"Sobra ka na Alfredo! Ngayon iiwan mo na talaga kami." Malakas na boses ni Mama ang narinig ko.
Nagising ako dahil sa sigawan sa labas ng kwarto ko. Pinilit kong bumangon kahit masama ang pakiramdam ko. Pagbukas ko ng pintuan ay naabutan ko si Papa pababa ng hagdanan na may dalang malaking maleta. Tumakbo ako para maabutan ko siya.
"Papa! Saan ka pupunta?" Hinawakan ko ang kanyang braso habang walang tigil ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata.
Lumuhod si Papa upang mag lebel ang aming mga mukha. Pain and loneliness were evident in his eyes. He wiped my tears with his hands and kissed me in my forehead.
"Iiwan tayo ng Papa mo para sa kabet nya!" Sigaw ni Mama habang pababa ng hagdanan.
"Shut up Lucita!" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Papa. Kitang kita ang galit sa kanyang mga mata.
"Papa totoo ba?"
Niyakap ako ni Papa ng sobrang higpit at hinaplos ang aking buhok.
"Please Papa tell me, totoo ba? Iiwan mo na ba kami?!" I asked desperately. Mas humigpit ang yakap ni Papa sa akin.
"I'm sorry baby. I hope.. you will understand me someday. I have to.. No.. I mean I need to do the... right thing this time.."
Hirap na hirap na sabi ni Papa sa akin. Naramdaman ko ang pagkalas ng yakap niya sa akin. Mabilis niyang binuhat ang maleta niya at lumabas ng pintuan. Hinabol ko sya ngunit nakasakay na siya ng kanyang sasakyan. Kinatok ko ang bintana ng kanyang sasakyan ngunit humarurot na ito palabas ng aming malaking gate. Tumakbo ako ng mabilis, hindi ko na ininda ang sama ng aking pakiramdam kahit na sobrang lakas ng buhos ng ulan. Nawalan ako ng balanse at natumba, inangat ko ang aking ulo habang unti-unting nawala ang kanyang sasakyan sa aking paningin.
Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Ang lamig na aking nararamdaman ay nawala ng naramdaman ko ang yakap ni mama sa aking likod. Dahan dahan niya akong inangat at pinilit na ipasok sa aming bahay.
"Linda kumuha ka ng towel at mainit na tubig baka lumala pa ang sakit ng senyorita niyo." Utos ni Mama sa isa naming katulong.
Pinunasan ni Mama ang luhang ayaw tumigil sa paglabas sa aking mga mata.
"I'm sorry anak. I can't make your Papa stay. It's all my fault. I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..."
Paulit-ulit ang paghingi ni Mama ng sorry habang hinahalikan ako sa aking noo. Binaon ko ang ulo ko sa kanyang leeg at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Ma why? Paano na tayo? Babalik pa ba si Papa? Ano na mangyayari sa atin 'Di na ba niya tayo mahal? Totoo bang may iba na si Papa? Pinagpalit na ba niya talaga tayo? Bakit Ma? Please tell me!"
Lalong humigpit ang yakap ni Mama sa akin at wala ring tigil ang kanyang pagluha.
I waited for her answer but all I heard was the rain outside. Nakikisabay sa lungkot na aking nararamdaman. Hiling ko lang na sana panaginip lang ang lahat na ito. Babalik si Papa sa amin, naniniwala akong hindi nya kami matitiis.
Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Pagkagising ko ay sobrang bigat ng aking pakiramdam. Narinig ko ang aming family doctor na kausap si Mama.
"Let her rest for now. Kapag hindi pa nawala ang kanyang lagnat, I suggest that you bring her to the hospital para mas mapabilis ang kanyang paggaling." Malumanay na sabi ng aming doktor.
"Maraming salamat Doc Manalo, we'll call you if lumala ang kanyang sakit. Ipapahatid na kita sa labas."
"Linda hatid mo na si Doc Manalo sa baba."
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Lie Series #1)
RomanceAt a young age, Elliot Amalia Cayetano Alcazar, witnessed her perfect life fall apart into a million pieces. She was left alone with a broken heart and soul. She felt life played her savagely. As time goes by, Elli try to be a strong and fierce woma...