito.
"Fvck, I-Is that true?" nakagat ko ang aking labi dahil sa inis bago tumango-tango. Huminga ako nang malalim bago tumayo para kumuha ng tubig sa fridge. "Hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari ito. Bakit kailangang mapunta sa kasal? Aish, fvck that marriage." inis na ani ko bago ininom ang tubig na hawak ko.
***Felix Simoun POV
Padabog kong binuksan ang main door at mabilis na dumiretso sa kwarto ni Dad. Nagsusulat ito sa kanyang table nang lumapit ako.
"What are you doing here? Don't you know how to knock?" may bahid na inis sa tono nito bago ibinaba ang hawak nitong ballpen.
Napahilamos lang ako nang wala sa oras.
Umayos ito ng kanyang upo.
"What's problem?"Humihinga ako ng malalim bago hinarap ito. "M-May alam ho ba kayo tungkol sa kasal na sinasabi ni Mr. Hermes?"
"Ow, iyan ba?" tipid na sagot nito bago napatango-tango. Naikuyom ko lang ang aking kamao dahil sa sinabi nito.
"So you knew it already, huh?" nakangising ani ko. Muli na naman itong tumango kaya napalunok ako ng sarili kong laway. "Pero bakit hindi n'yo 'man ako sinabihan? Ni hindi n'yo 'man lang ako tinanong kung gusto ko bang makasal!" hindi ko naiwasang magtaas ng boses kaya napatayo ito mula sa pagkakaupo.
"Dahil gusto kong i-supresa ka." surprise? Fvck that surprise.
"Dad, bata pa ako! Tsaka sinong magiging masaya sa kasal, kung hindi naman ang ‘yong mahal ko ang aking pakakasalan?"
If I have known na ganito ang nangyayari kapag natapos ko ang mission, sana pala noong una palang ay hindi ko na itinuloy. Sana hindi ko na lang tinanggap.
"You can't do anything about it, Felix. Napag-usapan na namin ni Mr. Hermes ang tungkol dito."
"Bakit kailangan mo pang makipag-deal kay Mr. Hermes, huh Dad? It's look like na mas kinakampihan n'yo pa iyang si Mr. Hermes kaysa sa akin, na anak mo." ani ko bago tinalikuran ito. Nang makailang hakbang ako ay nagsalita itong muli kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Hindi lahat ng bagay ay pwede kong sabihin sa iyo, Felix. May mga bagay na kailangang itago para sa katahimikan ng lahat. Sana maintindihan mo iyon, anak." napaiwas ako ng tingin nang sandaling maalala ang sinabi ni Aryana kanina. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito.
Padabog kong isinarado ang pindo nang makalabas ako. Naikuyom ko ang kamao ko bago dumiretso sa kitchen para uminom ng tubig.
Kung ano 'man ang hindi ni Dad masabi-sabi sa akin ay malalaman ko din sa takdang panahon, maybe it's not the right time for that.
LUMABAS ako sa bahay namin para magsindi ng sigarilyo. Hindi ko inasahan na may tao palang nakaabang dito.
"What are you doing here, Rheinor?" seryosong tanong ko rito.
"To congratulate you?" patanong na sagot nito bago natawa. Napairap lang ako sa kawalan.
"Natatakot ka ba na maagaw ko ang posisyon mo, huh?" mabagal na tumango-tango ito.
"Parang ganoon na nga."
"Sulitin mo na ang panahon na natitira sa iyo sa loob ng organization, dahil oras na bumalik ako ay maaari ka na ulit bumalik sa States." nakangising ani ko dito. Humakbang ito palapit sa akin bago pinagpagan ang balikat ko.
"Pero insan, sigurado ka bang makakabalik ka pa?" nakangising anito habang nakatingin sa mata ko.
"What do you mean, huh?"
"Hindi ba't ikakasal ka na?" anito bago tinapik ang balikat ko at naglakad papalayo. "Congrats to your upcoming marriage, bro."
***

BINABASA MO ANG
Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)
Ficción GeneralThe billionaire's daughter ran away from their home because she found out the truth that she's not his biological daughter. Due to its disappearances, Mr. Hermes ordered the Mafia's Son to find his daughter. Is he going to find her or not?