Chapter 20: Memories

219 21 0
                                    

Aryana's POV

Saan po tayo pupunta?’ tanong ng isang Bata.

Sa America anak, doon natin ice-celebrate ang birthday ninyo ng mommy mo.’ nakangiting tumingin ang Bata sa ina nito.

‘Talaga mommy?’ nakangiting tumango ito.

‘Paano po iyong paburito kong laruan na nasa bahay? I-iwan ko na lang po ba doon?’ nakangusong tanong ng Bata

Hala, oo nga Cronus balikan natin.’ Sabi ng nanay nung Bata.

Hindi nakaimik ang daddy ng Bata kaya takang napatingin ang mommy nito sa kanyang Asawa.

Hindi na tayo pwedeng bumalik darling. May mga nag babantay satin doon.’ ani ng ama, tumango ang Bata kahit walang maintindihan.

Habang nakatingin ang lalaking nagngangalang Cronus sa kanyang asawa ay hindi nito namalayan ang rumaragasang sasakyan na papunta sa kanilang gawi. Malakas itong bumangga sa kanilang sasakyan, dahilan kung bakit naunang nawalan ng malay ang anak nilang babae.

Kaagad akong napabangon sa aking higaan at naghabol ng hininga.

Ano bang mayro’n sa mga alaalang iyon at lagi na lamang ako nitong binabagabag?

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na pumasok ito sa aking isipan. Halos sa araw araw ay itong mga alaala ang gumigising sa akin. Hindi ko alam kung sa akin ba itong mga alaala o ano.

Wala naman akong naaalalang may aksidenteng naganap noong ako'y bata pa. 

Sa halip na idiretso ko ang aking tulog ay bumaba ako para magluto ng almusal. Lunes ngayon at mabuti't nagising ako ng maaga. May pasok nga pala ngayon at ayaw ko na muling maulit ang nangyari no‘ng nakaraan.

Mabilis kong tinapos ang pagluluto.  Wala akong alam lutuin kaya hotdog at bacon lang ang aking niluto. Sa cafeteria na lang ako manananghalian.

Matapos kumain ay niligpit ko na ito at umakyat sa taas para maligo.

INAYOS ko muna ang aking salamin bago lumabas sa aking bahay. Sa front door na ako dumaan dahil napagdesisyonan kong maglakad na lamang. Sa paraang ‘yon kasi ay mas nakakapag isip ako ng maayos.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako nang makitang may lalaking nakatayo sa harap ng bahay ko. Hindi ko agad ito nakilala dahil nakatalikod ito sa akin habang nilalaro ang susi ng kanyang sasakyan.

“Who are you?” takang tanong ko dito. Dahan-dahan itong lumingon sa gawi ko at ganoon na lang ang naging reaksyon ko nang makilala kung sino ito.

It's him again.

Anong ginagawa niya dito?

“Oh, hi! Akhira, right?” nagtataka ‘man ay tumango ako. Inayos ko muna ang pagkaka-sukbit sa aking bag bago kunot-noong tumingala dito.

“Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” tipid na ngumiti lang ito bago itinuro ang entrance ng Village.

“I asked the guard.” napairap lang ako sa kawalan bago ikinuyom ang aking kamao. “Sinabi ko na sa kanila noon na h'wag ibibigay sa mga strangers ang kahit katiting na info tungkol sa akin. Tsk.” hindi sila marunong imintindi.

“But I'm not strangers to you, right? Tinulungan mo ako no‘ng nakaraan, nakalimutan mo na agad?” napairap akong muli sa sinabi nito.

“Hindi dahil tinulungan kita ay pwede mo nang isipin na magkaibigan na tayong dalawa.” napatahimik naman agad ito at halatang nasaktan sa aking sinabi. Tss

Chased by the Mafia's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon